Chapter V

47 3 1
                                    

~

Kinabukasan..

"Kailan daw magpapractice si Ace?" nakangiting tanong agad sakin ni Havanna

Nakwento ko na kase sakanya yung hinihinging tulong ni Ace. Nakakapagtaka nga at di niya binigyan ng malisya yun. At yung tungkol naman dun kay Bryan nalaman nadin nilang tatlo at galit na galit sila. Muntikan pa ngang sugudin ni Neil si Bryan sa room nito buti nalang pinigilan ni Jon.

"Di ko alam" sagot ko

"So, hindi naman ba nabawasan ang masamang iniisip mo tungkol kila Ace?"

Napatingin naman ako sakanya "Well, ahm.. Siguro mali ako! Hindi ko naman sila ganun kakilala kaya mali din na sabihan sila ng ganun dahil lang sa ginawa sakin ni Ali"

Ngumiti naman siya "Tama. Mali na manghusga ng tao. Tamo! Kung sino pa yung hindi mo inaasahang tao na tutulong sayo. Siya pa yung tumulong sayo kahapon"

"Yeah. Mukhang okey naman pala si Ace" seryosong sabi ko

Bigla naman siyang tumawa kaya napairap ako..

"Sabagay. Hindi ka nga pala nagkakagusto sa taong GWAPO lang" pang aasar ko naman sakanya na ikinatigil niya sa pagtawa

"Gaga ka baka may makarinig" sabi niya habang tinatarakan ako ng mata

Natawa naman ako "Bakit? Gusto mo paba??" tanong ko

Tumayo naman siya at sinamaan ako ng tingin "Mag ccr nga lang ako!" sabi niya tsaka lumabas ng room

Wala pa naman masyadong tao dahil kakatapos lang ng flag ceremony at nasa labas lang naman yung lahat.

"Jlyn"

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Cindy ng tawagin niya ko.

Please sana di about to kay Bryan!

"Ngayon na natin gagawin yung sa English diba sabi ni Ma'am??" tanong niya

Napasapo naman ako sa noo ko "Shocks nakalimutan ko" sabi ko

"Huh? Ang alin?" tanong niya

"Nakalimutan ko yung colored paper" sabi ko

Nakalimutan ko na ponagdadala nga pala ko ni Ace nun..

"Haha meron naman siguro sa store. Bumili kanalang habang di pa nagtatime" nakangiting sabi niya

Tumayo naman ako at lumabas ng room pero napatigil ako ng makita sila Neil at Jon sa labas kasama yung tatlong hari.

"Oh san ka punta?" tanong sakin no Jon

Napatingin naman ako kay Neil "Dala mo yung cartolina?" tanong ko sakanya

"Oo nasa locker" seryosong sagot niya

"Siraulo! Di naman kasya dun" sabi naman ni Jon

Unexpected Fate of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon