Mysterium 1: Assassinate

0 0 0
                                    


REIGN

"Clara, ihanda ang mga gagamitin natin mamaya". Utos ko sa tagapangasiwa ng mga gamit namin sa pakikipaglaban.

"Masusunod po". Tipid na sagot nya at agaran din namang lumabas ng aking kwarto.

Tumungo ako sa refrigerator at agarang kumuha ng wine at ice cubes. Trip ko lang uminom ngayon kasi nasa mood ako. Kinuha ko ang folder na binigay sakin ni papa kanina para sa gagawin naming mission.

Oh! It's the Congressman of Clean Politics Party. Tsk! How ironic is this man. Clean Politics ang pangalan ng partido nila pero mga ginagawa nila hindi. Ang katulad sa ganitong tao pinapahirapan bago patayin. Hmm. I suddenly laugh at my thoughts. Siguradong madugong labanan ito ngayon. And I can't wait to see this dirty old hag begging for his life to me. Tsk! But I am born with no mercy, lalong lalo na sa mga taong kagaya nya.

Inubos ko na ang isang bote ng wine para ganahan naman ako sa pakikipaglaban mamaya. I feel my body heat and I hurriedly went to my washroom para maligo dahil malapit na ang oras ng kamatayan ng isang Congressman.

...

Salazar Mansion
8:45 p.m.

Nakaupo ang isang lalake sa isang upuan na parang isang trono. He can't restrain his lips to smile at his thoughts. Nagtagumpay sila mga binabalak nila. At nakuha nila ang isang bagay na pinakaiingat ingatan ng Hawkins Mafia. Di nila inaasahang ganoon na lamang kadaling pasukin ang kuta nito. Kaya agad agad ay kinuha nila ito at agarang umalis.

"Good job Serafeno dahil nagtagumpay ka sa unang misyon mo". Sabi ng isang lalake na nakatalikod sa kanya.

"Walang anoman Congressman Cardo Salazar". Sagot naman ng lalake at napatawa ang matanda.

"Here's your payment at tatawagan na lang kita sa susunod na gagawin mo". Tumango lang ang lalaki at umalis na agad ito.

Habang hawak pa rin nya ang pinakaiingat ingatan ng Hawkins Mafia ay sumimsim muna sya ng wine.

"Sa wakas hawak na rin kita at mapapasunod ko na rin ang mga ibang nangmamaliit sa akin haha".

...

"Dave, ready your post". Sabi nya sa isang tauhan ng pamilya nila. Ito na ang tamang oras para isagawa ang misyon nila. Habang hawak hawak ang telescope ay kitang kita nya sa kanyang kinatatayuan ang ngisi ng isang demonyo.

"Sige lang, magpakasaya ka lang ngayon dahil mamaya ay tatapusin ko na at buburahin ko ang ngisi sa mukha mo". Seryosong saad nya habang nakatuon ang telescope sa target niya.

Nilibot nya ang paningin at binilang kung ilang ang mga tauhan ng Congressman na nakastandby sa bahay nito. Hmm. Marami rami rin but they just bunch of weaklings. Kayang kaya yan ng mga tauhan ko. Piping sabi nya sa kanyang isipan.

Habang papalalim na ang gabi ay sumalakay na sila ng dahan dahan. Syempre silencer ang ginamit nila para mawalang makarinig sa kanila.

"Good luck guys". Sabi nya sa mga tauhan habang nakangisi. Good mood na god mood talaga sya ngayong gabi dahil nabuhay na naman ang dugo nya sa pakikipaglaban.

Habang nakikipaglaban ang kasama nya ay walang kahirap hirap naman nyang tinatahak ang daanan para makapunta sa silid ng Congressman. May mga nakaabang man ay walang pag aalinlangan nya itong pinagpapaslang. Her red crimson eyes were glowing everytime she feel the urge to kill people. Parang isa itong droga para sa kanya dahil naha-high sya sa ginagawa nya.

*Bang!* Tsk! Muntik na ako dun ah. Kaya naman ay hinanap ko ang walang hiyang gumawa non sakin at agarang binaril. Tsk! Bunch of useless people. Habang papalapit na ako sa kinaroroonan ng kwarto ng target ko ay may nakabantay na dalawa. Psh! Kaya walang kahirap hirap ko silang binaril at ayon! Patay na.

Hmm. Masyadong maraming ka echusan ang Congressman na ito. Pero hindi naman ako pumunta dito ng walang bala. Kaya ay kinuha ko na ang clone ng mata ng Congressman dahil ito ang susi para makapasok ako sa kwarto nya.

Inaasahan ko ng nakatutok sa akin ang baril ng Congressman pagasok ko sa kwarto nya. And I mentally laugh at my thoughts.

"Owh! What a warm welcome Congressman Cardo Salazar". Sarcastic kong sabi sa kanya habang nakangisi.

"Hindi ko inasahan ang pagdating mo panauhin pero sinisigurado kong mamamatay ka mismo sa kwarto ko ngayong gabi". Puno ng galit ang bawat bigkas nya ng salita. At napahalakhak na lang ako. Idiot.

"Di ba dapat ay ako magsasabi sayo nyan? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon?" Seryosong saad ko sa kanya at humarap ako. Showing him my crimson eyes. I saw him gulp at nanginginig ang kamay.

"Ganyan nga Congressman, fear me because I am better than you. In fact, you have no match in me. Because I am Who I am". At sinipa ko sya agad. Ayoko naman syang tapusin ng walang kalaban laban. Kaya binigyan ko sya ng pagkakataon para kalabanin ako.

Pinutok nya ang baril sakin at agaran ko naman itong iniwasan. Di ba nya alam na baril ang expertise ko? Tsk! Masyado ng boring ang gabing to kaya ay nilabas ko na ang katana ko at binato sa kanya. Nakasabit na sya ngayon sa pader at kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

Nilibot ko ang paningin ko at ng nakita ko na ang hinahanap ko ay agaran ko itong kinuha at pinakita sa kanya.

"Look Congressman, ang pinaghirapan mong makuha ay nasakin na". Mapang uyam kong sabi sa kanya.

"Please! Maawa ka kahit kunin mo na lang yan at hwag mo na kong patayin". Nanginginig na sabi nya sakin. Hmm. It's so good to see someone begging for their lives.

"Maaawa sana ako kaso para sa isang katulad mo? Hindi pwede eh. You need to perish in this world". Nakangising saad ko sa kanya.

"Goodbye! Ikamusta mo na lang ako kay Lucifer sa impyerno". At tuluyan ko na syang pinaslang habang nasa pader. At minarkahan ko sya ng X sa dibdib nya. Brutal ba? Hindi naman eh.

At tuluyan ko ng nilisan ang kwarto nya dala ang pinakaiingat ingatan ng Hawkins Mafia, our Ally? Hmm.

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mysterium HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon