CHAPTER 14: Jay's Reason

7 0 0
                                    


Sabrina Pov

"Oppa" tawag ko sa lalaking nakasandal sa may puno, lumingon naman ito sakin at umalis na sa pagkakasandal

"Oppa!!" Tawag ko ulit then patakbong lumapit sa kanya at yumakap "Oppa" humagulgol na ko ng iyak, namiss ko talaga itong taong ito, naramdaman ko naman yumakap din siya sakin pabalik

"Tahan na Noona" sabi nito at hinagod ang likuran ko

"Kainis ka oppa ang unfair mo, bakit ngayon ka lang" umiiyak kong sabi na may pahampas hampas pa sa kanya pero mahina lang, para akong bata na nakikipag away sa tatay niya kapag nagtatampo

Hinarap naman niya ko sa kanya at pinunasan niya yung luha sa pisngi ko gamit ang dalawa niyang thumbs

"Ayst sabi ko naman sayo Noona huwag mo kong hintayin eh" sermon nito sakin "Dahil ano" then umiwas siya ng tingin "Darating naman ako"

"Kaya nga hinintay kita oppa eh kasi alam kong darating ka" nakangiti ko ng sabi habang nakatingin sa kanya, bumitaw naman siya sakin then bumalik dun sa may puno at sumandal ulit, sumunod naman ako sa kanya at sumandal din

"Hindi ka na daw pumupunta ng bar o kaya sumasama kila Heira bakit?" Tanong nito sakin

"Ahh yun ba? Busy sa school eh pero pakisabi na miss ko na sila" musta na kaya sila? Wala na kong balita sa kanila since nung nagbreak kami ni oppa ah

"Ahh kaya pala, super busy mo talaga siguro noona, kaya pala si Nate ang kasama mo palagi" napataas ang kilay ko sa sinabi niya "Kaya di ka sumipot kasi siya ang kasama mo, dito sa park, mga gala, school ang saya saya niyo" hala paanong?

"Nagtataka ka ba kung paano ko nalaman?" Tanong nito sakin "Simple lang, im your stalker" 

"O-oppa"

"Kung nasan ka, nandun ako, minsan nagkataon lang, ang sakit pala" napayuko tuloy ako, bakit ganun bigla na namang kumirot "Pero alam kong wala na kong karapatan, nasaktan na kita eh habang pinapasaya ka naman niya. Congrats sa inyo ah"

"Wait nga lang oppa!! Anong pinagsasabi mo? Di kita magets you know?" Nagtataka kong tanong

DARK MONSTER ACADEMY (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon