warning: long chapter ahead ;)
« ella's pov »
"What food are you currently addicted to?" Saktong tinanong ni Tricia nung sinagot ko yung tawag niya.
"Huh bakit? Para san?" Bigla-bigla ba naman kaseng nagtatanong. Syempre gusto ko malaman kung anong pakulo niyan.
"Ehh basta sagutin mo na lang yung tanong koo." Hmm siguro may surprise 'to sakin. Charot, masyado nanaman akong nagiging feelingera.
"Alfredo Carbonara? Lagi ko kase yun nakikita sa twitter eh." Halaa natakam tuloy ako. Kung marunong lang talaga ako magluto, ginawa ko na eh kaso wala din atang ingredients dito sa bahay.
"Okiii! Bye Ellllll!!" At binabaan niya ko. Ay bastos, di pa nga nakakapagb-bye yung kausap eh charot. Hayy, ayoko talaga mag-assume pero sa tingin ko talaga pupunta yun dito ng may dalang carbonara hahah. Bahala na!
At dahil nagutom ako sa pinag-usapan namin, tumayo muna 'ko mula sa pagkakahiga ko sa sofa at pumunta sa ref para maghanap ng makakain. As expected, wala nanamang pagkain. 'Di pa siguro nakakapag-grocery si Daddy.
Ang nakikita ko lang na pwede kong kainin is yung keso eh. Oh well, masarap naman papakin ang Eden eh hahah. Naghiwa lang ako ng ilang slices at nilagay sa platito 'tapos bumalik na 'ko sa sofa.
Home alone kase 'ko ngayon kaya dito muna 'ko nag-stay sa living room. Nakakatakot kase dun sa kwarto ko, ako lang mag-isa 'tapos feeling ko lagi may papasok ng bahay kahit naka-lock naman lahat ng pintuan. Paranoid much? Yes.
Grabe, di ko aakalaing magiging boring pala ang summer ko. 'Di naman sobra pero 'kala ko kase laging may planong gala squad namin eh. It's been one week since natapos yung school at wala na akong ginawa sa bahay kundi matulog, mag-phone, manood ng tv shows at kumain ng mahahanap sa ref.
Gusto ko umalis ng bahay kaso di ko naman alam kung san pupunta. Actually, parang may gusto ako gawin pero di ko alam kung ano. Nab-bother ako ewan basta parang ayoko dito sa bahay.
Tinuloy ko na yung panonood ko ng End Of The F***ing World sa laptop. Eto ang bago kong kinaa-adikan sa Netflix. Dito ko inuubos yung oras ko hahahah. Dapat sabay namin papanoorin 'to ni ate Lisa kaso may photoshoot siya ngayon eh. Oh diba ang taray, 'pag artista ka talaga eh. Bahala siya, mauuna na 'ko hahah.
Pagkatapos ng ilang oras, napanood ko na yung buong Season 1. Ano kayang susunod na papanoorin ko? Mamaya na ako ulit magn-Netflix, magb-binge watch muna ako sa Youtube ng Buzzfeed Unsolved. Sobrang interesting netong show na 'to jusko sana hindi 'to mawala sa Buzzfeed kundi babagsak na din yung kumpanya nila. Those are facts, charot.
Pipindutin ko na sana yung The Mysterious Death Of The Somerton Man episode ng may bumusina na kotse sa labas. Para samin kaya yun? Bumusina ulit yung kotse kaya pumunta na ako sa pintuan at binuksan ito. Pagtingin ko, nandun nga si Tricia sa labas ng gate, kumakaway habang may tinataas na paperbag. Tama nga ako. Nakita ko si Tito sa likod lang niya, nasa loob ng kotse at kumakaway din. Kumaway ako sa kanilang dalawa at pumunta na sa gate.
"Suprise!!" Sabi ni Tricia ng nakangiti ng todo habang binubuksan ko yung gate. Nang mabuksan ko na, naglabas siya ng tupperware mula dun sa paperbag na parang may laman na pasta. "Niluto ko yung fave mo! Plus may dala din akong pistachio ice cream kase diba fave mo din yon?" Hala ang sweet talaga neto. Saming lahat na magkakaibigan, eto yung pinakama-effort at mabait. Makita ka lang niyang malungkot, bibigyan ka na ng Mcdo. Kaya thankful na thankful ako dito eh. Syempre sa lahat din ng mga kaibigan ko.

BINABASA MO ANG
Sa Dulo Ng Bahaghari
Fanfiction"huwag ka na maghabol ng isang taong hindi ka naman gusto, ikaw din ang masasaktan sa dulo." "sigurado akong mahal niya ako dahil kung hindi, bakit siya nandito ngayon sa aking tabi?" (c) basangburger