Kabanata 4: Huwag

41 0 0
                                    

( simula sa kabanata na ito ay puro pagbabalik tanaw sa mga nangyari na hindi nabanggit sa mga naunang kabanata at mga suliranin na kanilang hinarap)


"Simula na ng bagong kabanata ng aking buhay, sana'y huwag na akong husgahan ng aking mga kaiskuwela. Pipilitin ko na maging positibo sa lahat ng pwedeng mangyari sa taon na ito." wika ni Reynell habang siya naglalakad patungo sa panibagong paaralan na kanyang papasukan. Pinili niyang mag-aral sa isang unibersidad sa Maynila. Malayo sa kanyang pamilya sa probinsya nila at pinili niya na magsarili muna. Nasa iisang paaralan lang silang nag-aaral ni Chester at siya'y nagagalak dahil may makakasama siyang kaibigan at minamahal sa iisang institusiyon. Pinili niyang kumuha ng isang kurso na Communication Arts na magiging tulay sa kanyang pagiging reporter.

Inaasahan ni Reynell na sa taon na ito ay hindi na siya huhusgahan ngunit taliwas ito sa mga naging pangyayari. Naging malalala ang taon na ito para sa kanya. Naging maganda at maaliwalas ang pagsisimula ng bagong taon sa unibersidad. Nagkaroon siya ng maraming kaibigan. Naging kilala din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas dahil sa kanyang angking katalinuhan at galing sa halos lahat ng asignatura niya. May kagwapuhan din siya katulad ng isang Koreano. Napukaw niya ang pansin ng mga babaeng naggagandahan sa kanyang paaralan. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit lingid sa kanilang alam na may tinatagong pusong babae si Reynell.

Isang araw, may gawain sila sa loob ng silid-aralan kung saan kailangan nilang ipapakilala pa ng husto ang kani-kanilang sarili. Dito may kumpiyansa siya na tatanggapin siya ng kanyang mga kamag-aral ngunit hindi naging maganda ang kinalabasan nito. Isa sa mga naging pahayag ni Nell ay "Ako nga pala si Reynell Santos, hindi ninyo alam na ako'y may tinatagong lihim. Sana'y tanggapin niyo ako dahil ako'y isang....bakla". Matapos niyang sabihin iyon ay naging usap- usapan na siya hindi lang sa klase kundi sa buong unibersidad. Maririnig ang mga usap-usapan na "Sayang! Kay guwapo naman ng binatang iyan tapos bakla lang pala hahaha", "Hindi ko na siya hinahangaan" o di' kaya'y "Salot lang siya sa lipunang ito! Bakit ba nandito pa siya sa paaralan?". Sa mga panahong ito, si Chester lang ang kanyang maasahan. Hindi naman siya binigo ng kanyang nobyo.

Sa panahong ito ay natataon din na may mga diskrimininasyon sa mga LGBTQ community. Nakikilahok siya sa mga protesta laban sa mga taong tumutuligsa sa kanila. Ipinaglalaban nila ang karapatang pantao at kalayaan na maging tanggap sila sa lipunang ginagalawan natin. Patuloy na lumalaban silang dalawa para sa karapatan kahit na tumututol pa rin ang kani-kanilang magulang sa desisyon nila dito.

Samantala, nagpatuloy ang diskriminasyon na natatanggap ni Reynell at maging si Chester ay nadadamay na rin. Kahit ang kanilang mga guro ay ang baba ng tingin sa kanilang dalawa. Tila basura sila na walang pakinabang at patapon lamang ang kanilang sarili. Ngunit may nag-iisang tao na sumuporta sa kanilang dalawa ito ay si Ginang. Arminda. Siya lamang ang nag-iisang tao sa paaralan na nakikilahok din sa mga protesta sa mga karapatang-pantao ng LGBTQ.

Nalaman din ni Reynell na napapadalas ang pag-aaway ng kanyang mga magulang dahil nalulugi na sila sa kanilang malaking kumpanya. Bumalik siyang muli sa kanilang probinsya. Pagpasok niya sa pinutuan ng bahay ay nagulat siya ng makita ang kanyang tatay na nakahandulasay sa sahig at amoy alak. Hindi niya nakita ang kanyang ina. Dinala niya sa ospital ang kanyang ama at naunawaan niya na may kanser pala ang kanyang ama. Mangiyak-ngiyak na siya pero pinipilit niya ngumiti sa luhang gumuguhit. Kinausap niya ang ama tungkol sa kanyang ina at ang naging tugon lamang nito ay "Iniwan niya na ako. Pinagpalit niya ako sa iba! Bata ka pa lamang ay niloloko niya na ako". Nagtrabaho si Nell para magkaroon siya nang pambayad sa gamot at mga pangangailangan ng kanyang ama hanggang sa ito'y gumaling. Mabuti na lamang ay nagamot agad ng kanser ng kanyang ama at naagapan ito.

Bumalik siya sa Maynila, nakakatanggap na rin siya ng panglalait sa kanyang mga kasama sa dorm. Sa kanyang mga protesta naman ay mga tumutol din sa kanilang mga kabilang sa LGBTQ community. Sinasaktan nila ang mga taong kabilang dito at ang malala ay pinapaslang at inaabuso ang iba. Kinakawawa at minamaliit ang mga kabilang dito.

Pinili ni Reynell na hindi magpaapekto sa mga nangyayari ngunit nahihirapan pa rin siya ng lubos. Umabot na sa punto na gusto niya na tapusin muli ang kanyang buhay sa ikalawang pagkakataon. Muli siyang bumalik sa lugar na pinupuntahan niya tuwing siya'y nalulumbay. Nalulong na rin siya sa masamang bisyo na pagdrodroga na ipinagbabawal naman ng batas ng pamahalaan sa ating bansang Pilipinas. Tatawid na sana siya sa riles ng may paparating na tren ng bigla nakarinig siya ng boses na nagwika nang "Huwag!".

Bughaw na KalangitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon