Alex's Point of View8:30 P.M.
Nandito ako ngayon sa labas ng aking bahay. I wanted to become independent that's why I bought my own house at the age of 22. Simple lang naman ang bahay ko. It is a 2-storey house, painted with pastel color blue. May maliit na garden and a garage suited for 2 cars. It has 3 rooms sa taas at may isa naman sa baba. Meron ding mga simpleng terrace ang bawat kwarto sa itaas kung saan nagsabit ako ng mga hanging plants to add on it's aesthetic look.
Noong una, tutol na tutol sina mommy sa pagbukod ko, pero in the end, wala rin silang nagawa. Ako pa ba? Magpapapigil ba ko? When I decided on something, I see to it that it will happen. What I want is what I get.
Okay, saan na tayo napadpad? Ang daldal ko ba masyado? Hindi naman siguro. Ganito lang siguro ang epekto ng walang gaanong nakakausap dahil mag-isa sa bahay. Makakarelate kayo sa 'kin kapag bumukod na rin kayo sa parents niyo.
Back to what I'm doing right now, nakasandal ako rito sa bakod ng bahay ko habang hinihintay ang aking mga club buddies slash loyal friends na sina Shane at Darren.
I prefer calling them loyal friends than best friends. Wala lang. Trip ko lang. Pake mo ba?
Tumingin ulit ako sa aking relo. Kanina pa ako tingin nang tingin pero wala pa rin sila. Tatlumpong minuto na silang late. My gosh! What the hell happened to them? They're getting on my nerves. Nakalimutan ba nila na may lakad kami ngayon o masyado lang silang busy sa pakikipaglandian sa kung saan? Grrr! 21st century!
They can just beep me for a second so that I can go on with the plan. ALONE.
"What's with that sour face, bitch?"
Kahit hindi na ko mag-angat ng tingin ay alam ko kung sino ang nagsalita. Si Shane.Bubugahan ko na sana siya ng apoy ng aking galit, ngunit nang makita ko ang itsura niya, napanganga ako. Literally.
Pawis na pawis siya. Bitbit din niya ang kaniyang heels at nakasuot siya ng oversize na black shoes ng lalaki.
Hindi ko pa naisasatinig ang mga tanong sa aking isip ay sumagot na siya."Nasiraan ako ng kotse. Sumakay ako ng taxi. Nasiraan ulit sa labas ng village. No choice, naglakad ako. It seems like this is my lucky day, right?" she asked sarcastically.
Hindi na lamang ako sumagot. Hinila ko siya at pumasok kami sa bahay. Pinagshower ko siya, pinagpalit ng damit at pinag-ayos.
After 15 minutes, she's done."I feel refresh again. Hooo! Ang lagkit-lagkit ko kanina."
"Madalas ka kasing swertehin e. Note the sarcasm," I laughed and she pouted.
"By the way, you look like an angel in your outfit tonight. All white, huh?" she commented.
"Wild angel, Shane." I winked.
Marahan siyang napatawa dahil doon.
Lumabas na ulit kami para hintayin si Darren.
10 minutes later, he arrived.
"Where have you been? You're 45 minutes late," Shane asked him.
Kung makatanong akala mo hindi siya late."May dinaanan lang."
"Girl?" I queried.
Darren looked at me and smiled.
"Yes...but--"
I cut him off.
"That's cool. Lumalovelife na ata ang baby Darren natin, Shane."
"Sinabi mo pa. Halata sa mata."
Sumakay na kami ni Shane sa kotse habang nagtatawanan. Wala na ring nagawa si Darren kun'di ang mamula na lang sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
ALL I WANT IS YOU
General Fiction("I'm sorry, Mr. Alonzo but I am Alex Mendoza and what I want is what I get.") Alex Mendoza, lumaking nasusunod lahat ng gusto niya. Hindi nakaranas ng rejection sa buhay. Mahilig mag bar hopping kasama ang bestfriend niyang si Shane del Valle. Dahi...