Solo 1

8 0 0
                                    

"Hail ano na? Huwag mong imiss ang chance na makapagbigay ng gift this Valentine's day. Wala ka bang kahit sinong manliligaw? Kahit crush man lang?" tanong ng kaibigan kong si Zania.

Ang hyper niya. Sobrang excited sa Valentine's day Wala din naman siyang date.

Hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya ang mga tao sa isang araw ng mga puso. Hindi ba nila pwedeng ipakita ang pagmamahal na yan sa araw-araw? Bakit kailangan mong magbigay ng something to someone on that day? Paano yung ibang hindi makakatanggap? Malulungkot at maiingit sila dahil wala silang natanggap.

Hindi ako bitter, I'm just stating facts.

"Gosh, 3rd college na tayo, malapit na tayong grumaduate pero wala ka pa ding boyfriend hanggang ngayon." exaggerated na komento ni Zania.


Akala mo naman siya meron?

Natatawa ako naiisip ko.

"Hoy Hailey Faith Cordovez! Alam ko ang ganyang pagmumukha mo. Huwag mo nga akong tawanan, nag-eentertain naman ako ng boys hanggang m.u nga lang." nahihiyang announcement ng aking pinakamamahal na kaibigan.

Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas. Pinagtitinginan na tuloy kami dito sa plaza.

"Itigil mo na nga yan, mag-aral na lang tayo. Sana ikapasa natin yang boyfriend boyfriend na yan."

Nagbabasa kasi ako para sa exam namin para bukas.

"Oo na, ito naman si manang eh, relax- relax din pag may time." Nakangiting sabi ni Zania habang titig na titig sa lens ng kanyang camera.

Napailing na lang ako at tumingin sa paligid.

Anong oras pa lang ah? Bakit may mga estudyante ng pakalat-kalat dito sa downtown.

Tsk tsk mga kabataan talaga ngayon. Hindi iniisip ang kinabukasan puro pagpapakasaya lang ang alam.

Haist.

Sa totoo lang, naiinis ako sa mga taong binabalewala ang pag-aaral nila samantalang hirap na hirap ang mga magulang nila sa pagtatrabaho mapag-aral lang sila.

Makasarili.

Masyado silang selfish kasi sarili lang nila iniisip nila. Oo nandun na tayo sa hindi nila gusto ang teacher nila o boring ang klase kaya mas gusto na lang nilang magcut ng class para gumala o magdota.

Hindi ba nila pwedeng tiisin yun? Kahit hindi na nila maintindihan ang lesson pipilitin pa din nilang matuto para sa magulang nila? Yung mga nagpapaaral nga sa kanila, sinisikap magtrabaho sa araw-araw mapag-aral lang sila para makaroon sila ng magandang kinabukasan. Matustusan lang mga pangangailangan nila sa school at sa bahay kahit may sakit sila at masama ang pakiramdam pinipilit pa din nilang lumaban? Bakit kayong mga kabataan, binabalewala lang ang lahat ng iyon? Bakit kayo sumusuko kung sila patuloy na lumalaban?

Nagagalit ako kasi ganun din ako noon. Sarili lang ang iniisip na parang wala ng bukas. Magpapakasaya sa piling ng barkada, iinom hanggang umaga. Magkacut makikipaglaro ng dota at maggagala sa mall. Magfefacebook at magtitweet sa mga kaibigan kapag nasa bahay.

Kung alam ko lang noon, sana nagbago ako. Tumulong ako sa magulang ko sa gawaing bahay at hindi puro sakit ng ulo ang ibinigay ko. Sana matataas na grades na lang ang pabaon ko kahit medalya man lang ang maging sukli sa mga pagsisikap nila kaso hindi ko kaya. Hindi ko nagawa.

Kaya bumabawi ako ngayon.

Ngayon pa kung kailan wala na sila.

Malungkot sobrang lungkot ng nag-iisa. Buti na lang nandyan si Zania at ang pamilya niya na parang pamilya ko na din.

Swerte pa din ako.

Siguro ganun nga talaga, laging nasa huli ang pagsisisi.

"Bestie tapos ka na ba? Tara gala muna tayo bago tayo umuwi tapos kain na din tayo. My treat." Excited na sabi ni Zania. Yan yung gustong-gusto niya eh ang gumala at kumain pero at least siya hindi niya pinapabayaan pag-aaral niya.

"Mmm sige, bawi ako kapag graduate na tayo." Natatawang sabi ko. Yun lang talaga kaya kong ioffer in terms of finacial matters kaya niyaya ko na siyang gumala. Wala naman masyadong gagalaan dito sa bayan. Isang mall lang ang nandito at yung isa medyo malayo pa lalo at wala kang sariling sasakyan para makapunta doon.

Dumaan muna kami sa Watson, nagtingin-tingin ng mga sale tapos hati kami sa babayaran. Buti nga mura lang yung body scrub eh buy one take one at least makakatipid ako.After nun pumasok kami sa mga stalls ng mga damit. Mahilig kasi talagang pumorma itong Bestie ko samantalang ako kahit ano pwede na. Jeans and T-shirt lang madalas kong isuot. Hindi ako sanay mag-ayos wala naman kasi akong pagpapagandahan. Walang mapili si Bestie kaya lipat kami ng lipat ng store pagkatapos niyang isukat hindi niya bibilhin kapag hindi niya nagustuhan. Nakakahiya tuloy sa mga tindera yung iba naiinis na. Sabi ni bestie trabaho naman daw nila yun para naman daw may gawin sila. Agree naman ako lalo na doon sa mga matataray na tindera, nakakawalang gana tuloy mamili eh.

After 100 years, nakapili na din si bes, gusto niya din kc afford sa budget niya, ayaw niya ng masyadong mahal. Binilan niya din ako para parehas daw kami ng jeans. Bayaran ko na lang siguro sa sahod ko.

"Bes, tara kain na tayo nagugutom na ako." Yaya niya sa akin ni Zania.

"Sige. Wait lang may bibilhin lang pala ako sa Expression." Paglingon ko sa kaibigan ko tulala na siya at nagtatago sa likod ko.

"Huy, bakit ka nagkakaganyan? Sino bang tinataguan mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Wade bestie dumaan kasama mga barkada niya." Bulong niya sa tenga ko. Tinignan ko yung direksyon ng tinitingnan niya nasa likod pala namin. Naglalakad at mukhang dadaan pa pala sa harapan namin.

Medyo pamilyar na din ako sa long time crush niya na si River. Sikat ito sa school dahil sumali na yan dati sa Mr. and Ms. Campus at nanalo pa. Kaya hindi nakakapagtakang may pagsintang pururot itong best friend ko.

Same old faces pa din naman ang nakikita ko. Kasama nga niya ang buong barkada niya. Hindi ko din masisisi kung bakit bawat babae napapalingon sa kanila kasi mukha silang kasali sa isang boy band o kpop idol. Mga pogi silang lahat, matangkad, mayaman at may talent din naman. Kaso hindi talaga tumatalab ang charm nila sa akin. Ewan ko ba? May hinahanap lang siguro akong spark.

Pagkatapos ng tagpong yun, kumain kami sa Mcdo. Naging tambayan na din ng mga estudyante ang 2nd floor ng kainan kaya hindi nakakapagtakang puro kabataan dito.
Habang kumakain ay lingon ng lingon si Zania sa likod ko. Pagtingin ko sila River naman pala, kaya pala pinagpipilitan niyang magMcdo kami kahit sa iba ko gustong kumain kasi may sinusundan pala kami. Hindi ko lang alam.

"Sino kaya yun Bes? May kasama silang bago oh? Tignan mo. Ngayon ko lang nakita yan eh." Nakakunot noong sabi ni Zania.

Tinignan ko yung lalakibg tinutukoy niya. Oo nga nuh? Sino kaya yun? Mmm in fairness pogi. Hindi siya nakauniform katulad namin taga ibang school siguro. Mukha siyang fresh parang laging amoy paligo. Tapos yung ngiti, lumalabas ang dimple. Yung mga mata niya kulay brown.

Wait.

Bakit nakatingin na siya sa akin? Tapos nagwink pa. Iniwas ko tuloy agad yung paningin ko. Nakakahiya, nakita niya pang nakatitig ako. Nakukyutan lang naman ako. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng pisngi.

Ito pa ang ikinababahala ko.

Bakit ganito na lang kalakas ang tibok ng puso ko?

May sakit na ba ako?

SoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon