Chapter 3: Be his slave?

559 31 13
                                    


Chapter 3: Be his slave?

"Anak, bakit di mo pa ginagalaw ang pagkain mo, ayaw mo ba ng pagkain na 'yan? Gusto mo bang ipagluto kita ng bago?"

Napatingin ako kay nanay Linda na nakaupo sa unahang upuan ng hapag-kainan. Umiling ako.

"Ahm...hindi na po, may naiisip lang ako." matamlay na sabi ko saka nanatiling nakatitig sa adobong niluto ni nanay linda.

"Bakit may problema ka ba hija?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

Ngumiti ako ng pilit."Wala po talaga iniisip ko lang po kung paano sagutan ang assignment ko, hindi ko po kasi kanina naintindihan ang pagtuturo ni maam kaya wala akong maisagot." pagdadahilan ko, sa totoo lang hindi naman talaga 'yon yung problema ko dahil mas malaki at kasumpasumpa pa sa sagot ko.

"Ah kala ko kung ano na, oh hala kumain ka na at ng makatulog ka ng maaga, may pasok ka pa bukas." nakangiting wika nito.

Tumango ako."Sige po nanay,"

Kumain na ako at pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ako. akyat na ako sa kwarto ko, nagpresenta ako kay nanay Linda na ako na lang ang maghugas ng pinggan ngunit pinigilan niya ako kaya naman hinayaan ko na siya. Naglinis muna ako ng aking katawan bago sumalampak sa aking higaan.

Parang ayaw ko nang pumasok bukas, gusto ko ng lumipat ng school dahil alam kung kinabukasan ay magiging impyerno na ang takbo ng buhay ko. Nang dahil sa lalaking iyon masisira at magugulo ang buhay ko. Anong karapatan niya para ganituhin ang buhay ko? Maayos naman ang takbo ng buhay nang biglang dumating siya   arghh! nasira ang buhay ko.

Pumikit ako pero  nahagip ng utak ko ang bangungut na nangyari kanina-nina lang.



"She is...

...Seccrine Danaia Vergara!"

Tila nag-echo ang sa loob ng cafeteria ang boses niya at parang nahiya naman ang bawat paghinga ng mga taong nasa loob ng caf. dahil sa sobrang tahimik.

Biglang nanigas ako sa aking kinakaupuan dahil sa narinig ko.

P-papaano niya ako nakilala?

Napatingin sa akin 'yong mga tao sa loob nito. Dahil nga sikat ako bilang Tibo Nerd kilalang kilala nila ako. Tinitigan ko sila ng masama kaya napabaling sila ng tingin sa iba.

Tila palaisipan parin sa akin kung bakit niya ako kilala pero hindi iyan ang kinakabahala ko, kundi ano ang gagawin niya sa akin? Ipapapatay niya ba ako? ipapakain sa pating? ipagbebenta ang lamang loob? ipapahazing sa mga fraternity? ipapabundol sa malaking truck—

"Hoy bakit ka hinahanap?" napabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita ang katabi ko, si  Raya.

"Ahh, mamaya ko na lang ipapaliwanag basta wag kang maingay!" kinakabahang sabi ko.

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong tumunog ito senyales na may lumabas dito. Kinabhan naman ako dahil baka biglang tawagin niya ako dahil hinfmdi niya siguro narinig at nakita ang buong pangyayari dahil nag-cr siya.

Hindi ko alam kung bakit kinakabhan ako sa lalaking ito, duh! kailan pa 'ko natakot at kinabhan kaya nga ang weird nang nararamdaman ko.

"Nasan siya?!" sigaw ulit nung lalaki.

"SECCRINE! Ito na po ang libreng pagkain niyo." tawag ni Ayrah.

Naku po patay na!

Napatingin silang lahat amsa akin at kabilang na roon 'yong lalaki at mga kaibigan niya.

"So it's you, Nice to see you AGAIN, Seccrine Danaia Vergara!" nakakalokong sambit niya habang nakangisi nang makapunta na siya sa table ko.

"Bakit di ka makapagsalita? kala ko ba ang daldal mo halos lumuwa na nga ang ngala ngala mo dahil sa lakas ng boses—"

Hindi ko na siya pinarapos magsalita. "Ano bang kailangan mo?" tanong ko rito.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Ikaw! kailangan mong bayaran ang ginawa mo sa kotse ko."

"Hoy ungas ka rin eh 'no? Ako, ako ang muntikan ng mamatay tapos ikaw pa ang babayaran ko? aba mahiya ka naman!" sigaw ko rito.

Napasinghap at nagbulungan na naman ang iba, na tila hindi nila inaakala ang pagsigaw ko sa prince 'kuno' nila.

"Ikaw pa ang may ganang manigaw? Oh sige ipapademanda kita kung ayaw mo 'kong bayaran." nagmamatapang na sabi nito.

"Sige magdemandahan tayo tingan lang natin kung sino ang makukulong," matapang rin na sagot ko rito.

"Oh sige tingnan natin kung sino ang paniniwalaan ikaw? o ako na soon-to-be owner ng school na ito, alam mo ba kung ano ang pwede kong gawin sayo? pwede kitang ipademanda, ipatalsik dito sa eskuwelahan ko, at pwede kang hindi na makapasok sa lahat ng school—"

"Aba, hindi na naman yata makatarungan 'yon!" angal ko rito, aba, bakit naman pati buhay at kinabukasan ko dinamay niya?!

"Pwede ko namang itigil 'yon kung babayaran mo ang gulo na pinasok mo!" nakangising sabi nito.

Nag-isip muna ako bago nagsalita." Sige magkano ba 'yon?" confident na sabi ko.

Ngumiti siya ng parang demonyo.
"500, 000 pesos LANG naman afford mo ba?"

Napalumod ako dahil sa laki. Pano ako makakakuha ng ganyan kalaking pera? Nilibot ko ang paningin ko at halos lahat ng narito ay nakatingin at ang mga mukha nila'y parang naguguluhan dahil hindi sila makasunod sa pinag-uusapa—pinag-aawayan namin.

"P-paano kung wala akong pambayad?" kinakabahang tanong ko rito.

Lumapit ang mukha niya sa tenga ko.
"Be my slave!" inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako sa mata habang malapit parin ang mulha niya sa mukha ko.

Napatanga ako sa sinabi niya.

Seryoso?

"Huh?"

"Sabi ko, magiging alipin kita o ipapademanda kita?"nakangisng ulit nito. " Bukas na bukas aalamin ko ang sagot mo at kung tumakas ka, mahahanap at mahahanap parin kita kaya wag ka ng magtangka pa."

Arrghh!! Hindi ko parin alam kong papayag ako. Nakakainis, bakit kailangan ko pang pagdaanan 'yon? bakit hindi ko siya mahindian? Bwisit siya!!

Hindi ko namalayan na nakain na pala ng kadiliman ang buo kong kaluluwa.

Bukas, Ang araw na mamumuhay ako masahol pa sa impyerno.


————

A/n: First time kong umabot sa chapter 3 haha..So ayun nakakatuwa dahil di ko akalain na makakaabot ako sa part na ito..

If you like this chapter please press the button star and leave atleast 5 comment. I'll appreaciate it, promise. Labya!




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tibo Nerd and the Possessive Transferee (Nerd Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon