SOMETHING ABOUT LOVE =))
One-shot stories about the realities of Love.
(Pasensya na po kayo kung makakaencounter kayo ng parang gumugulo na yung story a. Baguhan kase ako sa wattpad. Malamang may tensyon at kabang kasama to hehe ^^v)
***
FIRSTSHOT. -1-
Kung sakali man ...
May mga bagay sa mundo na kailangan mong bitiwan at isakripisyo. Hindi lahat kailangan mapasaiyo. Masasaktan ka man pero, kapag nakakita ka naman ng mabuting epekto sa ginawa mong pagbitaw, magiging magaan na rin ang pakiramdam mo kahit ba pakonti- konti ang epekto nito sayo.
...
"Okay na ba kayo? Pwede na ba tayong bumalik sa rehearsal?"
Nasa simbahan ako ngayon, ito na din yung naging pangalawang tahanan ko. Medyo malungkot kasi sa bahay, lalo pa’t wala naman akon kapatid wala akong makausap sa bahay. Sila, yung mga santo, sila ang tanging kausap ko dito, alam ko pinatatawanan niyo ko kasi hindi naman nagsasalita tong mga to e pero kinakausap ko pa din? Hahaha. Ganun talaga ako, mas masarap silang kausap kesa sa mga normal na tao. Kahit hindi sila nagsasalita at nagbibigay ng payo sakin, hindi naman silan nagsasawa na makinig.
Nagpapasalamat din ako kasi..
Dito kami pinagtagpo ni Carl.
Ang lalaki na bukod tanging inibig ko sa tanan ng buhay ko..
Si Carl ay isang sakristan sa simbahan na to. Nagkakakilala kami ng minsang makita niya ako na umiiyak sa playgorund ng simbahan na to, di ko na matandaan kung bakit ako umiiyak nun e, Hehe, pero laki ng pasasalamat ko sa kanya kasi siya ang naglapit sa akin sa Diyos. Ang weird di ba? Ako tong babae akong hindi naniniwala sa Diyos, at dyahe pa, lalaki pa ang nagpush sa akin na makilala siya. Medyo, naging rebelde at pariwara din kasi ako nun, wala akong ginawa kundi gumimik ng gumimik, kasi nga wala naman akong uuwian sa bahay.
Pero, naging successful naman siya.
Kahit pakonti- konti, nakilala ko si Lord.
Alam kong bawal ang naging pagtingin ko kay Carl, isa siyang tagapaglingkod ng Diyos, hindi siya pwedeng makaramdam ng kahit anong pagtingin sa kahit na sino. Dapat focus siya kay God. Kaso di nagtagal di ko napigilan ang sarili ko sa pagsasabe ng totoo.
Umuulan ng mga araw na yun.
BINABASA MO ANG
Something About Love..
Teen FictionThis Something Abt LOVE series is a one shot Stories that based in real lives, MOSTLY =)) Ung iba pang something abt love series ay ipopost ko po, medyo busy na po kase ako ngayon kaya ayun. Hinay hinay pa lang po ako. Pero, actually galing na po yu...