Panget #1

20 0 0
                                    

1st story ko sana magustuhan niyo.. I just wanna share my story :) I hope you enjoy.

This is a work of fiction. Names  characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated in any resemblace to real persons, living or dead or actual events are purely coincidental.


All rights reserve. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.














Jaime POV

Sa sobrang panget ng araw ko ampanget pa ng pangalan ko napapagkamalan tuloy akong lalaki kung minsan. Hayys bakit ba kase may panget?

Minsan tinanong ko na yan sa nanay ko at ang sabi niya "Anak, kung walang panget walang maganda. Kaya ayan nageexist ka!" Sabay tawa naman ng nanang ko sa bahay ampunan na pinanggalingan ko bago ako mapunta dito sa mansyon ng mga halili

Ang kanilang bahay ay may tatlong palapag at syempre katulad ng mga ibang mayayaman maganda ang bahay nila.

Galing akong ampunan at ng makatapos ako ng elementary ay napagpasyahan kong maghanap ng trabaho upang makapag-aral.

"Ma'am, alis na po ako" tinaasan lang ako ng kilay ni madam hahaha isa siyang guro sa pinapasukan kong school mejo may pagkamasungit talaga yan pero mabait yan

"Sige, mag-iingat ka. Mag-aaral ka ng mabute ah! Tsaka ayusin mo nga yang ayos mo lalo kang pumapanget"
kalimutan niyo ng sinabi kong mabait si madam

Naglalakad ako sa hallway ng may pinagkakaguluhang lalaki na papasok sa gate. Sus! Kala mo naman gwapo.

"Kyahhhhh.. Opppaaaa anakan mo ako kyahh kahit sampung kambal" sigaw nung babaeng kala mo clown sa kapal ng make-up

"Oppaaa saranghaeyo!!!! pakiss ako kahit sa pwet mo lang!!" muntik na ako masuka sa sinabi nung isang babae ang mabuti pa pumunta na ako sa room nakakadiri lang manuod ng mga ganyanf eksena

Papalapit na ako sa room ng may umakbay sa akin at sinabing..  "Holdap to miss akin na yang wallet mo bili natin pagkain tara" imbis na matakot sinapak ko tong may sapak sa utak na bff kong si chase.
"Ano ba chase puro ka pagkain! Tara na pumasok na tayo!"

Di ko alam kung pano ko naging kaibigan yang si chase dahil bukod sa pogi at almost perfect na katawan eh mayaman pa, pero may pink siyang dugo! sayang lang yung lahi ni adan hahaha

"Teka nga chase, may alam ka ba dun sa gulo kanina sa gate?" Takang tanong ko sa kanya

"Ahh.. Yun ba? May transfery kaseng studyante ang sabi sobrang pogi daw nako beshhyy yummy! Teka bakit ba chase? Sabi ko chaseyyy! Naman eh!" Pagmamaktol netong baklita na to

"Shut up lalaki ka paren chase!"

Umupo na kami sa assigned sitting arrangement namin. Buti nlng nasa pinakadulo ako na pangalawa sa dulo na row bukod sa gilid ng bintana ay tahimik pa pero ngayon di ko masasabi na tahimik dahil sobrang ingay nila pinaguusapan lang naman nila yung bagong transfer na student hays -_-

Maya-maya biglang tumahimik pati paghinga ata pinigilan ng mga impakta kong classmates pati narin tong nasa harap kong baklita na si chase tumahimik at nakahawak sa bibig niya na nakabuka sa sobrang shock. Akala ko tahimik na pero makalipas ang 5 segundo ayun ang mga malalantod kong classmate nagsihiyawan even chase

"Kyahhhhhhhh.. Classmate namin yung heartthrob!!!! Wahhhh I can die na..  As in now naaaa!!!!"

"Wahhhh..  Kyahhh dito mo na ako anakan sampung pitbull kuyaaaa!!"

Di man lang sila pinansin ng sinasabi nilang crush.

Tinitigan ko yung sinasabi nilang crush nila.. Hmm well gwapo nga matangos ilong, matangkad, sakto lang yung kulay ng balat, nakapoker face at MABANGO oo mabango kase..

"May nakaupo ba dito?" Tinuro niya yung sa tabi kong bakanteng upuan "Mukang wala namang nakaupo" umupo na siya at yumuko parang walang kabuhay buhay yung boses niya

"O.M.G si panget kinausap niya.. End of the world na ba?"

"An swerte naman ni panget sana sakin nalang siya tumabi huhuhu"
Halos maghysterical na yung iba kala mo talaga ang gaganda nila!

"Pst.. Beshyy ang swerte mo sayo tumabi hihihi" pinanlakihan ko lang siya ng mata at tawa lang ang isinagot netong bakla na to

"Ok class since na ngayong araw yubg start ng klase may new student tayo.. Mr. Halili kindly pls introduce yourself"

Tumayo siya papunta sa gitna na tuwid lang ang tingin yung tipo ba na walang pakelam sa iba

"Hi, Im Michael Angelo Sy Halili thank you" sabay hiyawan at sigawan ng mga classmates ko pati narin siguro yung mga lalaki kong classmates sa sobrang lakas ng dating niya.

Sorry mejo sabaw 😂

Hoy panget! Akin ka langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon