dalawa

32 2 0
                                        

« zild's pov »

"Wooh! Another one down!" Sigaw ni Blaster habang papunta kami sa backstage. Kakatapos lang kase ng gig namin dito sa Route 196 at didiretso muna kami sa dressing room para magpalit tapos pupunta na kami sa bar.

Bago pa kami makapasok sa dressing room, may narinig akong sumigaw na dalawang babae na nakilala ko agad. "Mga bobo!" Tunalikod ako upang makita kung tama ba ang hinala ko at tama nga, papunta na samin sila Shanne at ate Lisa.

Napatitig ako kay Shanne na nakangiting papalapit samin. Nginitian ko din siya at nagmake-face siya, making me chuckle. Naka long-sleeved black floral dress siya with black heels. I can't help but just stare at her, ang swerte ko talaga sa kanya.

"Minsan, di ko na alam kung maiirita ba ako o hindi dahil diyan sa mga "bobo" na yan kase kahit saan ako mapunta naririnig ko yan eh." Sabi ni Unique na natatawa at nag-apir kay Shanne na ikinagulat naman ni ate Lisa. Patuloy na binati nila Blaster at Badjao si Shanne habang si ate Lisa, di nila pinapansin.

Pano ba naman kase, lagi namin siyang ini-invite na manood sa mga gigs namin kase she's an old friend 'tapos sasabihin niyang pupunta siya pero 'di naman mangyayari.
Tapos mags-sorry siya at sasabihing babawi na lang sa susunod pero wala pa din.

"Grabe sila, sumulpot na nga ako ngayon eh." Sabi ni ate Lisa sabay lagay ng kamay sa kanyang bewang na para bang nagmamaldita.

"Wehh, baka mamaya napilitan ka lang kay Shanne." Sabi ko habang nagt-tsk. Natawa na lang si Shanne at bumulong sakin. "Ang sama niyo talaga, buti nga nakapunta siya ngayon eh." Tumawa na lang din ako.

"Hoyy hinde ah. Nauna ko pa ngang malaman na may gig kayo dito bago niya ako yayain eh." Sabi niya at nag-cross arms naman ngayon.

"True tho, tatawagan ko pa lang siya, andun na agad siya sa labas ng bahay, sinusundo ako." Pagsang-ayon ni Shanne.

"Oh diba kaya wag na kayo magtampo at magparty na lang tayo dahil libre ko ang drinks!" Solid talaga bumawi 'tong si ate Lisa eh.

"Ayun naman pala eh! Oh dali, dun na tayo sa bar!!" Hiyaw naman ni Badj. Parang kanina lang 'kala ko magpapalit kami ng damit 'tapos ngayon inuman na agad.

"Pag inuman talaga g na g kayo noh!" Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni ate Lisa.

"Basta libre mo!" Sabi ni Unique sabay akbay kay Blaster na naka-thumbs up. Kaya sila inaasar ng Blasnique eh hahah.

"Oh akala ko ba dressing room muna?" Tanong ko.

"Huwag na tayo magpalit Zild, maayos ka pa naman tignan eh. Inom na agad." Sabi ni Blaster at ginulo ang buhok ko. Ano ba yan, pano mo na masasabing maayos yun ngayon. Inayos na lang ni Shanne ang ibang buhok ko na na-out of place dahil sa pangugulo ni Blaster at pinisil ko yung ilong niya.

"Halika na!" Sinundan na namin si ate Lisa na katabi si Badj habang ang Blasnique ay nasa likod namin ni Shanne, nagkukulitan nanaman siguro.

Maya-maya nakailang drinks na kami at lasing na si Unique at Badj. "Alam niyo ba yung itsura ng mga fans pag nagp-perform tayo?" Sabi ni Unique na nakaturo samin sabay inom ng beer. Lakas talaga uminom ng mokong na 'to. Minsan lang yan kung uminom ng marami, mas madalas nga pag malungkot lang eh pero ngayon ang tindi, siguro dahil kakabreak lang ni Chy. Hayy, bukas sabog na sabog nanaman 'to.

Sa Dulo Ng BahaghariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon