« ella's pov »
"Patugtog naman tayo mga ssob." Sabi ng kaibigan kong punong-puno ang laman ng bibig. Natawa na lang ako sa mga gawain ni Tony. Ganyan na talaga ka-kulit yan.
"Ay onga! Wait lang, hugas lang ako ng kamay tas ihahanda ko yung tv." Sagot naman ni Ally na isa sa mga kaibigan kong kasama ko ngayon na punong-puno ng gravy ang kamay. Iba talaga 'pag Jollibee. Todong-todo lagi ang kainan.
Andito ako ngayon sa bahay ni Ally kasama ang iba naming kaibigan, kumakain ng Jollibee habang nagb-bonding. Yung iba ko kasing kaibigan sa squad namin nagp-planong gumawa ng Youtube channel at ngayong araw nila pag-uusapan yun. Sa totoo lang, di talaga ako kasama sa youtube planning nila pero sumama ako nung nalaman kong may manlilibre ng Jollibee.
Syempre libre na yun at Jollibee pa, sino ba namang hindi matutuwa dun?
Speaking of Jollibee, 'di ko pa pala ubos yung kinakain ko. Dalawang Chickenjoy at isang large na Coke Float kase ang pina-order ko kase 'kala ko mauubos ko. Kaso unti-unti na akong nabubusog pero hinde, mauubos ko toh. Sayang naman ang inilibre kung itatapon na lang!
Pagkatapos ng ilang segundo, bumalik na rin si Ally sa malaking kwarto niya kung san nakalatag ang malaki niyang kumot sa sahig at ang mga patay-gutom na kumakain ng Jollibee. Binuksan niya na ang tv at kung ano-ano ang pinag-pipindut sa remote hanggang sa mapunta siya sa Youtube.
Hindi naman ata adik sa Youtube ang mga kaibigan ko noh? Oops, guilty hahahah syempre ako din.
"Oh anong gusto niyong tugtog?" Sabi ni Ally kasabay ng pagkagat sa chicken na simut-simut na, 'di ko na alam kung ano pang nakakagat niya.
"Patugtugin mo yung IV of Spades par. Yung performance nila ng Mundo sa Route 196 ahh. Angas talaga ng solo ni Blaster dun grabe nagiging babae 'ko sa kanya." Sabi ni Tony na naging dahilan ng pagtawa naming lahat. Hayy, buti na lang at wala ang mga magulang ngayon ni Ally kaya di nakakahiyang mag-ingay. Lima lang naman kami ngayon eh, Ako, si Ally, Tony, Tricia (gf ni Tony, oh diba matchy ng first letter) at si Celine. Soo, di naman siguro ganon ka-ingay.
"Oo tama halos tumalon-talon na din ako kasabay nung solo niya nung una kong napanood yun eh." Pagsa-sang ayon ni Celine.
Pero teka, ngayon ko lang narinig ng maayos. Blaster? Bakit parang ang familliar nung pangalan niya sakin? Sino kaya yun?
"Blaster? Sino yun??" Tanong ko sa kanila. Feeling ko din kase may nakilala na akong lalaki na may ganong pangalan eh, bakit kaya?
"Ella, panoorin mo na lang." Sabi sakin ni Tony habang nakawak sa kanyang dibdib ang kanan niyang kamay at nakapikit ng todo. Hala anyare dun hahahah.
Sige nga, mapanood muna to para naman makapagpahinga na ang tiyan ko. Aba baka mamaya, 'di na magkasya sakin ang palda ko. Magt-tumbling sa galit lola ko niyan hahah jokeningz.
Malabo ng kaunti yung video pero kita ko naman na may apat na taong nakatayo sa harap ng mga tumitiling fans. May tatlong gitarista at isang drummer. Sa totoo lang, yung nasa pinaka-kanan, yung nasa gitna at yung drummer lang yung nakikita ko ng malinaw kase ang dilim din nung video. 'Di ko na kita kung sino yung nasa dulo sa kaliwa.
'Di nagtagal, may narinig na akong pag-strum ng electric guitar na nagpatili lalo sa mga tao sa video at nagpa-shook sakin. Yes, shookt. Grabe 'di pa nagsisimula yung first verse, nagandahan na ako sa kanta. Ang ganda kase nung tono din, parang chill lang pero pang-party din.
San darating ang mga salita
Ahh eto pala yung kanta na laging kinakanta ni Ally tuwing nagc-commute kami pauwi. Infairness, ang ganda nga at hindi sila autotuned tulad nung ibang singers.
BINABASA MO ANG
Sa Dulo Ng Bahaghari
Fanfiction"huwag ka na maghabol ng isang taong hindi ka naman gusto, ikaw din ang masasaktan sa dulo." "sigurado akong mahal niya ako dahil kung hindi, bakit siya nandito ngayon sa aking tabi?" (c) basangburger