Denice's POV
Second Day of school!
Pagkadating ko sa school, pumasok agad ako sa classroom, wala pa namang klase ngayon, kaya nagkekwentuhan kami ng mga kaklase ko.
"Sino type niyo dito sa classroom?" Tanong Kian. "Ako si Charlie." Dagdag niya.
"Wala." Tipid kong sagot, wala naman kasi talaga.
"Si Charlie din." Sabi naman ni Ericq.
"Teka teka nga, bakit ba natin pinaguusapan tong mga type type na toh?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala, trip lang namin." Sagot ni Kian.
"Ok?" Yun lang nasabi ko.
Tapos yun, tanong ulit sila ng type nila.
I'm single and never ready to mingle, kilala ako sa squad namin na NBSB, hindi lang NBSB, NMSB!
Oo, tama yung nabasa niyo, NMSB ako.
Alam niyo ba kung ano yun?
Kung hindi, yun ay, NO.MU.SINCE.BIRTH.😂😅
Wala naman akong balak mag boyfriend, ang bata-bata ko pa para magkaroon ng relasyon, marami sa batch ko at kasing tanda ko na may boyfriend at girlfriend na.
Hanggang crush lang ako, pero wala akong crush.
Bored na is me.
Ericq's POV
Nakita ko si Denice na inilabas yung binder niya.
At nakita ko ang logo ng BTS?
Oo, BTS nga.
Nakausap ko na siya, new friend, pero...
Kpop fan...
Naranasan ko kasi magkaroon ng kaibigan na Kpop fan, at ininsulto ako at sinabi na "ay di ka pala Kpop fan..." at kung anu-ano pa na parang nagalit.
Parang hindi naman ganon si Denice.
I hope so...
Denice's POV
"Sir, come here." Tawag ni Samuel kay Sir, parang ang bastos naman nun.
Pinagsabihan tuloy.
Sabi ni Sir na magpepresent daw kami ng isang scene, tapos yung isang group, sasayaw at kakanta, nandon na sana ako sa grupo na yun ng biglang ilipat ako ni Sir sa acting ㅠ.ㅠ
Bullying yung scene namin, sa dance naman, sumayaw sila ng "That's What I Like" ni Bruno Mars.
Kumanta yung Girls at yung boys yung sumayaw.
Nandon si Samuel at Ericq, marunong pala silang sumayaw.
"I'm happy about your performance, because you said that you can't dance, but you have showed us that you tried." Sabi ni Sir sakanila at pumalakpak kami.
If you're asking, oo mahilig ako sumayaw, pero yun yung tingin ng mga tao, hindi lang hilig yun sakin eh.
Kung mag sasayaw ako ng mga BTS Songs, siguro 1 week, tapos ko na, or before mag 1 week, it depends, mahilig naman talaga ako kumanta, nasa Book 1 pa yun XD
All I can say is, Music lover talaga ako!
Matagal na kong nasayaw, pero never kong ipinakita yung pagsayaw ko, palagi kong iniisip na pangit, na hindi ako magaling, pero, ever since nalaman ko ang BTS, they gave me the courage to show my... talent.
I want to be friends with everyone, I hope I can.
(A/N: Sorry sa late ud guys, I hope maintindihan niyo, hindi gaanong sinisipag mag sulat si Author-Nim kaya pasensya na kayo, lalo na sa mga sumusubaybay sa Jin Fanfic ko, at sa storya ni Denice at Samuel, pasensya na, pero ito na yung Chapter 2, sana magustuhan niyo. Labyu guys! Hwaiting!)

BINABASA MO ANG
Best Friends To... Best Friends Parin? (Book 2) (On-Hold)
Teen FictionTake Note⚠️: Pakibasa muna po ang Book 1 nito na MBFNB para hindi po kayo malito sa plot and characters nito, Thank you ☺ Ok na nga ba si Denice at Samuel? Magkakaroon pa ba sila ng feelings sa isa't isa? O magiging magbest friends nalang talaga sil...