P R O L O G U E ! ! !

2 1 0
                                    

*WEEEEEWOOO! WEEEWOOO! WEEEEWOOO!

"Itaas mo ang kamay mo at pakawalan ang hostage! Napapalibutan ka na namin!!!"

Nagkalat ang reporters, pulis, ambulansya at mga nakikinood na tao sa paligid kung saan may nagaganap na Nakawan at may hostage sa ika-tatlong palapag ng gusali.

"PAPAKAWALAN KO TO KUNG HAHAYAAN MO KAMING MAKATAKAS! IHANDA MO ANG SASAKYAN NAMIN SA LIKOD AT PATAKASIN KAMI HANGGANG SA SUSUNOD NA BAYAN AT TSAKA NAMIN PAPAKAWALAN ITONG BABAENG TO!"

Agad na kinausap ng pulis ang iba upang sundin ang lalaki at nang di mapahamak ang babae.
Habang sa may kalayuan, may isang lalake na may hawak na camera ang nanonood sa eksenang nagaganap at paminsan minsa'y kumukuha ng mga pictures.

"Bibigyan na namin kayo ng sasakyan na nasa likod na!"

Napangisi naman ang lalaki dahil umaayon ang lahat sa plano nya.
Ngunit napansin nya ang kulay pulang ilaw na nakatutok sa puso nya kaya nagtago ito sa babae at muling sumigaw. "ILAYO NYO ANG SNIPER KUNDI ITUTULAK--" Hindi na natapos ng lalake ang sasabihin ng matamaan sya ng bala sa balikat at naitulak nya ang hostage.

"AAAAAAAAAH!!!!"

Nang nasa ika-dalawang floor na ang babae ay tumigil ang lahat.

Ang pag laglag niya..

Ang pag talsik ng dugo ng hostage taker.

Ang mga ganti ng baril ng kasamahan ng hostage taker..

Ang mga ilaw..

Ang pagtapon ng chocolate drink ng batang nadapa..

Ang pag talsik ng laway ng mga pulis..

Ang pang dudukot ng magnanakaw sa bulsa ng lalakeng nag pipicture..

"Ts. Kikilos na naman ang bayani."
Nabobored na sabi ng lalaking may camera'ng dala.

Naglakad sya papunta sa ilalim ng hostage na nalalaglag.
Sa sobrang bilis nya, tumigil ang buong mundo sa ginawa nya.
Tumakbo sya paakyat sa pader upang saluhin ang babae at ilagay sa ambulansya. Agad naman syang pumasok sa loob at mabilisang tinali ang mga masasamang tao. Ang mga bala namang tatama sa mga pulis ay kinuha nya at tsaka nilapag sa sahig ng naka form na smiley face na may letrang Z sa tabi nito. Agad syang bumalik sa pwesto nya at nang mapansin ang dumudukot sa bulsa nya ay maingat nyang pinadiretso ang kamay nito at sinara ang palad ng lalake, tinututok sa mukha nito at bahagyang tinulak.

Bumalik sya sa pwesto nya, ginaya ang postura nya bago sya umayos ng tayo para di mahalata at bumalik ang lahat sa normal.

Nagulat ang mga tao dahil nawala ang mga hostage taker at nakitang nasa loob na ito ng sasakyan ng mga police at naka tali. Ang babae naman ay nasa ambulansya na at may benda na mula sa mga galos. At ang ikinagulat ng mga pulis ay ang mga balang naka form ng smiley face na may Z sa tabi.
Nagulat rin ang mga manonood ng biglang bumulagta ang mandukurot sa sahig ng bigla nitong suntukin ang saliri nya.

Napangisi na lamang ang lalaki sa ginawa nya.

"Mission Accomplished."

Naglakad na sya paalis sa mga kumpulan ng tao at nawala ng parang bula.

Kung sa tingin nyo, mabilis na si Flash, Superman o Quicksilver, maging si Kidlat ng TV5, nagkakamali kayo.

Sya ay isang estudyante na aksidenteng nakainom ng gamot na gawa ng mga scientist dahil sa katangahan.

Kaya nyang patigilin ang oras gaya ng pagpapatigil mo sa pag hinga mo kapag natatae ka na at nahanginan ka at kaya nya rin maging mabilis..

Mabilis pa sa bala..

Mabilis pa sa kawasaki ninja..

Mabilis pa sa Koenigsegg..

Mabilis pa sa Bugatti..

Mabilis pa sa ilaw..

Mabilis pa sa pag pintig ng puso mo pag nauutot ka..

Mabilis pa kay saitama..

Mabilis pa kay Goku o jiren.

Mabilis pa sa iniisip mo..

Basta sa sobrang bilis, Di mo alam ending na pala ng istoryang ito.

Sya si Zed Dwayne, yep pang first name ang last name nya.

Ang pinakamabilis na taong nabubuhay.. Sa story na ito.

Kung anong kinabilis nya, sya namang kinabagal ng Relasyon nila ng crush nya.

Sa sobrang bagal, naka apat na ex na ang crush nya, kaybigan parin turingan nila.

Sa sobrang bagal nya, naunahan sya ng kaklase nyang torpe.

At sa sobrang bagal ko mag tipa ng letra, nalowbat na phone ko.

Hanggang dito na muna.. Paalam.

--

Another piece of sht

ZoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon