Chapter 1

5 0 0
                                    


Chapter 1

9 years ago

"Naku nabalitaan mo ba?Hiwalay na si Mareng at Rudy!"

"Sayang naman. Ilang taon na din silang mag-asawa."

Iyan ang usapan nila nanay at ninang pagdating ko sa bahay.Iyan din ang usapan sa buong subdivision. Bakit kaya kailangan nilang usisain ang mga pangyayaring walang kinalaman sa kanila?Ikakamatay ba nila pag hindi nila nalaman ang detalye na wala namang connect sa kanila?

Isinawalang bahala ko ang isiping iyon at nagmano kay nanay at ninang.Matapos kong gawin iyon ay tumuloy tuloy ako sa aking kwarto at nag-aral. Ito ang buhay ko araw-araw. Gigising.Papasok sa school.Mag-aaral.Uuwi.Magaaral ulit.Paulit-ulit.Pero anong magagawa ko?Ito ang gusto ng mga magulang ko.Gusto nilang nangunguna ako.Gusto nila na ako lagi ang pinakamagaling.Ayaw nilang makita akong naglalaro kasama ang ibang bata dahil wala naman daw magandang maidudulot sa akin yun. Nabubuhay ako sa paraang hindi ko gusto.Hindi naman kami mayaman pero hindi rin kami mahirap.Tricycle driver ang tatay ko at may-ari ng isang karinderya ang nanay ko.Ang pagkakakilala ng lahat sa akin ay isang bata na walang muwang sa mundo pero ang hindi nila alam na sobrang mature ko na.Sa sobrang dami ng naisip ko hindi ko namalayang nakatulog na ko.

Kinabukasan

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong lumabas para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas.

"Nay."Tawag ko sa pansin ng mama ko.

"Oh anak. Magpaalam ka na sa tatay mo. Matatagalan siya sa abroad"

Oo nga pala.Ngayon ang alis ng tatay ko papuntang ibang bansa. Doon na daw siya magtatrabaho para sa kinabukasan namin ng kapatid ko.Pinigilan ko ang maiyak dahil ayokong asarin nila kong iyakin pero may tumakas na luha sa mata ko. Hanggang sa nagtuloy tuloy ito at humagulgol na ko.

"Oh bakit umiiyak ang prinsesa ko?Wag ka magalala sandali lang ako mawawala"natatawang sabi sa akin ng tatay.Sa pagkakaalam ko anim na taon siyang magtatagal doon at sa pagkakaalam ko din napakatagal ng anim na taon.Hindi niya masususbaybayan ang pagdadalaga ko dahil pagbalik niya ng Pilipinas 12 years old na ko.Pwede namang hindi siya umalis.Kuntento na kami sa buhay namin. Bakit kailangan pa umalis?Akala ko ba pag mahal hindi dapat iniiwan?Akala ko ba kahit nahihirapan na hindi dapat nangiiwan?Bakit siya aalis?Akala ko ba mahal niya kaming anak niya?Pero bat niya kami iiwan?Iyan ang ilang tanong na naglalaro sa isipan ko habang nakatanaw sa bulto ng tatay ko na unti unting nawawala.

Makalipas ang isang buwan...

Napansin ko na laging gumigising ng maaga sa nanay.Minsan ko na lang din siya makita kasi aalis siya ng tulog pa ko at dadating siya ng tulog din ako. Sobrang busy na niya. Parang napakapamilyar sa akin ng mga pangyayaring ito.Ganyan din si papa noong inaasikaso niya ang papeles niya papuntang ibang bansa.Hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba?Di naman niya susundan si papa diba?Natatakot ako sa mga nangyayari.Hindi ko pa kayang mawala pati si nanay.

Kinagabihan,hinintay ko si nanay na makauwi.Kahit na inaantok na ko hindi ako sumuko sa paghihintay sa kanya.Alas dose na ng gabi ng makauwi si nanay.

"Nay susundan mo ba si papa sa ibang bansa?"Bungad na tanong ko kay nanay.Bumuntong hininga si nanay at sinabi ang inaasahanang sagot ko.Oo.Iiwan din kami ni nanay.Nginitian ko na lang si nanay at pumasok sa kwarto ko.Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko.Paano na kami kapag umalis si nanay?Maiiwan ba kami ng kuya ko dito?Masyado pa kaming bata para maiwang mag-isa.Ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobrang takot.Unti-unting tumulo ang luha ko.Sana lang hindi marinig ni nana yang mga hikbi ko.Ayaw kong makaabala dahil alam kong pagod siya.Unti-unti na ring sumara ang mata ko sa pagod.

Lumipas ang ilang lingo at malapit na ang pagalis ni nanay. Lilipat kami sa bahay ni Lola dahil siya ang magaalaga sa amin pagkaalis ni nanay. Hindi ko lang alam pero kinakabahan talaga ko.Siguro maraming nagtataka kung bakit kahit na natatakot ako sa pagalis ng magulang ko di ko pa din sila pinipigilan.Yun ay dahil sa naiintindihan ko sila.Nakikita ko ang hirap sa mukha ng magulang ko tuwing may mga pangangailangan kami na hindi nakukuha dahil sa kakulangan sa pera.Siguro naman ay giginhawa kami pag nag abroad sila.Diba?

July 18,20—

7:15

Putangina.Late na naman ako.Yari na naman ako pakshet. Naligo na lang agad ako at nagbihis.

"Late ka na nga di ka pa magmamadali."Puna sa akin ng kupal kong kapatid.

"Kahit naman magmadali ako late pa din ako."natatawa kong sagot.Ang witty ko talaga.

Habang nagaabang ng jeep may nakita kong kupal este couple na naglalampungan. Psh.Fake love.Halatang halata naman na hindi sila masaya sa isa't isa pero bat pinipilit pa din nila?Nilapitan ko sila at sinabi ang tanong na gumagambala sa akin.

"Hi po!Ako po si Amor.Pwede po ba magtanong?"masigla kong tanong sa kanila.

"Hi babygirl.Ano yung tanong mo?"mahinhing sagot sa akin ni ate girl.

"Diba po magjowa kayo?Bat parang hindi kayo masaya sa isa't isa?At kung hindi talaga kayo masaya,bakit pinipilit niyo pa din?"dire-diretsong tanong ko sa kanila.

Parehong nanlaki ang kanilang mata at sabay na nalaglag ang kanilang panga.Pasensya na pero curious talaga ko.Masyado nilang ginagawang kumplikado ang mga bagay bagay eh jusmiyo.


--------------------------------------------------------

Maikli lang diba?Sorry hehe. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding True LoveWhere stories live. Discover now