4:36pm na at ilang minuto nalang ay magkikita na kami.At dahil hindi ako excited ay nakabihis na ko kanina pa. Wala akong balak magtagal dun.
"Hindi ka pa ba aalis, Ate?"
Tanong ng kapatid kong epal. Pft. Pero mahal ko yang panget na yan.
"Puntahan mo siya Ate. Kasi last time na pumunta siya dito ay mukang may problema."
Ilang minuto akong nakatingin sa pintuan bago tumayo mapag desisyong umalis na.
5:14pm na. Sana mahintay niya pa ko.
Mabilis akong nakarating sa plaza. Nag papasalamat akong hindi traffic.
5:52pm nang makaratin ako. Nandoon pa kaya siya?
Hinihintay pa kaya niya ko?
Maraming dumadaang sasakyan kay hindi ako makatawid.
Dito palang ay kita ko na ang coffee shop kay tanaw ko rin ang nasa loob nito lalo na't glass lang ang harang nito.
"CZARMY!"
Malakas na tawag ng lalaki sa pangalan ko. Malapad ang ngiti nito.
"Jacob..."
Mahinang bigkas ko na sigurado akong hindi niya narinig dahil ang layo niya sakin at dahil nadin sa mga sasakyang dumadaan sa pagitan namin.
Walang lingon lingon niyang tinahak ang pagitan naming dalawa....
Malakas na busina ang bumalot sa lugar na sinundan ng katahimikan at pag karaan ay binalot ng mga bulungan.
"Jacob..."
Mahina kong sabi kasabay ng pag patak ng luha ko. Mabilis akong lumapit sa lalaking napapaligiran ng mga tao.
"Oh my god, Jacob!"
Hiyaw ko at nilapitan siya. Ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking hita. Napuno ng dugo ang aking mga kamay.
"J-jacob..."
Tinapik tapik ko ang kaliwang pisngi niya upang maimulat niya ang kanyang mata.
"TULONG... PLEASE TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA..."
Sigaw ko sa mga taong nakapaligid lang samin.
"Shit ka, Jacob. Idilat mo yang mata mo.."
Tuloy tuloy parin sa pag patak ang mga luha ko.
"C-czarmy..."
Mahina at hirao nitong bigkas sa pangalan ko.
"C-czarmy.... M-mahal kit...a..."
Saad nito na nakapag patigil sakin sandali. Tuliy tuloy parin sa pag agos ang aking luha.
"Jacob..."
Pilit niyang inabot ang pisngi ko at ginawa ang nakaugalian niyamg gawin sakin pag umiiyak ako.
Kinurot nito ang ilong ko bago punasan ang luhang dumadaloy sa pisnge ko.
"A-ang... p..pangit mong u-umiyak.."
Sabi nito at bahagyang tumawa na siinundan ng ng pag ubo ng dugo.
"A-ayokong makita kang... umiiyak."
NOONG bata ako favorite kong panuorin ang fairytale lalo na kapag ang storya ni Bella at Snow white.
Lahat kasi ng story nila nag tatapos sa 'THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER'
Iniisip ko nga na sana ay ganoon din ang mangyari sa buhay ko.
Na lahat ay mag tatapos ng masaya. Pero iba ang nangyari.
Ibang iba sa napapanuod ko nung bata pa ako.
Buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ang trahedyang hinding hindi ko makakalimutan.
Bakit ganon? Bakit ang unfair niya? Bakit yung iba naman ay masaya na. Bakit ako hindi?
Masama bang hilingin na sumaya ako?
Masama bang hilingin na makasama ang mahal ko?
Bakit kailangan pa niyang kuhanin ang buhay ng taong mahal ko? Bakit?
"Bakit ang dali mong sumuko Jacob?"
Sabi ko habang hinahawi ang ilang dahon ng nakalagay sa lapida nito.
"Bakit ang bilis? Salbahe ka talaga no?"
Suminghot ako bago magsalita ulit.
"Sabi mo ayaw mo kong makitang umiiyak? Peri bakit ganito? Iniwan mo agad ako sa ere."
Iniwan ng walang pasabi.
Hindi ko alam kung paano ko pa to malalagpasan. Hindi ko alam kung paano ko pupunasan ang mga luhang ikaw gumagawa.
Hindi ko alam kung paano kalimutan ang alaalang tayong dalwa ang laman.
At hindi ko alam kung paano lilimutin ang nararamdaman ko sayong pumapatay sakin unti unti.
I love you, Jacob.