SPECIAL CHAPTER PART 1

1.8K 41 0
                                    

Nang gabing yon ay halos hindi na ako nakatulog. Binuhos ko ang lahat ng sakit.

Hanggang sa kusa ng mapagod ang aking mga mata sa pag luha.

Hindi ko alam kung alam niya bang ako yun. Pero mas mabuti pang di niya alam. Dahil kung alam niya ay mas lalo pa akong masasaktan.

Masasaktan dahil hindi niya ko pinuntahan means wala talaga siyang nararamdaman na kahit ano sa akin.

Isang linggo kaming walang pasik. Pahinga daw yin dahil mag O-OJT na kami.

"Ate, May bisita ka"

Sabi ni Charlie na nakasungaw sa pinto ng aking kwarto.

Iritado ko siyang binalingan.

"Can you atleast knock?"

Ngumisi lang ito bago sumagot.

"Sorry. Tanghali na kasi nakahiga ka pa."

Mabilis akong umupo. Epal eh. Wala ako sa mood dahil ano.. dahil pagod ako. Pagod masaktan. Char.

"Sino ba yung naghahanap?"

Taas kilay kong tanong sakanya habang nag susuot ng tsinelas pambahay.

"Si kuya Jacob."

Alam niyo ba yung yung feeling na biglang may biglang tumunig na ewan sa utak mo?

Eh yung feeling na para kang malalaglag sa bangin?

Eh yung... yung gusto mong maiyak.
Dahan dahan akong bumalik sa pagkakahiga ko at wala sa sariling nagtalukbong ng kumot.

"Paki sabi wala ako."

"Pero sinabi kong nandito ka!"

Depensa na Charlie.

"May sakit ako."

"Wala naman diba?"

Mabilis kong kinuha ang katabi kong unan at binato sakanya. Bwisit.

"SABIHIN MO TULIG AKO. TAPOS!"

Inis kong sigaw at nag talukbong ulit.

Kainis. Bakit ba siya pumunta dito?

'Gusto mo naman?'

Excuse me? Wala akong balak na kitain pa siya. So bakit ko magugustuhan yun?

Tama na ang isang beses na pag papakatanga. Tama na.

"Ate umalis na si kuya Jacob. Sana daw ay maka pag usap kayo. Hihintayin ka daw niya sa coffee shop sa plaza. 5:00pm."

Tuloy tuloy na sabi ni Charlie at mabilis ding umalis.

All I Ask [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon