Kabanata 6: PATULOY ANG LABAN

32 0 0
                                    


Naging maayos na ang pamumuhay ni Reynell, wala na siyang bisyo at umalis na rin siya sa kanilang fraternity pero isang araw ay may nagtungo sa bahay nila at ito ay mga pulis. Kinabahan siya nang makita niya ang mga pulis "Ano po kailangan niyo?" may kaba na wika ni Nell "Ikaw ba si Reynell Santos?" wika ng pulis "Opo, ako nga"  nagdalawang isip siya pero sinagot rin ito "Kung gayon, ikaw ay aming inaaresto sa sala na pagpatay kay James Andanar at dala na naming ang warrant of arrest, sumama ka samin" at sumama naman si Reynell nang mahinahon sa mga pulis.

Nabalitaan ng magulang niya at ni Chester na nahuli si Reynell at ito ay nasa presinto. Inimbestigahan si Reynell ng mga pulis at tinanong ito "Bakit mo pinatay si James Andanar?" mahinahon na sumagot si Reynell na "Hindi ko po siya pinatay"   "Kung hindi ikaw sino?" tanong ng pulis sa kaniya "Yung namumuno ng fraternity namin" kalmado pa rin na sagot ni Reynell "Anong fraternity iyan at sino ang namumuno?" wika ng pulis "Ang fraternity namin ay tinatawag na Tao Gama at hindi ko alam ang tunay na pangalan ng aming pinuno ngunit siya ay tinatawag na Kiko"    "Wala kaming alam na fraternity na ganyan ang ngalan maaaring gawa gawa mo lamang iyan"    "Hindi po, maniwala po kayo sa akin"    "Ikulong na muna iyan, maaari ka na kumuha ng abogado". Kinausap ni Chester si Reynell at sinabi niya "Huwag ka mawawalan ng tiwala, kaya mo iyan, narito lang kami para sa iyo".

Nakahanap ng abogado si Reynell at ito ay si Atty. Ashley Castillo. Magaling na abogado ito pero hindi sapat ang mga ebidensya panlaban ni Reynell kaya nahatulan ito na guilty at makukulong siya ng walong taon. Araw-araw ay pinag-iisipan ni Reynell ang ginawa niya sa kanyang buhay at humantong siya sa kalagayan niya ngayon. Araw-araw ay nagsusulat siya ng tula tungkol sa kanyang buhay. Pagkatapos ng ilang buwan ay hindi na dumadalaw sa kanya si Chester naisip naman niya na baka marami lang itong ginagawa. Nang nabalitaan ng iba na nakulong si Reynell ay hinusgahan na naman siya nila at ang nasa isip ni Reynell ay ang sinabi ng kaniyang nanay na huwag magpapaapekto sa kanila dahil wala naman silang alam. Pagkatapos ng dalawang taon ay nahanap na ang tunay na pumatay kay James Andanar kaya nakalaya na si Reynell.

Natuwa ang magulang niya sa kanyang pagkalaya ngunit hindi pa alam ni Chester na siya ay nakalaya at balak niya sana sorpresahin ito. Pinuntahan ni Reynell si Chester sa bahay nila ngunit mula sa malayo ay nakita niya ito may kasamang babae na kayakap niya. Sobrang nasaktan si Reynell sa kaniyang nakita kaya nagpasya ito na umalis na lamang at huwag na muna magpakita kay Reynell. Naghanap ng trabaho si Reynell at nakahanap siya sa Gilligao's bilang isang waiter.

Tinitiis niya ang pagtatrabaho upang makapag-ipon siya sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral para maging isang ganap na reporter.

*Noong araw na pumunta si Reynell sa bahay ni Chester

Pumunta sa bahay ni Chester ang isa niyang kaklase na babae at sinasabi na may problema raw siya kaya naman naawa si Chester sa kalagayan ng kaklase niya at niyakap ito para huminahon dahil umiiyak ito. Hindi nakakapunta si Chester kay Reynell dahil nga marami siyang ginagawa at problema. Hindi lilipas ang isang araw ng hindi niya iniisip ang kalagayan ni Reynell sa kulungan. Kung nakakain na ba siya? May nang-aaway ba? at iba pa.

Hinanap ni Chester si Reynell sa kulungan pero nalaman niya na matagal na pala itong nakalaya, nagpunta rin siya sa magulang nito pero ayaw nila sabihin kung nasaan siya. Kahit si Chester ay hinuhusgahan rin 'pag dumaraan siya ay naririnig niya na ang usapan ay patungkol sa kaniya lagi tulad ng "Bakla rin pala yan" "Sayang si kyah pogi pa naman" "Boyfriend daw ni Reynell yan ah". Araw-araw ay nagbabaka sakali siya na magkikita sila muli ni Reynell.

'Di nagtagal ay nagsimula na ulit mag-aral si Reynell habang nagtatrabaho siya. Hindi pa rin sila nagkikita ni Chester pero mahal pa rin nila ang isa't-isa. Pati sa trabaho ni Reynell ay hinuhusgahan siya at tila ayaw ng mga kostumer na si Reynell ang waiter nila. Minsan naman ay sinasabihan siya ng "Sayang ka!" "Akin ka na lang!" "Bakla pala!" o "Lalaki pala ang nais." nasanay na siya sa mga pinagsasabi nila at 'di na lamang ito pinapansin. Isang araw habang nagtatrabaho siya ay may narinig siya na pamilyar na boses at sa paglingon niya ay si Chester pala ito. Ang lakas nang pagtibok ng puso niya dahil ang tagal na ng huli silang nagkita. Si Reynell ang nautusan na kumuha ng order sa mesa nila Chester. Nang lumapit siya ay nagkatitigan silang dalawa. Pagkatapos nila kumain ay nagpaiwan si Chester para kausapin si Reynell. "Bakit hindi ka nagpakita sa akin? Hinanap kita" sabi ni Chester. "Nagtatrabaho ako huwag mo ako guluhin maraming kostumer oh" sabay umalis na si Reynell at pinagpatuloy ang kaniyang trabaho.

Araw-araw ay nagpupunta si Chester sa pinagtatrabahuhan ni Reynell at humihingi ng tawad. Napatawad rin ni Reynell si Chester pagkatapos ng ilang buwan na pagpupumilit. Ilang taon makalipas ay naging isang ganap na reporter na rin si Reynell.


Bughaw na KalangitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon