P A R T - T W O

1 0 0
                                    

Zed's POV

Agad akong nakarating sa Black Forest. Black forest ang tawag nila dito dahil sa sobrang dilim dito. May nagsabi rin na dito nagaganap ang mga kakaibang karanasan..

Mga nagtatalik na magkasintahan.

Tumigil ako sa gilid at pinarada ang sasakyan. Bumaba ako dala ang aking phone at isang mineral water. Nauhaw ako kanina at dahil sa pesteng traffic, napabili ako ng limang tubig. Uhaw na uhaw ako. Ts

Agad kong tinahak ang papasok dito. Sabi ng isip ko, pumunta lang ako sa dulo ng gubat. Sa kakalakad ko, nakarating ako sa isang lumang bahay na may mga naka itim na suit sa labas.

"Itaas mo kamay mo! Sino ka!?" sigaw nito nang makita ako at tinutukan ng baril.

"A-ah.. Nawawala kasi ang kasintahan ko, nag tatatakbo sya dito kaso naligaw ako" pag sisinungaling ko. Wala akong kasintahan. Ts, torpe ko kasi.

"Umalis kana dito totoy. Bago kumalat sa sahig ang utak mo." sabi naman ng isa kaya tumalikod na ako.

Naglakad ako palayo at nang di na ako makita ng mga lalake ay nagtago ako sa puno at nag isip ng paraan kung paano makakapasok. Kung sabihin ko kayang pinapunta ako ng boss nila? Kaso baka di ako makalabas mamaya. Hays! Kainis! Paano ba? Lumingon ako muli sa dalawang lalaki. Sinuri ko ang baril nila. Gamit ang phone ko, binuksan ko ang camera app at nag zoom palapit upang makita ko ng mabuti ang baril nila. Wait, peke ba yun?

May naramdaman akong gumagapang sa harap ko. May ahas.
Yea, di ako takot. May ahas ako noon kaso namatay. Si mavy kasi, naglagay ba naman ng laruang daga sa aquarium na may dugo at balat ng daga mismo. Ayun, nabilaukan. E ang liit pa ng ahas ko nayun noon. May napanood daw kasi syang cartoon at kaya daw yun tumawin ng ahas kasi may ngipin daw sa loob ang ahas at dinudurog dun. Ayun, namatay nang may laruan sa loob. Umiilaw pa nga yung laruan e. Tss.

Agad kong hinawakan sa panga yung ahas at agad nitong pinulupot sa kamay ko yung katawan nya. May nakita akong sako at doon ko nilagay yung ahas. May ideya na ako. He he he.

Kasalukuyang nasa taas ako ng puno at pinapanood ang dalawa na nag lalaro ata ng online game kasi tumunog yung 'AN ENEMY HAS BEEN SLAIN!' at 'GODLIKE!' habang nag kakatuwaan yung dalawa. Bigla kong binato sa pwesto nila yung ahas sa sako. Sakto namang nasa ere ng kumawala sa sako yung ahas, at mukhang may ahas na naninirahan sa sako at dalawa ang lumabas. Saktong nag landing ito sa balikat nila.

"WAAAAH PITANGINA! MAY AHAS KA PRE!!!"

"PUTONGINA KA! MERON KA RIN!!"

Agad silang nagtatatakbo palayo sa bahay.

Napa 'yes' naman ako sa isip ko. He he he. Nalaglag rin sa sahig ang baril nila.
Agad akong tumalon mukha sa taas. At mukhang di maganda ang landing ko kasi sumakit ang kanan kong paa. Shit. Wrong timing! Agad kong pinulot ang baril at tama nga ko, peke lang. Yung isa lighter, yung isa watergun. Medyo basa kasi ang isa. Yung isa naman mabigat pero di kasing bigat ng baril talaga.

[An/ nakahawak na talaga ako ng baril. He he. Mabigat sya. Siguro bata pa ako noon kaya di ko kaya ng isang kamay. Kahit yung magazine is mabigat. May bala nga ko dati ng baril e. Kaso nawala. Tsk. Balak ko pa naman sanang buksan.]

Nag tinutok ko sa pinto ang baril kasi ay umapoy lang ang dulo nito. Nung yung isa naman ginamit ko, may tumalsik lang na tubig. Magagamit ko rin to siguro. Nilagay ko to sa bulsa ko.

Dahan dahan akong pumasok ngunit walang laman sa loob. I mean, walang tao. May upuan sa gitna, sirang sofa, basag na tv at ref sa sulok. Really? Binabantayan nila itong abandonadong bahay at wala man lang palang makikita sa loob.

Palabas na ko ng may makita akong umiilaw sa ilalim ng sofa. Agad akong yumuko at kinuha ito.

Cellphone to ni trish! Agad akong nag scan sa phone nya dahil 2% na lang ito, may bahid ng dugo at medyo basag na.

LMBKQEBCOFADB

Huh? Random letters? No.
Mukhang alam ko to kasi ito lang ang code na pinagmamalaki nyang natutunan nya daw. Ayaw nya daw ng morse code kasi puro tuldok at guhit.

Caesar shift o Gronsfeld Cipher.

Sinimulan kong sagutan kung anong message nya at nalaman ko na.

Shift 3 ang gamit nya at backwards.

OPENTHEFRIDGE

Dali dali kong binuksan ang fridge. Ang akala ko sasalubungin ako ng mabahong amoy ng fridge ngunit ang bumungad sakin ay isang hagdan pababa sa kung ano man. So dito nila dinala si trish? Nakarinig ako ng boses papunta dito mula sa labas na sa tingin ko ay bantay.

"Peta pare, kala ko mamamatay na ko kanina. Buti walang pangil yung ahas nung kinagat ako sa batok!"

"Ah, buti nga e kasi pumasok sa damit ko at kinagat ako sa utong!"

Dali dali akong pumasok at bumaba sa hagdan. Di ko alam kung hanggang saan to kaya nangangapa ako pababa, buti nalang ay may ilaw pa ang cellphone no trish kaya inilawan ko ito at nakitang malapit na ko sa pintuan. Pang lingon ko sa taas ang sobrang dilim na. Doon ko narealize na sobrang baba ko na. Ang layo na ng pintuan sakin.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga glass tubes, mga naka suits at naka lab gown.

May mga chemicals, mga liquid at mga nag gagawa ng mga baril.

May mga droga at mga p'pack ng boxes.. Boxes of Cadburry chocolates. Siguro may droga sa mga yon at pinapadala sa mga ka sosyo nila.
Agad kong kinuhaan ng pictures ang mga ito. Narinig kong may papalapit sa pwesto ko kaya agad akong nagtago sa dilim sa ilalim ng malaking pipe doon na sa tingin ko ay daluyan ng mga tubig o kemikal. Basta bakal sya.

"Sure ka bang nakatakas ang hostage natin!?"

"Oo, brad. Lagot tayo kay Mr. Ranus neto!"

"dalian natin. Baka nandyan lang yon!"

"Damn that bitch! Pero di bale, sabi ng tauhan natin, papunta na dito yung photographer. He he. Siguradong mawawala ang galit ni Mr. Ranus niyan."

"Nakakatawa ang pangalan ni Mr. Ranus no?"

"bakit? Ano bang real name nya? Ang alam ko nga lang Planet ang tawag sa kanya sa black market e."

"Di mo alam? Mr. Anson U. Ranus! Parang Ur Anus ang Basa at banggit nila e. He he he"

"HA HA HA! PARANG BUTAS NG PWE--"

"hoy! Bawal ang maingay dito!! Gusto nyo bang mapatay ni Planet!?"

Agad na nagsialisan ang mga naka suit. Pft ur anus? He he he. Para ngang butas ng pw--

Natigilan ako ng madinig ang isang scientist.

"Sir Mars, tapos na po namin ang Liquid na iinject sa mga subject natin upang maging superhuman."

What? Gagawa ba sila ng mga Hulk dito? Napalingon naman ako at nakita ang mga subject na sinasabi nila. Ang iba'y may tatlong kamay. Yung iba may tangkad na 8 ft at sobrang payat pero parang goma kaya nasa glass tube. Meron namang nagiging tulis tulis ang katawan kaya naka kulong ito. Agad kong kinuhaan ng pictures at videos ang mga ito.

Nang mapansing wala nang tao sa pwesto ko ay pasimple akong naglakad patungo sa isang kwarto na naroon.pag pasok ko, nandito ang mga uniform nila at ilang sa samples ng mga liquid at may mga pangalan dito.

Ang kulay Red ay strength
Ang Blue ay Speed
Ang Green ay Mind Reading

Madami pang kulay ang naroon.
Kinuha ko ang mga ito. May nag uudyok sa utak ko na magagamit ko raw to. Yea, i always trust my instincts nang biglang may narinig akong papalapit dito.

Oh shiiiiiii........ Talaga naman!

ZoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon