P A R T - T H R E E

5 0 0
                                    

Zed's POV

Dali dali akong nag suot ng lab gown at nagkunwaring may chinecheck habang nakatalikod. Buti naka mouth mask ako agad.

"Sabi ko na kay Venus na-- Sino ka?"

Di ako humarap at kunwaring may sinusulat. Kinakabahan ako. Heck! Naka pasok na ko dito, papalya pa ba ako!?

"Ang sabi ko sino ka?--"

Agad akong hinarap nito at nagulat ako kasi pamilyar ang pulis na kasama nito.
"Ah, ikaw lang pala pluto. Tch. Dalian mo ang pag gawa ng report dahil nang gagalaiti si Planet sayo!" Naglibot libot ito at tila may hinahanap. "Asan na yung mga liquid dito?" shit. Lagot. "pluto?" nakatitig lang ako sa kanila at di ko alam ang isasagot. Mukhang namumukhaan din ako ng pulis na kaharap ko at sabay mabilisang sulyap nito sa bulsa ko dahil siguro nahalata nyang may nakatago doon.

"Pluto ano ba!? Tatanga tang--"

"Mars, tara na. Nakita kong dinala na nung under ni venus yung mga gamot." sabi ng pulis at muling tumingin sakin. "Pluto, dalian mo na bago ka pa mapahamak." di ko alam kung may meaning ba yon o wala. Ts, kaaway ba sya o kakampi?

Agad rin silang umalis at sinarado ang pinto. Hahahays. Todo kaba ang inabot ko. Sa di sinasadyang dahilan, napatingin ako sa mga files na hinahalungkat ko. WHAT THE HELL ARE THESE?! They are creating SUPERHUMANS! At gumagawa rin sila ng SUPERVILLAINS para pag natalo nila, lahat ng credits at papuri, aakuin nila at kikilalanin hanggang sa makuha nila ang loob ng presidente at mag hari sila kalaunan. DAMN THOSE FUCKTARD MAD ASS SCIENTIST!

Dali dali kong pinicturan ang bawat pahina ng papeles habang naka On ang Recorder App ko. Lumabas na rin ako at nag tungo sa kabilang kwarto at nandoon lahat ng subjects nila. Mapa tao man o hayop. May mga lalaki na may balat ng ahas at sobrang bilis kung gumapang sa malaking aquarium. May babaeng isda naman na may matutulis na ngipin at at kulay abong eyeballs na akala mo alien ni ben10. Meron namang lalaki na nagpapalit ng anyo bilang higante na may diamonds sa katawan na nakakulong sa malaking cage at mayroong bata sa sulok ng kulungan na aakalain mong inosente pero pag ngumanga ay nawawakwak ang pisngi at naglalabas ng mahabang dila. Madaming tao ang nag success sa mga test pero may mga di naman kinaya at sila'y namatay ngunit ang iba ay naka hiwalay na kulungan. Merong nag susubok mag palit ng anyo ngunit pagkatapos ng ilang segundo, babalik na ulit sa normal. Meron namang nakakapag buga ng asido ngunit nawala sa sarili, sinusubukang lusawin ang kulungan ngunit di ito basta basta nalulusaw dahil nagkakaroon lamang ulit ng panibagong bakal kaya napapagod lang ito at meron namang sobrang laki ng katawan at sobrang tangkad ngunit di ito makalakad dahil sa payat ng paa nito.

Kinunan ko sila ng mga litrato at lumabas at pinagtuunan ko ng pansin kung bakit ako narito.

"Sir pluto, pinapatawag ho kayo ng isa sa mga scientist sa basement para sa eksperimentong gagawin sa subject #2433 na si... Trisha Samonte. Dito po ang daan" sambit nito sa pangalan ni trish pagkatapos i scan ang files at umalis.

Subject #2433!? Balak ba nilang... Arghh. Papatayin ko yang Butas ng pw-  "Sir pluto, tara na po!" -et na yan, sumunod na lang ako dahil mukhang nag mamadali na ito. Tinahak namin ang pinto na kusang bumukas at nilakad namin ang hallway ng lugar na to. May mga nakadikit sa pader na test lab, firearms, explosives, at may kung ano ano pa. Pumasok kami sa pintong may nakasulat na 'Broadcasting Room'

May mga camera at Lightings sa loob at nandoon ang inupuan ng lalaki sa video kanina. May lalaki sa sahig na walang buhay at winakwak ang sikmura. Shit, is that emman!? Halos masuka ako sa nakikita ko. Sa tabi nito ay nakakulong sa glass ang babaeng duguan na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. TRISHA!

Wala namang tao doon maliban samin ng Scientist na to. "Sir, maaari nyo na po subukan ang test sa kanya. Ito pong dilaw na liquid ay ang explosion, pag pinaghalo nyo po ang dilaw sa kulay pula ay sa loob ng tatlong segundo, bigla po itong sasabog na mas malakas pa sa dinamita kaya doble ingat lang po. Ito namang itim ay ang smoke screen. Pag dumikit po sa bakal ito ay mati trigger po ang chemicals at uusok ito, ang may mahinang resistensya ay maaaring mamatay. Itong Kulay puti na ito ay para sa regeneration, sinubukan na po namin ito sa bear, tinurok namin at noong binaril po namin, naglaho lamang po ang tama nya. Kahit ano pang gawin namin, naghihilom lang po ang sugat niya. Nung sinubukan po naming pasabugan, walang galos po pero ang kahinaan nito ay sikat ng araw o kahit anong ilaw. Di po kasi kwyang tagalan ng mata ng subject na nakainom nito kaya namatay po ito. Ito namsn pong green ay lason na kayang pumatay at gawing zombie ang naturukan sa loob ng" tumingin ito sa orasan. "Two hours".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon