Chapter 9: Don't Give up

33 1 0
                                    

Sabrina Pov

"Sir Maam eto na po order niyo" sabat ng isang lalaking waiter tawag at nilapag niya na nga yun mga pagkain

Chicken with Rice, sundae, fries, burger and coke, tagdadalawa, Seryoso? Kaya ko bang ubusin lahat ng ito?

Tumingin ako kay Nate na busy ng kumakain, mukhang patatabain ako nito ah, chicken with rice busog na ko then coke kaso may sundae at fries at burger pa juicecolored na taong ito

Tumingin naman siya sakin "Ayaw mo?" Tanong nito pero sabi nga nila huwag kang tumanggi sa grasya

"Ahh hindi noh salamat sa libre" sabi ko at nilantakan na yung chicken with rice, bakit kasi di ako nagsabi sa kanya ng gusto ko ih, mukha pang rich kid

Ng makatapos na kami hindi muna kami tumayo busog na busog na ko then may tira pa kong sundae tapos yung kanya ayun ubos, grabe takaw ng lalaking ito, para na ngang sasabog tyan ko sa sobrang kabusugan

"Saan naman gusto mo?" Tanong nito sakin, gusto niya pang maggala kami? Ghad nakauniform pa pala kami di siya nahihiya? Grabe!!

"Uuwi na" sagot ko sa kanya,

"Agad? Marami pa kaya tayong pwedeng galaan" sabi nito at nagpout na naman

"Edi pahinga na muna tayo abugh kakakain lang kaya natin" sabi ko niyakag niya naman akong umupo dun sa bandang may fountain, ganda ng view

"Alam mo ba ang saya ko" dinig kong sabi niya "Buong buhay ko di ako naging masaya ng ganito, ngayon lang" sabi niya pa kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa fountain then tumingin na rin sakin

"Thank you bestfriend to make me happy" nakangiting sabi nito

"I will be here for you bestfriend pwede mo kong lapitan kung may problema ka hah" nakangiti ko ring sabi

Maya maya napagpasyahan na naming umuwi, nagprisinta na siyang ihatid ako dahil gabi na di namin napansin ang oras, siguro nasayahan lang kami hahaha pero inaamin ko ngayon na lang muli ako sumaya ng dahil sa kaibigan.

Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng tumigil siya.

"Bakit bespren?" Taka kong tanong sa kanya.

Humarap siya na may malaking ngiti sa bibig niya. "Ilahad mo yung palad mo" utos niya sakin kaya lalo akong nagtaka pero sinunod ko pa rin.

Nilahad niya yung kamay niya na nakakuyom sa may taas ng kamay niya and "Tadaaaa!!!" sabi niya sabay labas ng isang kwintas.

Yung Kwintas na tinitignan ko sa may jewelry shop na gusto kong bilhin. Di ko tuloy alam kung anong irereact ko.

Di ako basta basta nagugulat pag sa mga surprise, like di ko alam kung anong reaction ang ipapakita ko pero deep inside parang gustong tumalon ng puso ko.

"Nakita kita kanina na tinitignan yan tapos mayamaya nag sad face ka na parang gusto mo bilhin kaya binili ko. Ayos ba?" Sabi niya kaya tinignan ko siya, para akong maiiyak sa saya, lalo pa nung ngumiti pa siya sakin.

DARK MONSTER ACADEMY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon