Chapter 15:

26 0 1
                                    

Margaux's POV

Bago ko imulat ang mga mata ko ay nagdasal muna ako upang magpasalamat dahil ginising ako ni Lord, It's a blessing that you should be thankful of! At nang imulat ko ang mata ko ay kinapa ko na kaagad ang cellphone ko para tingnan kung gising na ba si David.

Napangiti ako kaagad ng makita kong gising na siya at may text na siya.

From: David

Rise and shine sunshine! <3 Gising na po baby ko! Kelangan ko pang iparamdam sayo kung pano magmahal ang isang Gomez ;) Text mo ko agad pag gising mo baby ha? I love youuu! :*

---

Mas lalo atang lumawak ang ngiti ko nung nabasa ko ang text niya. Ang corny naman but somehow it made my heart beats fast and it feels so ticklish. 

Maka-ilang beses ko pang inulit basahin ang text niya, bago ako nagreply. Naka-ilang bura ata ako at pinagiisipan kong mabuti ang irereply ko.

To: David

Hi David! just woke up. Good morning ;)

---

Hindi ko pa kayang sabihin na mahal ko sya, hindi pa ako kumportable eh. Pero i'll work on that. Mabilis lang lumipas ang oras dahil sa nalibang akong kausap siya, at sobrang sweet niya. Hindi ako sanay, pero siguro ganito talaga?

Mabilis lang din lumipas ang mga araw na walang pasok, at nang mag monday na.. Parang ayaw ko ng pumasok, paano pag nakita ko si David? Nakasalubong? Jusko hindi ko alam kung anong gagawin o ikikilos ko pag kaharap ko na siya. First boyfriend ko sya.. so wala akong alam. 

Tinignan ko kung anong oras na at 30 minutes na lang bago magstart ang flag ceremony, so I need na talaga pumasok.. Alangan namang forever ako hindi pumasok para maiwasan siya dahil lang sa kinakabahan at di ko alam gagawin ko diba?

Nang makarating ako ng school ay para akong masusuka, maisusuka ko na ata yung puso ko dahil ang lakas lakas ng kalabog sabe kase ni David ay nandito na siya at nakapila, na katabi ng pila ng section namin.

'Bakit ko pa kase sya sinagot? Edi sana wala kong problemang ganito! Amp'

Wala naman akong choice kung hindi pumila na, agad akong lumapit kila Mika at Jeanne nung nakita ko sila. Nasa likudan ako ni Jeanne, at katapat ko si David. My gahd! Lilingon ba ko at ngingitian siya or dedma na lang?

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harapan, at magkunwaring hindi ko sya nakita o napansin, pero bago pa man ako magtagumpay sa naisip kong gawin ay...

"Hi baby!!!" Malakas na sigaw ni David, na naging dahilan ng paglingon ng ilan. Napapikit ako at nakagat ko ang labi ko. Hindi ako lumingon, o ano. "Uy Gracie! Girlfriend ko!" Parang lalo atang dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko.

Dahan dahan akong lumingon sakanya, hindi ko alam kung kaya ko ba syang ngitian, o palipadin ko yung kamao ko sa mukha niya?

"Uy.." Yun lang ang nasabe ko, kase hindi ko din alam.

"Gracie, sabay tayong maglunch mamaya ha?" Nilingon ko ang mga kaibigan ko na kung makatingin ngayon ay parang pinagtaksilan ko sila.

"Uhm.. Kasabay ko kase sila." Napaatras ako nung naglakad sya papunta sakin habang nakangiti.

"Oh? Edi sasabay na lang ako sainyo!" Ipinantay nya ang height naming dalawa, inilapit niya yung mukha niya sakin. "Ang ganda mo talaga, lalo na ngayon.. Baby ko." Tapos ay bumalik na siya sa pila nila.

Answered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon