Chapter XVI

6 1 0
                                    

~
"Hoy hoy hoy babae patay ka!" sabi ni Havanna matapos akong salubungin sa labas ng room namin

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay "Buhay ako Havanna! Ang O.A mo ano na naman yun?" tanong ko

Sinenyas niya naman yung loob ng room namin at sinilip ko naman yun at nakita na nasa loob yung lima
"Oh anong meron dun? Lagi namang tumatambay jan ang tatlo"

Umiling naman siya "Hindi kase yun!"

Bumuntong hininga naman ako at lalagpasan na sana siya ng pigilan niya ko at hilahin palabas.

"Naiinis si Ace! Hindi siya namamansin"

Tinitigan ko naman siya ng mabuti "Oh crush mo ulet?"

Napa aray naman ako ng sabunutan niya ko ng mahina "Shunga! Paano kase nakita niya kayo nung tatlo mong fafables--ay dalawa nalang pala kase diba ekis na si bryan t--"

Tinakluban ko naman yung bibig niya "Ang daming daldal! Ano muna? Bat siya naiinis? Atsaka pano mo nasabing naiinis?"

Tinanggal niya naman yung taklob ko sa bibig niya bago nagpunas ng bibig "Kadiring pasmado!"

Inirapan ko naman siya at sinenyasang papasok na sa loob.

"Eto na! As I was saying.. Mukhang nagseselos si Ace. I mean, nagselos ng makita niya na kasama mo sa iisang club yung tatlo" kwento niya

Bumuntong hininga naman ako "Bes impossible! Yung.. yung pinakita ni Ace nung bday niya nagloloko lang yun. Niloloko lang ako nun at nakikisakay lang siya sa trip natin kaya impossibleng nagselos yun"

"Gaga! Hindi ako naniniwalang joke lang yun. Alam kong gusto ka niya" pagpupumilit niya

Naalala ko naman na sinabe sakin ni Ace na crush niya ko. Hindi! Pag aaralan niya padaw yung nararamdaman niya. So ibig sabihin hindi pa siya sigurado edi wala pa.

"Haynako Havanna! Tigil tigilan mo pag aassume. Mahirap yan" sabi ko nalang bago ko siya nilagpasan at tuluyan ng pumasok sa loob ng room

Napairap naman ako ng marinig ko na namang sumipol ang mga ibong hindi lumilipad.

"Jlyn, bat nag health club ka?" biglang tanong sakin ni Ali na ikinalingon ko sakanya

Inilapag ko naman yung libro ko sa desk ko bago tumingin sakanya. "Wala na kong choice. Bakit? Andun din naman si Kira" sabi ko

Tumango tango naman si Ali "Sabagay kasama mo naman si bebe" aniya

"Pero andun si Jed at yung sophomore na may gusto jan" sabi naman ni Neil na ikinatingin ng iba sakanya

Dumako naman ang tingin ko kay Ace ng tumayo ito at magdire diretso palabas. Ngunit tumingin muna siya sakin sandali bago magsalita "Good for them"

"Problema nun?" tanong ko sakanila

Ngumisi naman si Ali "Jelly Ace"

Napakunot naman yung noo ko ng diko magets yung sinabe niya pero mas naguluhan ako ng magtawanan sila.

"Amputcha! Oo nga no? Hahahaha" halos mapunit ang bibig ni Neil sa pagtawa

Inirapan ko naman siya at naupo nalang ng marinig ang pag ring ng bell hudyat na magsisimula na ang pangatlong klase. Wala kase kaming 1st and 2 class kase yun yung ginamit na time para makapili kami ng kanya kanyang club. Gusto ko sana sa Filipino Club ulit dahil Officer ako dun. Ang daya nga eh kase yung officer ng science at math di na kailangang pumili kase dun parin sila. Eh since late na pinapili kaming junior at senior naubusan na kami ng club.

Unexpected Fate of USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon