CHAPTER 16

2.7K 70 0
                                    

Danna pov

"Prof ayaw mo bang kumain?"

Pagaalok ko sakanya kanina pa kasi siya nakatitig saakin 
At nakaka hiya tuloy kumain

Atsaka hindi ba siya pupunta sa kwarto niya?

Umiling laman siya saakin 

Si dandan naman ay nasa gilid ko kumakain ng ...lamok?

Yuck dugyot na gagamba to!

Teka nga diba gagamba si prof magnus?

Ang kinakain naman ni dandan ay lamok ibig sabihin lamok din ang kinakain ni prof magnus?

Hindi naman niya sinabi agad edi sana nakahuli ako

"Dandan hulihan mo nga ng lamok tong daddy mo"

Utos ko kay dandan 
Napatigil sa pagkain si dandan atsaka
Humarap saakin

Tumingin ako kay prof.magnus

Nakataas ang isa niyang kilay at nakaawang ng konti ang bibig niya

Huh bakit diba ganun naman ang kinakain ng gagamba?

"May mali ba akong sinabi?"

Nagtataka kong tanong dahil parehas silang nakatingin saakin 

Pa miyamiya lang ay bumuhos ng tawa si dandan samantalang natikom na ang bibig ni prof.magnus

"A-anong nakakatawa?"
Tanong ko kay dandan

"Akala mo kumakain si daddy ng lamok?"
Natatawang sabi ni dandan tumango ako 

Dahil dun ay mas lalo pang tumawa si dandan

Tsssssss

"I don't eat insects"

Malamig na sabi ni prof.magnus

At nagulat ako ng may humablot sa sandwich na hawak ko tumingin ako kay prof.magnus 

Dahil siya ang humablot nun

Kinagatan niya yung sandwich at dahil sobrang daming peanut butter na nakalagay doon ay may naiwan na peanut butter sa lips niya 

Dahan dahan niya iyong pinunasan gamit ang thumb niya 

F*cking tape!!!

Kundi lang monster to o mamatay tao matagal ko ng minahal tong tao este halimaw na ito

No erase erase danna pinatay niya si karisha yung kaibigan mo at isa pa yung ex mo pinatay niya rin

Umiling ako atsaka tumayo 

"Sige po prof.matutulog na ako"

Paalam ko sakanya wala akong narinig na sagot sakanya 
Kaya nagtuloy tuloy ako papunta sa kwarto ko 

Hayssss bakit ba kasi andito siya?

Privacy naman sana!

Bagsak ang balikat kong pumunta sa closet para kumuha ng damit 

Pagkatapos ay pumasok na ako sa cr para maligo kailangan kong matulog ng maaga dahil sa papasok na ako bukas

Alam kong nagaalala narin yung mga kaibigan ko

Mahigit 10 minutes ako sa banyo 

Nakasuot lang ako ng sando...kulay itim na maluwang na sando atsaka panjama na kulay white

Agad aking nagtungo sa kama 

Ayokong lumabas ng kwarto dahil andoon yung monster na yun

Baka mamaya patayin na ako nun
Naninigurado lang ako 

Magica:My Professor is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon