CHAPTER 3
ITINAKIP nya sa magkabilang tenga ang unan na nasa kama para hindi nya marinig ang litanya ng mga kaibigan. Sinugod sya ng mga ito ng tanggihan nya ang paanyaya ng mga ito na mag-outing.
"You're so unfair. Nong birthday ni Yrick hindi ka rin nagpunta tapos ngayon..." Pabiting saad ni Orrinne.
Tiningnan nya ito. Bagay dito ang boy cut na buhok na bumagay naman sa personality nito na medyo may pagka-tomboy. Nasa 5'8 ang height nito. Naka t-shirt lang ito na kulay brown na may tatak na Converse sa harap. Converse addict. Kung titingnan mo sa malayo ay mapagkakamalan mo itong lalaki dahil, hindi naman sa iniinsulto nya ito pero, flat chested talaga ito. Slim din ito na halos walang taba sa katawan. Maganda si Orrinne Roxas, matalino, sexy, isang Pediatrician pero hindi nya ito type. Ito yong tipo ng babaeng kahit maghubad sa harapan nya ay hindi sya tatayuan.
"Jesus Christ!" bulalas nya ng makitang hindi sya titigilan ng mga ito kahit anong gawin nya, "It's 8:00 AM, pwede bang patulugin nyo muna ako?"
"No!" literally, Indy shouted into his ear.
Si Adrianne Cortez, isang Police. Matalino, sexy, mayaman, maganda. Si Indy yong tipo ng babaeng luluhod ang mga tala dahil mas maganda pa sya kesa sa Miss Universe ng France. Ang wavy hair nito ay naka-braid ng araw na iyon. May nakawalang buhok sa mukha nito na nagpa-sexy dito lalo. Pero hindi nya ito type dahil ito yong tipo ng babaeng dapat pinapakasalan. And he hates the word: Marriage.
"Sinabi ko na ang rason ko diba? Busy ako." Aniya, gusto na nyang maiyak sa ginagawa sa kanya ng mga babae sa buhay nya.
"Busy sa mga girlfriends?" mataray na naghalukipkip si Yrick sa harap niya.
Si Eureka Yrich Valdez, isang Architect, ang prinsesa ng grupo. Kung may anak si Helen of Troy, sya yon. Lahat ng lalaki ay nagpapantasya sa kanya. Her smile can launch a thousand ships. Hindi nya kayang ipaliwanag pero sobrang ganda talaga nito. Medyo wavy din ang buhok nito na nakalugay lang, luscious kissable lips, sexy, matalino, maganda. She is definitely the epitome of real beauty. Pero hindi nya ito type dahil, ito yong tipo ng babaeng iniingatan at hindi sinasaktan.
Yrick, Indy and Orrinne, ang mga best friends nyang mga babae. Alam nyang guguho ang buong mundo nya kapag tinanggihan nya ang mga ito sa gusto ng mga ito na mangyari. Ito yong mga babaeng hindi nya pwedeng pagnasaan. At alam nyang nakangisi lang sa labas ng kanyang kwarto ang tatlo pa nyang best friends na puro naman mga lalaki. That's Red, Vince and Blue. And guess what, yeah, they were called the ROYGBIV noong nasa college pa sila at hanggang ngayon.
Nakaupo sya sa gilid ng kama half naked pero walang pakialam ang mga ito sa sitwasyon nya.
"Talagang wala ka ng oras para sa amin, you jerk!" sinipa pa sya ni Orrinne sa kanyang paa. Hindi iyon masakit dahil hindi sya nito kayang saktan pero halos maiyak na ito sa isiping ipinagpalit na nya ang mga ito sa kanyang mga babae.
"Sige paspasan nyo yan hanggang sa tumino." Nakangisi lang na sabi ni Blue na nakasandal sa door frame ng kanyang kwarto. That's Dirk Brian Chen, isang Chemical Engineer na ngayon ay nasa NBI.
"Fuck you!" aniya rito at bago pa man sya makailag ay isang malakas na sapak na ang tinamo nya mula kay Yrick. Nag-pout lang sya dito.
"Get up Geo, wag ka ng magpapilit. Don't be so hard." Si Dr. Red Dane de Leon iyon na naghalukipkip din.
Napakamot na lang sya sa batok. Alam nyang wala na syang kawala sa mga ito pero may mas importante syang lalakarin ng araw na iyon. Tumawag ang daddy nya kagabi at hindi nya ito matanggihan sa paanyaya nitong bumisita sya sa hacienda.
"So tuloy na ba tayo sa Tagaytay?" paalala ni Vince na nasa likuran ni Blue. Full name? Vincent Royce Trinidad, isang Surgeon.
"I'm sorry," Aniya
Napatingin ang lahat sa kanya.
"Dude, apat na lakaran ka ng hindi nakakasama ah. Nakakasama ka na ng loob." Ani Blue
"Sorry talaga. Next time promise." Aniya habang nakataas ang kaliwang kamay para ipakitang nanunumpa sya.
"Why?" Si Yrick iyon na umupo na sa kanyang tabi.
Ipinulupot nito ang mga kamay sa beywang nya, it sends shiver to his spines pero alam nyang hindi iyon sensual thing. Laging ganoon si Yrick at wala itong pakialam kahit hubo't-hubad sya, basta gusto nitong yakapin sya ay gagawin nito iyon without warning. Kung ibang babae lang ito ay matagal ng nauuwi sa kama iyon.
"Geo, the princess is asking you." Itinuro pa ni Red si Yrick na nasa tabi nya.
"I'm sorry, gusto ni Dad na umuwi ako ng mga ilang araw sa hacienda." Seryoso sya dahil yon naman ang totoo. Hindi sya magsisinungaling sa mga ito kapag may kinalaman ang Daddy nya.
Natahimik ang mga ito na nakatingin lang sa kanya.
"Guys please, understand me. Kailangan kong paunlakan si Dad ngayon, alam nyo na. He's not getting any younger." Inisa-isa nyang tiningnan ang mga kaibigan. Mahirap tumanggi sa mga ito pero gusto nyang magkaroon sila ng time ng daddy nya na matagal nyang hindi naibibigay dito.
Minsan lang humingi ng pabor ang matandang Dela Muerte, alam iyon ng kanyang mga kaibigan. Hindi nito hihilingin kay Geo na dalawin sya nito kung hindi nito kailangan ang presensya nito.
"Next time, promise." Aniya pa sabay pa-cute sa mga girls.
Inirapan lang sya ni Orrinne. Tahimik lang si Indy.
"Promises are made to broken." Ani lang ni Yrick, alam nyang nagtatampo pa rin ito sa kanya sa hindi nya pagpunta sa birthday nito. Kasalanan ba nya yon? Kasalanan ba nya kung masyado syang gwapo kaya nahihila sya kahit saan ng mga "girlfriends" nya?
"Princess, nagpadala naman ako ng gift diba? Hindi kita nakalimutan." Aniya rito. Nag-pout lang ito.
Ito ang mga babaeng hindi nya kayang saktan at paglaruan. Malamang, kilala na sya ng mga ito from head to toe, kahit nakapikit.
Agad na dinampot ni Orrinne ang back pack nito. "I'll go ahead." Anito
"Orrinne," aniyang nagsusumamo dito.
"Me too. I have lots of reports to do." Si Indy rin na nag-martsa na rin palabas ng kanyang kwarto.
Tiningnan nya si Yrick. Ngumite lang ito pero tumayo na rin at sumunod sa dalawa. Si Red din ay sumunod na dahil nag-volunteer ito na ipagmamaneho ang mga babae.
Bumuga na lang sya ng hangin. Hindi nya na mapipigilan mga ito. Kapag sinabi nitong aalis na ay alam nyang hindi na ito lilingon. 15 years is enough for him to figure it all.
"So," ani Blue, "Aalis na rin kami."
"Guys, please. Don't do this to me." Aniya sa mga ito habang nagsusumamo.
"Nah. Geo, pare, di mo naman sila masisisi eh, apat na lakaran ka ng hindi nakakasama. Natural lang na magtampo ang mga yon." Ani Vince.
"I know, pero hindi nyo ba naisip na may kasalanan din kayo kung bakit hindi ako nakakapunta sa usapan natin? Time dude." Napabuntong hininga sya.
"Well, kilala mo sila. Tomorrow ok na ang mga yon, para namang hindi mo sila kilala eh." Ani Vince, matter-of-fact.
Matapos magpaalam ang dalawa ay agad na nyang hinila ang kanyang maleta. Hindi naman nya kailangang magdala ng maraming damit pero magdadala na rin sya, in case gusto ng Daddy nya na mag-stay pa sya ng ilang araw doon.
Ang Daddy nya na lang ang pamilyang meron sya. Matapos yumao ang kanyang ina, sampung taon na ang nakakalipas, sinubsob na ng ama ang sarili sa pagta-trabaho at pagpapalago ng kanilang mga negosyo. And he really misses his dad.
"Good to go."
BINABASA MO ANG
Forever And A Day
RomanceNapilitan lang si Jeary na pakasalan ang anak ng may-ari ng lupang sinasaka ng kanyang ama dahil sa utang. Labag man sa kanyang kalooban pero tinanggap nya ang lahat kahit alam nyang puro pasakit lang ang kanyang raranasin sa kamay ng lalaki.