Pagkatapos kong gawin ang night routine ko, humiga na ako sa kama.
Parang pamilyar yung mukha niya?
Saan ko nga ba siya nakita?
Pero hindi yun yung issue eh.
Hindi pa din ako makaget over sa nangyari kanina. Nagpaganda pa naman ako ng bongga para maiangat ang dignidad kong natapakan. Natapakan nga ba? o nag-iinarte lang ako? Nakakainis naman kasi feeling ko pangit-pangit ko nun tapos ang fresh fresh niya. Hindi naman sa gusto kong maging maganda sa paningin ng lalaking yun pero gusto ko talaga. Di bale! Sa susunod kapag nagkita kami dapat maganda na ako, nunca hayaan kong makita niya ulit ako sa state kong yun.
Kaya yun isinilid ko na sa bag yung mga pampaganda na inorder ko pa sa avon. Hindi ko kasi afford mamili agad ng cash sa mall lalo na ako na lang ngayon bumubuhay sa sarili ko. Yung pambili ko ng kolorete sa mukha pambayad ko na lang sa project sa school. Buti nga may hulugan at least hindi ganun kabigat.
Haayyy kanina pa pala ako nag-iisip ng kung ano-ano. Kailangan ko ng matulog. Umayos ako ng pwesto at niyakap ang aking unan. Pagpikit ko ng aking mga mata, ang lalaking may nakakaakit na ngiti pa din ang nakikita ko bago ako tuluyang tangayin ng kadiliman.
****
Kinabukasan.
Naalimpungatan ako.
Napatingin ako sa orasan.
OMG.
9am na?
Patay, late na ako.
Dali-dali akong nagpuntang banyo at naligo. 5 minutes lang ata ang ligo ko at nagbihis ng uniform. Wala pang suklay at tumutulo pa ang mga tubig sa buhok ko ay nag-arkila na ako ng tricycle kahit labag sa loob ko. Ang mahal pa naman nila maningil, mas okay na yun kaysa 2 subject ang hindi ko pasukan.
Kung minamalas ka talaga, traffic pa. Ano ba 'tong kotseng 'to? Lalabas lang ng gate katagal-tagal pa? Epal eh hindi porket sobrang ganda ng kotse niya, ganyan na siya.
Kahit anong inis ko, wala kaming magagawa kundi maghintay at magbusina.
Noong makalabas yung kotse pinaharurut ba naman kaya yung usok nun sagap na sagap ko.
Lecheplan.
Amoy usok na ako, kaliligo ko lang eiyyy.
Grrrr ginigigil ako.
Pagdating sa gate ng school 10:30 am na.
Ala-una next na klase ko.
Sayang lahat ng effort.
Lalo na yung pamasahe ko.
Pangmeryenda ko din yun. Ano ba yan?
Sinasabutan ko pa ang buhok kong medyo natuyo na ng mabangga ako.
Napaupo tuloy ako.
Shitsu shitsu talaga.
"Ano ba?"
Badtrip.
Napatingin ako sa nakabunggo sa akin.
"Sorry miss? Di ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo. Nagmamadali din ako eh." Nagkakamot sa batok na sabi nito.
Hingang malalim.
Ako pa talaga may kasalanan?
Yaan mo na. Nagsorry naman. Sabi ng kabilang side ng isip ko.
Bakit parang pamilyar itong lalaking 'to?
"Miss I'm sorry again but I have to go. Nice meeting you, Hailey." Nagwink pa ito sa akin bago nagmamadaling umalis.
OMG.
That wink?
Siya yung lalaki sa Xerox?
Tapos tapos nakita nanaman niya ako sa worst state ko?
Hanubayan.
Bigti na bes.
***
Ganito pala ang pakiramdam ng walang kain buong araw, nakakahilo, nakakapanghina, nakakaantok pero hindi ka makatulog kasi kumakalam ang sikmura mo.
Ang sakit ng tiyan ko, kinabagan ako sa kape kaninang umaga. 😂 Pagdating ko sa room ang sabi nila may surprise long test daw kami sa isang subject namin yung pang-ala una kaya nagreview ako at hindi na ako nakakain. Terror pa naman teacher na yun, nangbabagsak. Kaya no choice ako kundi magreview since may minemaintain akong grades. Nakakaiyak.
Pero wala ng mas malala pa sa naramdaman ko kanina habang nakatingin sa mga mata niya.
Kahihiyan.
Kill me now.
Napasubsob na lang ako sa desk ko. Katatapos lang ng last subject ko. Hindi na ako makatayo, nanghihina ako. Tinatamad na din akong pumuntang canteen para kumain.
Ano ba yan? Kumukulo na yung tiyan ko.
"Bes!!! Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap sa campus." Napatingala ako pero sumobsob din ulit. Ang ingay ni Zania.
"Hail, huwag ka ng magtulog-tulugan dyan. Sasamahan mo pa ako kay Wadey ko. Balita ko pupunta sila sa JazzDance ngayon. Uyy tara na." Nagmamaktol na sabi ni Zania. Ang Jazzdance na sinasabi niya ay isang DiscoBar na pag-aari din ng isang barkada nila River.
"Kanino mo naman nalaman na doon nga ang punta nila? Baka mafake news tayo aba gutom na ako."
"Akong bahala sa'yo bes. Ililibre kita ng favorite mong pasta tsaka mango shake. Sa pagkakaalam ko masarap pasta nila doon. Ano game ka na? Ayeeh, alam ko naman di mo ako matitiis at siyempre ang pinakamamahal mong pasta at mango shake." Humahagikgik pa si Zania palibhasa alam niyang di ko siya matatanggihan lalo na may offer pa siyang favorite food ko.
"Sige na nga, saglit lang tayong uuwi para magbihis ah, huwag ka ng magtatagal kung hindi, iiwan kita." pagbabanta ko sakanya. Aabutin nanaman kasi siya ng mahigit isang oras sa pag-aayos lalo na si River ang pupuntahan niya. Akala mo naman may date eh sisilay lang naman.
"Yes, ma'am! Ayeeehhh! Thank you bes! The best ka talaga." Niyakap niya ako ng mahigpit sa sobrang tuwa niya.
"Oo na, tara na baka magbago pa ang isip ko."
Tumayo na ako at sabay kaming naglakad palabas ng room.
Haayy naku! Gagabihin nanaman kami. Paniguradong mapupuyat nanaman ako. Mag-oover time na lang ako mamaya sa work. Magtetext na lang ako sa office. Para naman sa kaibigan ko eh.
Haaay sana hindi ako antukin mamaya.