CHAPTER 9

3.1K 83 0
                                    

Nina pov

Ano bang nagawa ko sa lalaking to?
Tsss dahil ba pinarusahan ko yung batang yun?

Dapat lang matigil na ang kabaliwan na to ni magnus 
Walang matutulong sakanya to
Lalo lang siya nitong palalain

Umiwas ako ng magbuga nanaman siya ng sapot

Sobrang laking sapot

"ANO BA MAGNUS TIGILAN MO NA NGA YANG KABALIWAN MO!"

Sigaw ko sakanya ng sinubukan niya akong atakihin gamit ang napakalaking espada

Wala aking magawa kundi ang lagyan lahat ng lason ang mga gagambang susugod saakin

Hindi ko malabanan si magnus dahil sa alam ko ang mangyayari pag nilabanan ko siya

"Simula pa lang alam mo na.na ayaw kong pinakikialamanan ang mga biktima ko"

Malamig na sabi niya saakin bago niya pinaatake ang mahigit isang daan na tarantula

Agad kong pinalibutan ang sarili ko ng mga poison ivy

Rinig ko ang pagsabog ng mga maliliit na tarantula

"HINDI KO SIYA PINAKIALAMANAN UTOS YUN NG HEAD DIRECTOR!"

Balik ko ulit sabay palupot ko sa mga paa at kamay niya ng mga poison ivy

Nagulat ako ng walang umepektong lason sakanya

Lumalala na siya 

Mas lalo na siyang nagiging halimaw

"Ako lang ang may karapatan na patayin siya nina! ako lang"

Sabi niya sabay tanggal ng mga poison ivy na nakakapit sa paa at kamay niya 
Ayaw ng tumalab ng lason ko sakanya

Kinuha ko ang red buttong na nakatago sa bulsa ko atsaka lo iyon pinindot

"Code red "

Sigaw ko bago mapalibutan si magnus ng sandamak mak na lason

Pagnapagsama sama ang mga lason na ito isa lang ang kahahantungan niya

Kamatayan...pero dahil close sila ni kamatayan 

Hindi siya mamamatay makakalimutan lang niya ang mga pangyayari na nito nito lang naganap

Makakalimutan niya ang babaeng yun

"Kahit anong gawin mo sakin nina...hindi mawawala kung sino talaga ako at kung ano ang kakaibang nararamdaman ko s babaeng yun"

Walang ka emo emosyong sabi niya bago 

Tumama sakanya lahat ng lason

Pasensya na magnus hindi ko hahayaan na masayang ka 

Hindi ko hahayaang mapunta ka sa taong yun!

Danna pov

"Danna pinalilipat ka ng head director sa pinakatuktok na room"

Nangunot ang noo ko sa sinabi ng isa sa mga staff ng school

Bakit naman

"Kasama kami?"

Tanong ni katana sa staff 

"Si danna lang ang sinabing lilipat"

Maikling sabi nito bago inabot saakin ang isang susi 

"Kailangan bukas ay nandoon ka na...alam mo naman ang patakaran sa school na to"

Sabi nito saakin bago umalis sa kwarto namin nila katana

Magica:My Professor is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon