Hindi pala talaga lahat ng gusto mo ay mapupunta sayo. At hindi din lahat ng bagay ay na a-upgrade dahil kahit kailan hindi naging laro ang pag-ibig.
Hinaplos ng malamig na hangin ang aking katawan dahilan para mapapikit ako.
---
"Kaibigan lang talaga"...
"Im sorry, Czarmy"...
---
Agad nag unahan sa pag bagsak ang aking luha. Ang sakit pala talaga.
Kahit anong pilit kong tanggalin ang alaalang yan ay pilit paring bumabalik.
---
"Gusto kita, Jacob... Gustong gusto"
Pag amin ko sakanya. Ilang minutong binalot ng katahimikan ang paligid.
Walang ni sinoman ang nagsasalita hanggang sa...
Unto unti syang humahakbang paatras. Napangiti nalang ako ng mapakla.
Action louder than words ika nga nila.
Ouch lang. Walangya kasing action yan. Bakit sa simpleng action na yan ay nakayang saktan ang tulad ko?
---
Tumingala ako para tumigil sa pag patak ang luha ko.
Pero wala eh.
Useless lang din.
Dahil kahit anong gawin ko ay hindi ito mahihinto. Dahil sobra akong nasasaktan.
Sobra.
Bakit ganon? Pinigilan ko naman ah. Hindi ko hiniling na mahulog sakanya.
At mas lalong wala akong balak maging tanga.
Pero wala eh. Masyadong epal si tadhana. Lahat ng ayw ko ay nagyayari. Wala siguro siyang magawa kaya pinaglalaruan niya yung kapalaran ko.
Agad kong pinahiran ng panyo ang pisngi kong basang basa na dahil sa luha. Ilang bugtong hininga ang ginawa ko bago tuluyang tumayo.
Ilang minuto nalang kasi ay mag uumpisa na ang klase.
"Czarmy, Aatend ka ba sa prom?"
Tanong ni mabe pag kapasok ko classroom. Lahat ng atensyon ng classmates ko ay natuon sakin.
Pati yung atensyon niya. Langya naman eh.
Kinagat kong bahagya ang ibabang labi ko nang maramdaman kong nag iinit nanaman ang magkabilang sulok ng aking mga mata.
"Wala naman akong choice diba?"
Halos walang gana kong sabi nang maupo ako sa tabi niya.
"May problema ba?"
Nag aalalang tanong niya ng maupo ako sa tabi na hindi ko naman nakagawian. Lagi kasi kaming magkatabi ni Jacob--. Napangiti ako ng mapakla ng maalala kong minsan ay natanong narin niya sakin yan.
---
"May problema ba?"
Tanong niya nang mapansin niyang wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya.
"Wala."
Maikli kong sagot ng hindi siya tinitignan.
"Sabihin mo na kasi..."
Pangungukit niya na may kasama pang pag sundot sa tagiliran ko. Takte.
"Ano ba Jacob.."
Singhal ko sakanya habang nag pipigil ng tawa. Pft.
"Ayaw pa kasing sabihin eh."
Saad niya at mas binilisan pa ang kiliti sa akin.
"Hahahah.. I-isa... Hahaha.. JACOB!"
---
Pinilit kong ayusin ang boses ko.
"Ayos lang.."
... Sana kung gusto niya ako? Pero hindi eh. Na friendzone ako.
FRIENDZONE!
