Chapter 4

19 3 0
                                    

CHAPTER 4

"HO?!" bulalas ni Jeary sa sinabi ni Atty. Guzman, "Sigurado po ba kayo dyan? Wala naman pong nasabi si Don Antonio tungkol dyan, baka nagkakamali lang po kayo." Hindi sya makapaniwala sa mga narinig.

Sinabi ni Don Antonio na kakausapin sya ng abogado ng pamilya nito habang nasa labas sya ng bayan. Hindi nito sinabi kung ano ang pag-uusapan nila ng abogado pero hindi nya inaakala na ganito iyon.

Gusto ni Don Antonio na ipakasal sya sa nag-iisang anak nito, ayon kay Atty. Guzman, bilang kabayaran sa libu-libong utang ng kanyang pamilya. Hindi daw umano gusto ng Don na bayaran ni Jeary iyon dahil paniguradong matatagalan pa bago nya iyon mabayaran ng buo kaya ang naisip ng Don ay ipakasal na lang sya sa anak nito.

Bagsak ang balikat na naupo sya sa upuang bakal sa balkonahe ng malaking bahay. Nasa harap nya si Atty. Guzman habang nagpapaliwanag sa mga gusting mangyari ni Don Antonio.

"Hindi ka naman magsisisi, siguradong ipapaman ni Don Antonio ang lahat ng kanyang ari-arian sa nag-iisa nyang anak at dahil mapapangasawa ka nya, magiging kahati ka na rin sa lahat ng mamanahin nya." Aning Abogado.

"Hindi ko po kailangan ng kahit anong yaman na sinasabi ninyo. Hindi ko ho matatanggap na ..." Hindi nya maintindihan ang narararamdaman. Magkahalong takot at pagkadismaya ang kanyang nararamdaman. Sa edad na biente, kahit kailan ay hindi pa sya nakaranas na magkaroon ng nobyo ni manliligaw tapos hito ngayo't kasal agad ang kasasangkutan nya.

"Hija, kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago ang desisyon ni Don Antonio, ibig sabihin, sa ayaw at sa gusto mo, iyon ang mangyayari."

Naiiyak na sya sa mga sinasabi ng Abogado. Anong dapat nyang gawin?

"O sige Hija, mauna na ako. May meeting pa ako sa kabilang bayan." Anito saka tumayo na at umalis sa kanyang harapan.

Naiwan syang nag-iisip pa din. Pumapayag na ba sya? Ang pananahimik nya bang iyon ay ang nagsasaad ng kanyang pagpayag? Hindi nya namalayang dumaloy na ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Di nya maintindihan ang kanyang nararamdaman.

--------

Tila nagising sya sa mahabang pagtulog ng maramdaman nya ang labi ni Annie sa labi nya. Napabalikwas sya mula sa pagkakahiga saka hinarap ang babae.

"Kanina pa kita kinakausap, ano bang iniisip mo at mukhang ang layo na yata ng narating?" mangite-ngite nitong wika.

Umiling lang sya. Ano nga ba ang iniisip nya kanina? Ah, kung ano man yon nakalimutan na nya. Kinabig nya si Annie at hinalikan ng buong pagsuyo. Nagpatianod naman ito at hinayaan sya sa kanyang ginagawa.

Bumaba sa leeg nito ang labing kanina ay nasa mga labi nito. Si Annie ang pinakamatagal na nyang sex buddy at ang gusto nya sa babae ay hindi ito humihingi ng kapalit sa bawat gabi o araw na pagsasaluhan nilang dalawa.

"Geo, marry me." Anito na nagpatigil sa kanyang ginagawa. Umangat ang ulo nya para salubungin ang mga mata nito. "Kailan mo ba ako yayayaing magpakasal? It's been 2 years." She traces his chest with her fingers. Pero tahimik lang si Geo.

Hindi nya iyon sinagot dahil wala naman siyang isasagot dito. Sure, he likes her so much, pero hindi iyon sapat na rason para magpatali sya dito. Sa edad na thirty two ay hindi pa nya kayang magseryoso sa mga babae kahit pa sabihing ibibigay nito ang lahat-lahat sa kanya. Even his dad can't force him to do so.

And speaking of the old man, muntik na nyang makalimutan kung ano ang sinadya nya dito sa bahay ng babae.

"Geo,"

"Yeah, Annie I have to go." Agad na syang bumangon at pinulot ang mga damit nya saka isa-isang isinuot yon. "Let's talk about it some other time." Humalik lang sya dito bago tuluyang umalis na.

Dinig pa ni Annie ang pag-alis ng sasakyan nito. Napabuntong-hininga na lang sya, tulad ng dati kapag napag-uusapan nila ang tungkol doon ay agad itong nagdadahilan at umaalis. Alam nyang hindi lang sya ang babae sa buhay nito pero mahal nya ang lalaki.


-------

Eksaktong alas dos ng hapon kinabukasan ng marating nya ang hacienda dela Muerte matapos ang halos sampung oras na byahe. Tulad parin iyon ng dati, walang kupas ang ganda na tila ba palasyo sa bukana ng bayan ng San Mateo. Naroon pa rin ang 'touch' ng yumaong si Doña Amparo, ang kanyang butihing ina. Napangite sya ng maalala ang kanyang ina.

Lumiko sya para tuntunin ang garahe. Naroon na ang Mercedes Benz ng daddy nya na kulay pula na syang paborito nitong kulay. Katabi iyon ng owner jeep na gustong-gusto nitong sakyan kapag nagpupunta sa mga taniman. Ipinarada nya ang sasakyan katabi niyon.

Natanaw nya ito sa may balkonahe ng bahay at halatang kanina pa sya nito hinihintay dahil tumayo ito mula sa pagkakaupo ng makita syang palabas ng kanyang Ferrari 430 na kulay itim. Makisig parin ito at matikas sa edad nitong seventy five at halatang gwapo ito noong kabataan pa dahil nakikita iyon sa ayos nito.

"Hi dad," bati nya sa ama.

Nagyakap silang mag-ama. Halatang sabik si Don Antonio na mayakap ang anak dahil mas hinigpitan pa nito ang yakap ng mga ilang segundo.

"Is that your new car?" ng maghiwalay sila.

"Yeah,"

"How much money you wasted on that?"

"Dad," saway nya dito while smirking to the old man.

"Seriously?"

"20M, that's 2009 model. She's beautiful, isn't it?"

"Ewan ko sayo. Hindi pa din kita maintindihan dyan sa obsession mo sa mga sasakyan." Anito saka naupo na sa sofa.

"Nah," aniya lang saka umupo na rin sa sofa sa harapan ng kanyang ama. "So, how are you?"

"Mabuti naman, ikaw? Yong trabaho mo? Yong firm?" baling din naman agad ng ama sa kanya.

Tinutukoy nito ang kanyang multi-billion construction firm sa Manila na ipinagmamalaki nya sa kanyang ama. He wanted his Dad to be proud of him, kahit alam nyang hindi naman kailangan.

"All is fine." Ngumite sya dito.

"Anyway, kumain ka na ba?" anito saka tumayo at hinila sya papasok ng bahay.

"Done. I just need to freshen up and sleep, probably." Aniya rito ng marating nila ang dining area ng bahay.

"Are you sure?"

"Yeah." Maikli lang nyang sagot.

Natahimik lang ito. Maya-maya ay tumalikod ito sa kanya. "Geo, son. Tumatanda na ako. Hindi iyon maipagkakaila." Simula ni Don Antonio

Here we go. Aniya na lang sa isip. Syempre pa nakuha na nya ang ibig nitong sabihin pero hinayaan nya lang itong magsalita.

"Tapos na kitang pinagbigyan sa lahat ng kahilingan mo sa akin. I let you do whatever you want to do with your life." Dugtong nito.

Napangiwi sya, alam nya na kung saan papunta ang usapang iyon. Dahan-dahan syang nagpakawala ng hangin mula sa kanyang dibdib.

"Kaya sana, ako naman ang pagbigyan mo."

"Woah! Dad, easy. We have a lot of time to talk about it. I'm kind of staying here for a week. Can I, uhm, sleep for a while?" aniya, "We can talk about it over dinner?" that's not a question but rather a statement.

Humarap ito sa kanya, "Geo,"

"I know, I know. I just need some energy to hear you out. Please." Putol nya sa sasabihin pa nito. Seriously, he needs some sleep and probably needs to prepare himself sa sasabihin pa ng kanyang ama. God, he needs it badly.

"Okay, over dinner." Anito.

Ngumite lang sya dito bago nagpaalam at pumanhik na sa itaas. Agad nyang tinungo ang kanyang kwarto. Binuksan nya iyon. Inikot nya ang kanyang mga mata sa buong paligid. Hindi pa din nagbago ang hitsura ng kanyang kwarto. Oh, his bed. He let out a loud sigh before diving into the bed.


Forever And A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon