Parang pepsi lang naman yan eh..”Kung hindi siya, di na lang..”
------
Hello! Ako nga pala Si Emirxianne Lopez, Xian na lang for short, medyo weird ang pangalan ano? Parang planetang dinidiscover pa lang. Haha.
May tao akong gustong-gusto..
Si Reshil. Maganda, mabait, masipag, masayahin, matalino..
Kaso...
UBOD NG SUNGIT.
Ako nama’y hindi ganun kgwapuhan na lalaki. Tamang saktuhan lang, mga common na mukha na makikita mo sa kalye. Nangangamoy pawis at araw kapag nabibilad ng sobra.
Namamasa din naman ang kilikili ko, patunay nga na tao ako. Ayun lang, ako yung tipo ng tao na nasa hanay ng mga hindi pansinin ng mga babaeng katulad ni Reshil.
Nagkagirlfriend na ako nun.
Kaso hiniwalayan ko din, napakaarte e. (Naks, ang gwapo ko diba?) Pero joke ko lang yun, siya talaga ang nakipaghiwalay. Sabi nila, may involve daw na lalaki e. Ako naman, hindi ko na lang pinapansin. Ako naman yung tipo ng tao na kapag tapos na, tapos na. DEAD. PERIOD. THE END.
Di ko rin naman gaanong minahal yung jowa ko nayun dahil nga si Reshil ang gusto ko.
Kahit gaano siya kaganda, walang humahamak na lapitan siya dahil for sure!! Iismiran ka lang niya. Minsan iirapan. Mga ganun ba?
E sabi nga nila kapag gusto mo ang isang tao, susuong at susuong ka, kahit alam mong ikapapahamak mo yun, eh gagawin mo pa din! Ganyan katitigas muka ng mga taong inlab. (Ayeh~!) *kilig*
Nasa isang bakanteng table sa library si Reshil nun. Ako naglakas loob na lapitan siya..
Nagbubulungan nga yung ibang mga lalaki sa library..
“Grabe! Ang tikas niya ha? Tingnan lang natin yan lalaki na yan..”
“Sige bok! Hindi ka pa nakakalapit dyan, basted ka na!”
Nginitian ko lang mga pinagsasabi nila..
Dumiretso pa din ako..
“Miss, pwede bang maupo sa bakanteng upuan ng lamesa na to?”
Tinitigan niya ako ng sobrang FIERCE. parang mangangain ng buhay..
Tapos biglang...
“Okay.”
Ang lahat ay napanganga ko! OHA. Sinong may sabi sainyo na iisnabin ako ng magandang babae na to? Wala! Elib kayo sa akin. Namumukod tangi akong pinagbigyan sa lahat ng sumubok..
Ang araw na yun ang pinakamasaya sa lahat ng araw na dumating..
Nagpatuloy ako sa mga pasimpleng porma ko sa babaeng gusto ko..
Hanggang isang araw, nagkasabay kami sa shed.
Nakita ko siya na nandun. Hindi siya makaalis dahil sa sobrang lakas ng ulan.
Ako, bilang may payong naman ako inalok ko na siya..
“Payong oh?”
Tinitigan niya lang yung payong na hawak ko..
“Hindi ko kailangan yan. Titila dinyang ulan na yan!”
“Nako. Sabi sa weather forecast buong gabi daw uulan ng ganyan kalakas.”
“E kung ganun bakit may pasok pa din tayo kanina at bukas kung buong gabi naman? Titigil din yan.”
“E malay mo naman kasi aaraw na bukas. E ngayon buong gabi uulan. Ano? Dito ka na matutulog?”
BINABASA MO ANG
Something About Love..
Teen FictionThis Something Abt LOVE series is a one shot Stories that based in real lives, MOSTLY =)) Ung iba pang something abt love series ay ipopost ko po, medyo busy na po kase ako ngayon kaya ayun. Hinay hinay pa lang po ako. Pero, actually galing na po yu...