Alex's Point of View"Arrrghh! Ang sakit ng ulo ko!"
Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang sakit. Hang-over sucks! Darn it! Kasalanan ito ng boring na Timothy na 'yon e. Kung hindi ba naman niya ako nireject kagabi, hindi ako magpapakalasing.
Humanda talaga siya sa 'kin kapag nakita ko ulit siya.
Wait!
.
May meeting kami ngayon ng magiging partner ko sa bagong project ko ah. Anong oras na ba?Umikot ako sa kama upang tignan ang oras sa aking cellphone na nakapatong sa bedside table. At bigla akong napatayo nang makitang alas-diyes na.
"Shi--Arrrghhh!"
Mas lalong sumakit ang ulo ko. One hour late na ako. Stupid, Alex! Stupid! Stupid! Stupid!
Padapa akong nagpatumba sa aking kama saka ko inuntog-untog doon ang aking ulo. I can't afford to lose this project but I can't attend it with hang-over too. Baka mamura-mura ko lang ang ka-meeting ko. Hayyst!
Napatingin ako sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Iniluwa nito si Darren na may dalang tray.
Napangiti siya nang makita ako.
"Gising ka na pala, Alex. I made a chicken soup for you."
Umayos ako ng upo sa kama at ibinaba ni Darren ang tray sa harap ko. He's not calling me ate. Ayaw daw niya kaya hinayaan na lang namin ni Shane. Feeling adult kasi 'tong batang 'to.
"Thanks, Darren. How about Shane?"
I started to eat the soup. Hinigit naman niya ang upuan ko sa study table at umupo sa kanang bahagi ng kama.
"Tinawagan ng mommy niya kaya umuwi na."
Napatango-tango ako.
"How about you? Hindi ka ba papasok?"
"Tumawag na ako sa school. Sinabi kong masama ang pakiramdam ko. And tumawag din pala ang secretary mo. Sa monday na lang daw ang meeting niyo ng iyong partner."
"Wow! What a good timing for cancellation."
"Lets go, Alex! Sasama ka ba o hindi?" rinig kong sigaw ni Shane sa baba.
Tsk. Mukhang badtrip na naman siya. Ano na naman kayang nangyari sa lakad niya kanina?
For sure, magpapakalasing na naman ang bruha.Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Simple lang naman ang suot ko ngayon. Black halter top partnered with fitted high waist black skirt.
Devilish outfit for tonight.
Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko'y bumaba na ako.
"Tara na."
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Darren.
"Sa VLK club. 'Yung pinuntahan natin kagabi," sagot ko.
"Sigurado ka?"
"Oo naman."
After 20 minutes, nakarating na kami sa club.
Inilibot ko ang aking mata at wala pa si Timothy. Hindi ako sigurado kung pupunta siya ngayon pero wala naman akong balak na gawing flavor siya for tonight.
Gusto ko lang obserbahan ang kilos niya, kung anong klaseng babae ang kinakausap niya rito sa bar.
"Are you looking for someone? Nagkakandahaba-haba ang leeg mo ah," puna sa akin ni Shane.
BINABASA MO ANG
ALL I WANT IS YOU
General Fiction("I'm sorry, Mr. Alonzo but I am Alex Mendoza and what I want is what I get.") Alex Mendoza, lumaking nasusunod lahat ng gusto niya. Hindi nakaranas ng rejection sa buhay. Mahilig mag bar hopping kasama ang bestfriend niyang si Shane del Valle. Dahi...