Nandito ako ngayon sa apartment na nirerentahan ko, studio type. Maliit lang siya pero sapat na kasi mag-isa lang naman ako.
The room is painted with sky blue. May isang bintana kaya nilagyan ko ng kurtina na kulay yellow. Mahaba ang pinili ko kasi gusto kong medyo dim kapag natutulog ako ng tanghali dahil mas komportable ako. Tapos may kutson ako sa lapag at hello kitty ang bed sheet black and pink with matching hello kitty pillows din. Mahilig kasi talaga ako sa hello kitty.
Mayroon din akong rectangular bookshelf sa may right side, isang hilera ng mga libro ko sa school ang nakalagay diyan. Tapos doon nakapatong ang maliit kong tv kaso hindi pa ako nakakabili ng tv plus kaya tiyaga-tiyaga muna sa iilang channel. At least kahit paano may naipupundar ako para sa sarili ko.
Nakabili na din ako ng maliit na electric fan at pinahiram ako ni Zania ng single cabinet para sa mga damit ko. Hindi naman daw nila ginagamit kaya pinahiram nila sa akin tsaka mahirap tumanggi dun lalo na kapag nagplantsa magugusot kung walang sabitan. Lastly, hinding-hindi pwedeng mawala ang cr, hindi kalakihan pero pwede na kasi may lababo na din. Kahit hindi de flush at tabo't timba ang gamit ayos na basta may pagpaliguan ako at alam niyo na. Ang hirap naman ata nun kung wala di ba?
Nahihiya kasi ako sa pamilya ni Zania kasi isa ako sa mga binigyan nila ng scholarship grant para makapag-aral ng libre sa college kasama na dun ang bayad sa miscellaneous fee at books kaya ang iintindihin ko na lang ay ang pang-araw2x ko. Tsaka ayokong maging pabigat sakanila kaya talagang pinagsusumikapan ko ang pag-aaral ko para sulit naman ang pagpapa-aral nila sa akin. Gusto pa nga nila akong patirahin sa kanila pero I insist kasi ayokong umabuso sa kanilang kabaitan kaya kung kaya ko namang magtrabaho bakit hindi, sarili ko lang din naman ang bubuhayin ko.
Kaya yun nagworking student ako. Nag-aaral ako sa umaga tapos waitress sa gabi sa isang restaurant. Buti nga tumatanggap sila ng undergrad at part time kaya may pantustos ako sa sarili ko. Tsaka hindi ko naman malalaman na kaya ko pa lang magtrabaho kahit mahirap kung hindi ko susubukan eh.
Humiga ako sa aking kama. Dahil nagawa na namin ni Zania ang sandamakmak na requirements namin kanina at dayoff ko ang Saturday, makakapagpahinga ako ngayong gabi.
Napatingin ako sa cork board sa gilid ko. Nandun yung family picture namin tapos yung picture ko na nakaschool uniform ako then nung nasa work ako at next is diploma. Doon pa lang kasi ako sa stage kung saan tinatrabaho ko pa ang pangarap ko. Hanggang doon lang muna yun.
Boyfriend?
Not an option nor a choice.
Sarili muna.
May mga pangarap pa din ako.
Masisira lang yun kapag may love na nanggulo.
Biglang sumagi sa isip ko yung lalaking nakita ko kanina.
Yung nagwink sa akin.
Kumakabog nanaman dibdib ko kahit wala siya dito.
Bakit kaya?
Sana wala pa at sana huwag muna.
Gagraduate pa ako, pakiusap.
Ayoko pang magkalove life.
Mahirap magfocus sa pag-aaral at pagtatrabaho kung meron pang nobyo. Pahinga ko na lang, ilalaan ko pa sa future boyfriend ko.
It's a no, no, no for me.
Study first.
As always na sinasabi ng matatanda simula pa noong unang-una.
Gusto kong panindigan.
Ngayon pa ba ako magnonobyo kung wala na akong ibang sasandalan kung hindi ang sarili ko?
Goal ko talaga makapagtapos ng pag-aaral.
Kaso ang sabi nila ang love daw dumadating ng hindi mo inaasahan.
Hindi mo namamalayan, in love ka na pala.
Love is blind daw kasi hindi mo mapipili kung sino magugustuhan mo kasi ang puso ang nakakaalam kung sino ang other half mo.
Kaso di ba love is a choice din naman? Ikaw ang magdedesisyon kung sino ang gugustuhin mo. Sa totoo lang mata nga ang unang nakakakita ng lahat eh. Real talk na, physical appearance ang una nating nakikita. Ayoko diyan, pangit yan, malaki ilong, pandak etc. kung ano-ano pang negatibong bagay na sinasabi natin sa taong yun. Ayy ang pogi, crush ko na yan. Next na lang yung ugali niya.Natatawa lang ako sa mga nakikita at naririnig ko sa ibang tao, pwede namang magmahal ng hindi namimili ah, love everyone. Kaya natatakot akong magmahal ng isang tao lang kasi baka sa kanya na lang umikot ang mundo ko. Yung everyone na gusto kong mahalin, maseset aside kasama na ang mga kaibigan ko. Ayoko ng ganun kaso ang sabi nila ganun daw talaga yun. Sa love kahit anong tira mo sa sarili mo, magbibigay ka talaga ng buo. Wala nga daw nagmahal na hindi naging tanga.
Sana kapag ako na ang nagmahal hindi ako maging tanga. Hindi ako aasa sa wala, na masusuklian yung nararamdaman ko. Kung masuklian man sana yung totoo. Hindi yung akala ko mahal ako yun pala niloloko na lang ako. Pinapaniwala sa kasinungalingan na I believe hindi ko deserve. Ang unfair talaga ng life pero siguro yun yung way nito para matuto ang tao.
Balita ko pa nga kapag nagmahal ka masakit. Iiyak ka daw talaga lalo na kapag iniwanan ka at nang-iwan ka. One way or another, masasaktan ka. Grabeti din naman ang Love.
Sana hindi ko muna siya maencounter.
Nakakatakot kasi.
Parang hindi pa ako ready sa mga ganung bagay.
Pero mukhang kailangan ko talagang ingatan ang puso ko.
Kasi kapag nasaktan o nadurog ito, wala akong kasamang mag-aayos nito.
Nakakaloka, bakit ko ba naisip ang love na yan?
Ahh kasi nga hindi siya kasama sa option ko.
Ayoko na ngang tumingin sa bulletin board ko.
Ahh inaantok na ako. Nakakapagod mag-isip, Haayyy. Ang sarap magpahinga lalo na't naabot mo yung limit mo ng isang araw. Kinuha ko ang unan ko at niyakap.
Tomorrow is another day.
Carpe Diem.
Yan ang sabi ng mama ko noon.
Seize the day.
Hangga't bata pa at malakas pa ako.
Hangga't may pagkakataon pa.
Sana nandito din sila habang inaabot ko ang mga pangarap ko.
Hanggang sana na lang ako.