∽
Victims of Love, a broken down affair, is set to see the debris, scattered everywhere.
Marisse's Point of View
Isang araw nalang ang darating at birthday na ni Rosa, ngunit napansin ko nitong nakalipas na araw ay lumalayo s'ya sa t'wing lalapit ako sa kanya.
"Rosa?" Tawag ko sa kanya. Nakita ko s'yang nakaupo sa may canteen habang sinasagutan angisang textbook tungkol sa love.
".." Hindi n'ya ako nilingon o sinagot, sa halip ay ngpatuloy lang s'ya sa ginagawa nya.
"May problema ka ba? Sabihin mo naman sa akin oh." Sabi ko sa kaniya at umupo sa harapan n'ya.
"Wala. Gusto ko lang muna mapag-isa." Sabi n'ya sa akin.
Hindi ako sanay na ganito ag asal n'ya. Madalang lang s'ya maging ganiyan. Kapag naandito lang ang kapatid n'ya. Siguro nag-away nanaman sila?
Hays. Mahirap manghula. Mula sa isang simpleng pamilya si Rosa, hindi siya mayaman tulad namin ngunit di rin naman mahirap.
"Marisse, h'wag mo ako-----" iimik na sana si Rosa nang biglang may tumawag sa aking pangalan.
"MARISSE!" sigaw ni Rica. Agad naman kaming nag-apir nang makalapit s'ya sa amin.
"Maiwan ko na kayo." Sabi ni Rosa at umalis na.
"May problema ba best friend mo? Pansin ko kasi sa t'wing nalapit ako sa'yo umaalis s'ya." Sabi ni Rica.
"Wala naman? Meron lang siguro s'ya kaya ganun, tara?" Inakit ko na s'ya papunta sa klase dahil malelate na kami.
∽
Third Person's Point of View
"Wala naman? Meron lang siguro s'ya kaya ganun, tara?"
Matapos yun sabihin ni Marisse ay umalis na silang dalawa ni Rica. Hindi nila alam na may nakikinig pa rin sa usapan nila habang ito'y lumuluha.
"Marisse, akala ko ba kilala mo ako?"
Ang bulong ng babae sa kan'yang sarili. Tuluyan na ding umalis ang babae upang pumunta sa kan'yang klase.
∽
Makalipas ang ilang oras ay nagpunta na si Marisse at Rica sa mall para mamili ng mga kinakailangang gamit sa birthday at surprise para kay Rosa.
Bumili na din si Marisse ng regalo n'ya para kay Rosa.
Kinabukasan ay handa na ang lahat. Tinawagan ni Marisse ang mga kaklase n'ya na libangin si Rosa at sabihijg may practice ng activity nila para sa darating na November.
"Bakit ngayon pa? Birthday ko ngayon 'di ba?" Sabi ni Rosa sa kan'yang isipan.
Walang nagawa si Rosa kundi ang pumunta nalang sa school.
Samantala, tapos nang ayusan ni Marisse at Rica ang bahay ni Rosa. Tinext na n'ya ang mga kaklase n'ya na gumawa na ng paraan para makauwi si Rosa.
∽
Rosa's Point of View
"Wala pa ba tayong pa-practice-in? Apat na oras na ang nakakalipas, gusto ko na magpahinga." Sabi ko sa kanila.
"Hinihintay lang natin si Marisse." Sabi ni Ella.
"Ano? Aasahan mo pa bang darating 'yun? Kasama lang nun best friend n'ya." Sabi ko.
"Diba ikaw best friend n'ya?" Tanong ni Sam.
Napatungo nalang ako at nag-cellphone nalang.
Kalahating oras pa ang nakalipas ay nainip na ako.
Nagpasya na ako umalis at sinabi ko sa kanila na ituro nalang nila sa akin ang step sa lunes.
Lumabas na ako ng campus at dumiretso sa paborito kong ice-cream shop.
Bumili ng paborito 'kong ice cream at umupo muna sa may labas ng shop.
Nakakamiss kasama si Marisse. Sana mabigyan n'ya ako ng oras, mukhang busy na s'ya sa bago n'yang best friend. Nakakainis. Masaya dapat 'tong birthday ko. Teka? Kailan ba naging masaya birthday ko? Laging araw ang magulang ko, busy sila sa trabaho.
"Miss? Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng waitress.
"A-ah! Oo!" Tumayo na ako at lumabas matapos kong isambit ang mga salitang 'yon.
Sa aking paglalakad, unti-unting tumutulo ang aking mga luha dahil sa nararamdaman ko ngayon.
"Bakit ba ako umiiyak? Sanay na naman akong nag-iisa?" Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mukha.
Umuwi nalang ako sa aming bahay. Dahan-dahan 'kong ipinasok ang susi sa may kandado. Nang buksan ko ito ay madilim ang loob ng bahay.
"Buhay ilaw nung umalis ako ah?"
Takang naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa may kusina dahil napansin ko na may kalat sa may sahig dun.
Nang pumasok ako sa loob ay may biglang pumutok at nagsi-ingayan ang paligid.
"HAPPY BIRTHDAY ROSA!"
Napahawak nalang ako sa aking bibig nang makita ang mga kaklase ko na may suot-suot na sombrero na pang-birthday.
"Para kayong mga bata!" Sabi ko sa kanila habang lumuluha na may halong saya.
Binigyan nila ako ng isang ngiti at bigla silang humawi, sa gitna ay nakita ko ang aking best friend na may hawak na regalo.
"Happy birthday, Rosa." Sabi ni Marisse sakin. Di ko napigilan ang pagluha ko nang yakapin ko s'ya ng mahigpit.
"Namiss kita Rosaaaa!" Sabi ni Marisse sakin.
"Bakit mo ba kasi di ako pinapansin?" tanong niya.
Agad akong napaisip sa aking isasagot, kaobigan ko si Marisse, pinakamatalik sa lahat. Hindi ko kaya ang magsinungaling sa kaniya.
"Nagtatampo ako sa'yo, simula kasi nang dumating si Rica, siya na lagi sinasamahan mo." sabi ko sa kaniya.
Tahimik ang lahat na nakikinig sa amin. "Pero ikaw ang lumalayo sa akin." sabi niya.
"Alam ko. Yun ang pagkakamali ko, siguro nag-isip lang ako na baka palitan na ni Rica ang posisyon ko bilang best friend mo." sabi ko sa kaniya.
Ngumiti si Marisse sa akin at niyakap ako, "Ikaw lang ang best friend ko." sabi niya.
Agad ko din siyang niyakap ng napakahigpit, "Sorry kung nilayuan kita." sabi ko.
Nagpalakpakan ang aming mga kaklase, lalo na si Rica na masayang nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Victims of Love
Teen Fiction"We do learn on our own mistakes." --- Marisse May Villanueva A product of my imagination mixed with some real-life events. I've been through a lot of heartaches and through this book, I'll tell you how I surpassed those pains. - Author.