--
"H-Ha?" mabilis kong sagot sakanyaNgumiti naman siya bago ginulo yung buhok ko. "Wala yun. Lumabas na tayo" aniya bago lumabas ng kotse at inalalayan ako palabas
"Acequel?"
Pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses nung tumawag kay Ace at pareho lang kaming nanigas sa kinatatayuan namin.
"Where have you been? Galing kayo sa.." hindi na tinapos ng Mommy niya yung sasabihin nito ng may isang lalaki lumapit sakanya at hinawakan ito sa bewang
"Oh. Who's that pretty girl?" nakangiting tanong nung (malamang) Daddy niya kay Ace
Napayuko naman ako ng konti sa hiya.
"A-Ahh D-Daddy.." panimula ni Ace bago muna tumikhim dahil mukhang kinakabahan din siya
"Something's fishy" mahinang sabi naman ng Mommy niya
"Ahh.. Hija may I know your name?"
Inangat ko naman ang tingin ko sa Daddy ni Ace na nakangiti padin sakin hanggang ngayon.
"A..Ahh Jhaniesa Lyn Lorenzo po" kinakabahang sagot ko
Napalabi naman yung Daddy ni Ace bago tumango tango "That's too long. Anong pwede kong itawag sayo?" tanong niya pa
"Po?" nahihiyang tanong ko
Tumawa naman siya ng bahagya bago sumilip sandali kay Ace "Kase diba.. You're friends with my son. I guess? So, friends should be introduced to parents and called them by their nicknames parang close close ba" he explained habang diniinan yung friends na tila nang aasar
Napatingin naman ako kay Ace na napatingin din sakin. Friends ba kami nito?
"Ahh ano po kase eh.. Hin-Hindi naman po kami friends" nahihiyang sabi ko sa Daddy niya
Kunot noong tiningnan naman ako ni Ace. "Diba?" pagbulong ko sakanya
"So, what's your relationship with my Son?"
Nabalik naman ang tingin ko sa parents ni Ace ng maawtoridad na nagsalita ang Mommy niya. Kinabahan naman ako bigla dahil dun.
"Honey. Wag mo namang takutin yung bata" nakangiting sabi naman nung Daddy ni Ace sa asawa niya
"Hindi. I'm asking her in a nice way" mahinahong sagot naman ng Mommy nito
"Ahh ang totoo po kase niyan. We're frenemies" naibulalas ko nalang
Naguguluhang tiningnan naman nila akong tatlo bago ako napakagat labi. Tama naman diba? Magkaibigan kami minsan na magkaaway.
"So you're saying?" tanong ulit ng Mommy ni Ace na naghahanap pa ng iba pang sagot
Napakamot naman ako sa ulo ko "Hindi ko naman po kase alam kung magkaibigan kami o magkaaway. Lagi po kase kami nag aaway at minsan naman nanjan siya na parang kaibigan ko" paliwanag ko naman
"Ikaw lang umaaway sakin" bulong naman ni Ace
Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napasmirk siya.
"Paano nakakainis ka naman talaga. Yung attitude mo kase h--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maalalang kasama nga pala namin ang magulang niya "Sorry po" nahihiyang sabi ko pa
BINABASA MO ANG
Unexpected Fate of US
RomanceSa mundong ginagalawan natin, may mga bagay na talagang UNEXPECTED. Mga bagay na di natin inaasahan pero bigla nalang nangyayare. Yung mga bagay na akala mo hanggang dun lang, pwede pa palang humantong sa puntong hindi mo inaakala. ...