---
Umuulan ng malakas nang may naglalakad na isang babae papunta sa isang malaking mansion kasama ang batang may 8 anyos ang gulang.
"M-mama. 'Wag mo ako iwan." Sabi ng humihikbi na bata sa kanyang ina.
Hindi s'ya pinansin nito at agad na din umalis ang ina matapos patunugin ang door bell
"Sino 'yan?" Sabi ng isang babae na may damit pangmyaman.
"Naku! Basang basa ka ng ulan! Halika pumasok ka sa loob!" Sabi ng babae.
Pumasok sila sa mansion na halos naandon na ang lahat. Mga gintong ilaw at mga bintana. Iba't ibang palamuti na halatang mamahalin at kung mababasag mo ay kulang pa ang dugo at laman mo sa pambayad.
∽
"Rosa? ROSA!" sigaw ko sa nakatulalang si Rosa.
"A-ah! Sorry hehe, may naalala lang ako." Sabi n'ya.
Matapos kasi naming panuorin yung short film na pinapanuod sa amin ni Mam, natulala na s'ya sa mga sumunod na subject.
"Okay ka lang ba? Bakit parang apektado ka kanina sa pinanuod natin?" Tanong ko sa kanya
"Marisse, kung mapapahiwalay ka ba sa mga kapatid mo, maiiyak ka ba?" Sabi n'ya sa akin habang nakahawak ang kamay n'ya sa notebook ko.
"Oo naman? Anong klaseng tanong 'yan?" Sabi ko sa kanya.
"Kung malaman mo na ampon ka pala, tapos nasa harapan mo na tunay mong kapatid, matutuwa ka ba?" Tanong n'ya sa akin. Doon na ako napakunot ang noo.
"Oo? Teka, bakit parang affected ka masyado?" Tanong ko sa kan'ya.
"K-kasi-----" naputol ang sasabihin m'ya nang dumating bigla si Rica kasama si Edwin.
Napakunot ang noo ko sa aking nakita dahil first time ko silang nakitang magkasama.
"Sige mamaya nalang ulit." Sabi ni Rica at umupo na s'ya sa tabi ko.
"Ano meron sa inyong dalawa?" Tanong ko sa kan'ya.
"Sikreto lang natin to ha?" Sabi n'ya.
Napatango naman ako sa kan'ya. Iinom na sana ako ng aking tubig nang bumulong s'ya sa aking tenga.
"Kapatid ko s'ya." Muntikan na ako masamid sa aking narinig.
"TOTOO?! KAPATID MO----" napatahimik nalang ako bigla nang napansin kong nakatingin na sa akin ang aking mga kaklase.
"Joke lang." Sabi ko at nag-peace sign sa kanila. "Magpatuloy na kayo sa gawain n'yo, mga chismosa." Sabi ko at umupo na ng ayos sa aking upuan.
"Sikreto lang ha?" Sabi n'ya.
"Oo na! Samahan mo ako mamaya sa mall ha?" Sabi ko sa kan'ya.
Malapit na birthday ni Rosa at gusto ko s'yang supresahin. First time ko 'tong gagawin para sa kan'ya dahil tuwing birthday n'ya, lagi silang umaalis. Saktong wala magulang n'ya ngayon kaya ako naman ang mageeffort para sa kan'ya.
"Sige ba!" Sigaw ni Rica at nagpatuloy na ang klase nang dumating ang aming professor.
∽
Rosa's Point of View
Napatingin nalang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap.
Sabi ko na nga ba. Iiwan mo din ako 'pag nakakita kana ng bago.
Sabi ko nalang sa isipan. Paano kung kaya ka nila iniiwan dahil sa nang-iiwan ka din? Huwag tayo mag-malinis lahat, lahat tayo iniiwan ang bawat isa. Magagalit ka kapag iniwan ka nila? Paano kung karma lang 'yan dahil nang-iwan ka din ng iba?
Dumating na ang professor namin at nag-turo na. Iniwas ko nalang ang tenga at tingin ko sa kalapit ko at nakinig na lamang sa lesson namin.
∽
A/N:
Date and time: 12:55 PM, March 14, 2018
BINABASA MO ANG
Victims of Love
Novela Juvenil"We do learn on our own mistakes." --- Marisse May Villanueva A product of my imagination mixed with some real-life events. I've been through a lot of heartaches and through this book, I'll tell you how I surpassed those pains. - Author.