Chapter 2: GANGSTER'S MEETING

43 0 0
                                    


Sabrina Pov

"Im here na" sambit ko ng makauwi na ako ng bahay pero gaya ng inaasahan walang sumagot sakin or sumalubong man lang

Nilagay ko na ang bag ko sa sofa at dumeretsyo sa kusina, walang tao, kumuha ako ng tubig sa may ref namin at uminom malamang kainin ano po?

Matapos uminom, umakyat ako sa taas and sinilip ang kwarto ni Ate Zachi ngunit wala siya, sumilip naman ako sa kwarto ni Umma pero wala din siya

"Kung ganun ako lang pala tao dito?" Sambit ko sa aking sarili, napagpasyahan ko na lang na pumunta na sa aking silid at nagpalit na ng pambahay then humiga na ko sa aking kama at nag open ng facebook

Gaya na naman ng inaasahan ko ang dami kong friend request, hindi kasi ako nag aaccept hehehe trip ko lang

Dahil sa boring ako tinignan ko yung laman ng friend request ko baka may magustuhan akong iaccept



Ang daming nag aadd sakin mga di ko kilala pero yung iba mga student ng DMA especially gangster din nag aaccept lang ako kapag gusto ko hihihi arte ko ba? May napansin akong isang Friend Request, galing kay Nathan Dashiel Smith, napansin ko lang kasi may Dashiel


Diba Dashiel pangalan nung pinsan ng bf ni Heira? Im right or magkapangalan lang?
Ay bakit di ko kaya tignan yung picture ano po?

0____0 -mukha ko yan na nagulat, kasi tama ang hinala ko eh si Dashiel nga ito, so may Nathan pa pala siya •__•?

Dali dali kong inaccept ito at inistalk, walang magawa eh hihihi

Nakita ko sa status nito na in a relationship siya akala ko kay Cathy pero bes in relationship sa iba

Eh ano naman?

Tinignan ko yung photos niya, may picture sila nung gf niya then meron din may kasama siyang lalaki, kapatid ata then si Charles at Heira

Inistalk ko naman ang timeline niya, binasa ng binasa ang mga post niya kapag magustuhan ko lagi kong kinacopypaste hihihi, nakakatawa yung iba niyang pinost then yung mga mema niya ghad yung parang inis ko biglang nawala ghad abnormal pala itong lalaking ito eh

Matapos mang istalk hindi ko na naman alam ang gagawin ko

Kung tawagan ko kaya si Jay? Ayst wag na Sab baka busy wag mong istorbohin, wahhh angboring talaga kapag mag isa ka lang!!!


--------------------


"MAGANDANG BUHAY" sigaw ni Irene ng makapasok siya sa classroom namin, umagang umaga nakasigaw na agad napansin ko na may mga dala ito "SAB!!!" Sigaw na naman nito at nilapitan ako

"Ano?" Tanong ko naman dito

"May papakita ako at tiyak na magugustuhan mo ito" then ngumiti pa siya at may kinuha sa dalang niyang paper bag "Tadah" sambit niya at pinakita sakin ang placard na may picture ko

PLACARD NA MAY PICTURE KO?!!!!

Agad ko namang kinuha ang mga iyon sa kanya

"Walang anuman Sab supportive Bestfriend mo ko eh saka binigyan ko na lahat ng mga taong nadaanan ko wala akong pakialam kung geeks sila Mafia sila Pervert sila kahit may kanya kanya silang panlaban, pinagmamalaki kita at ikaw ang nararapat na maging Muse ng DMA. Sige Sab sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, kung magpapasalamat ka kung sasabihin mo ang bait mo Irene, ang ganda mo talaga dali" sunod sunod na sabi nito, nagcross arms pa ito at pumikit na may ngiti sa labi

DARK MONSTER ACADEMY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon