Chapter 10

41 0 2
                                    

Jeannette's POV

 Di ko na tinapos yung practice kahapon para sa athletics umuwi na agad ang ate mo, hahanap pa kasi ako ng jowa eh charot hinahanap na kasi ako sa bahay! Kaya si Mara nlang andun, tuturuan naman nya ako eh hahaha.

Kinabukasan.... Hays pasok nanaman ano ba naman to, makikinig nanaman ako sa mga teachers na ano hmmm nvm.

Ayssss asan na ba yung dalawa kong baliw na bestfriend, kanina pa ko dito sa quad pero hanggang ngayon wala pa din sila nakakaloka mag sisimula na yung flag cem jusq, panigurado late nanaman sila lalo na Mara.

Naglakad lakad ako baka sakaling mahanap ko yung dalawa, at yuuuuuun tagumpay nakita ko si Mika kasama yung boyfriend nyang si Mr. Bean ay si Danes pala.

"Hoy Mika, tamana landian pila na tayo" sabi ko skanya, naman kasi kala mo di sila nagkikita ni Danes kung makapag lambingan duuuh.

"Ay oo nga sige" sabi naman niya, at hinatak ko na siya.

"Bebe Danes kita nalang tayo mamayang lunch ha" sabi nya sa bf nya

"Okay bebe, makinig ka ha" sabi naman ni Danes.

Nakapila na kami at inaantay na magstart yung flag cem, pero wala padin si Mara, ano na kayang nangyare sa babaeng yun? Napagod kaya sa practice? O di nakatulog dahil sa kilig ke David haist ano ba yan.

After 10 mins natapos na yung flag cem at bumaba na kaming mga mo para kunin yung mga gamit ng bigla ko nakita si Mara.

"Hoy bakit late ka ha?" Sabi ko skanya.

"Eh kasi ano, napagod ako sa practice saka nagpaload pa ako" sabi ni Mara, sows nag pa load pa talaga.

Habang naglalakad kame nila Mara naka banggaan ko si Ayenn Delaramos, napasigaw ako kase nagulat ako.

"Ayyy! Ano ba bat kase hindi ka nag iingat?!" Inis na inis na sabe ko sakanya.

"Sorry hindi ko sinasadya di kita nakita ang liit mo kase eh" sabi ni Delaramos.

"Sorry sorry! Di mo na mababalik yung nangyare! -.- Tara na nga Mika at Mara" sabi ko sa kanya

Pagkatapos namin makuha yung gamit umakyat na kami sa room at nagpaalam sa mga ka m.o namin, pag pasok sa room upo agad at ayos ng gamit syempre excited na kami makinig sa mga teachers namin no (duuuuh)

"Andiyan na si Ma'am Perez!!! " HAHAHAHAHA Parang timang talaga 'tong si Sam bida bida na naman.

Sa likod kami umuupo lagi kase kase wala lang gusto lang namin, bukod sa maiingay mga kaklase namin ayaw na namin maki sabay kasi maingay din kami haha jk.

Habang nagtuturo si Ma'am Perez sa harapan, napatingin ako sa bintana since kita naman yung sa labas. Biglang dumaan si Ayenn parang pinana ni Kupido yung puso ko *o* wag kayo maingay pero may gusto talaga ako kay Ayenn slight lang hihi, kaya nung nagka banggaan kami kunwari masungit nalang ako para hindi niya mahalata na kinikilig ako hehez. pero joke lang ulit kasi may crush ako si Rej hihi <3


Mara's POV

Late nako as usual may practice pa naman ngayon first subject lang ang meron tapos after practica na.. nasa jeep ako ngayon papuntang school buti na lang hindi traffic.

*Beep*

Fr: David Gomez

Nasan ka na nakarating ka na ba sa school?

---

Okay wala nga pala akong load. Mamaya pagkababa magpapaload ako.. Wait hindi naman dahil sakanya kaya ako nagpapaload.. Utak nyo eh. Para kayong ako eh assuming hahahaha joke

*Beep*

Fr: David Gomez

Bella?

---

Wala nga akong load kuliiiiit naman kase, sakto nasa bisalao nako kaya pagkababa na pagkababa ko nagpload na agad ako, at tinext ko sya.

To: David Gomez

Wala pa pasakay pa lang ako ng trike kase nalate ako ng gising lagot nga ako kay mam nito eh. Ikaw?

----

Sumakay na ako ng trike itatago ko na sana yung cellphone ko kaso nagvibrate ulit.

*Beep*

Fr: David Gomez

Hindi pa, baka hindi ako pumasok.

---

Nandito na ako sa school kelangan ko ng itago yung cellphone ko. baka kase maconfiscate eh. Katatapos lang ng flag ceremony namin, Habang naglalakad ako papunta dun sa room namin nakita ko si Jeanne at Mika.

"Hoy bakit late ka ha?" tanong nya sakin

"Eh kasi ano napagod ako sa practice saka nagpaload pa ako" sagot ko saknya

Habang naglalakad kame nila Jeanne naka banggaan nya si Ayenn Delaramos, napasigaw si Jeanne. Hinayaan ko na sila mag away dun rereplyan ko pa si David eh. Pagkadating ko sa room dumeretso ako dun sa upuan namen sa likod para replyan lang si David.

To: David Gomez

Hala bat hindi ka papasok? baka magalit si mam

---

Bakit kase hindi sya papasok? Sayang naman yung pinagpractice-an nya diba kung ganun? May kumakatok sa pintuan ng room namin

"Mam excuse po sa mga m.o magpapractice na po kase kame" Si mam Cindy pala

Naglalakad na kameng papunta ng gym dahil dun kame magpapractice, nagattendance na din sya si David lang talaga ang wala

"Hindi ba papasok yun si Gomez?" Walang sumasagot kay mam kaya ako na ang nagsabe tutal ako lang din naman ang sinabihan ni David eh.

"Mam di daw po sya papasok tsaka quit na daw po sya"

"Buti naman" Natatawang sabe ni mam Cindy ewan ko ba bat ang init ng ulo nito ni mam kay David eh


Todo practice kame talagang pinupush namen na ayusin ang presentation namin dahil mamaya na namin ipeperform yun, Habang nagpapractice kame ng play tapos amaze na amaze si Mam na nunuod samin habang tinuturuan ko sila

"Gracie, Dapat dyan may upuan. Kumuha kayo ng upuan yung parang chair" Habang may hand gesture pa sya yung parang dinadrawing sa kamay nya.

Seryoso mam? Upuan na parang chair? Tawang na tawa nako kase pinipigilan ko baka parusahan ako Hahahahahaha sabog ata si mam, After namin magpractice ng play yung sayaw naman siguro limang remix yung sasayawin namin. Yung second to the last kase na sayaw namin is yung gimmie gimmie

"Landian nyo! Isipin nyo pokpok kayo! mga bayaran!" Di na namen napigilan nagtawanan na kame hahaha loko din pala tong si mam eh.

After 2 hours pinag ayos na kame ni Ma'am... Fast forward na natin..

Kame ang nanalo sa talentadong platoon!! As in CHAMPION!!! tuwang tuwa naman si mam samin at hindi nya kame pinarusahan..


Pagkauwi na pagkauwi ko chineck ko agad ang phone ko may text si David!!

*Beep*

Fr: David Gomez

Cute mo daw sumayaw kanina ah? sayang di ko nakita :(

----

Nakakahiyaaaaaaaaa ughhhhhh :(( Sana andun ka kanina David para naman nkita kitang sumayaw cute cute mo siguro hihihihihi hala ang harot naman.

*Beep*

Fr: DavidGomez

Namimiss na kita Gracie, Gusto kita... makita :P

----

WTH?

Answered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon