Kabanata 5: Ayoko na

26 0 0
                                    


Napalingon siya sa likod at nakita niya si Chester, ang kanyang minamahal. Sa ikalawang pagkakataon na tila naulit mula sa nangyari sa pagiging sekondarya ay napigilan siyang tapusin ang kanyang buhay muli ni Chester. Mangiyak-ngiyak siyang tumatakbo papunta sa taong hinahanap niya sa panahon ng kagipitan sa buhay. Hinigpitan niya ang yakap sa kanya at nagpapasalamat siya dahil niligtas niyang muli ang kanyang buhay.

Nagtungo silang dalawa sa kanilang paboritong lugar at doon ay nagpahinga sila. "Ikaw ang aking lunas sa mga kalungkutan ko,mahal" sabi ni Nell na nakangiti kay Chester. "Nag-dradrama ka na naman,Nell Alam mo naman na andito ako palagi para sa'yo ah." wika ni Chester. Medyo nagtataka din si Reynell kung bakit sa tuwing balak niya nang tapusin ang buhay niya ay biglang susulpot si Chester kung nasaan siya ngunit hinayaan niya na lamang ito. Sabay nilang sinalubong ang bagong umaga kinabukasan.

Nakalipas ang ilang araw, pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral ngunit nalulong na hindi lang sa droga kung hindi sa alak pati na rin sa paninigariliyo. Sumama si Reynell sa fraternity at unti-unting bumabagsak ang kanyang mga grado at napapansin ito ni Gng. Arminda. Nababahala ang kanyang guro dito at gustuhin niya man na kausapin ito ay umuuwi ito agad para gawin ang kanyang bisyo.

Pagkasali ni Reynell sa fraternity ay naniniwala siya na muli siyang tatanggapin sa lipunan dahil magiging mataas muli ang pagtingin sa kanya. Nagpapalakas siya para sa grupong ito. Halos lahat din ng kasapi dito ay nalulong sa bisyo tulad niya. Hindi alam ni Chester ang nangyayari dahil nasa kalagitnaan na ng taon at marami pa siyang gagawin na proyekto sa kanyang kinukuhang kurso bilang isang doktor. Tuluyan na nilamon na si Nell ng kasamaan at mas bumaba ang tingin sa kanya ng karamihan.

Hindi nila alam ang tinatagong sakit sa loob ni Nell sa tuwing makikita niya na nilalait siya at sinasabihan ng masama. Pansamantalang kasiyahan na lamang ang natatanggap niya kay Chester. Pumapayat na rin siya lalo dahil hindi na siya kumakain ng maayos. Lumala na ang kanyang kondisyon at hindi na siya nakakapasok sa unibersidad.Nalaman ng kanyang ama ang kondisyon ni Reynell at kinausap nito si Chester upang kausapin si Reynell tungkol sa kalagayan nito at matulungan na rin siya.

Pumunta si Chester sa dorm na tinutuluyan ni Reynell ngunit wala siya doon kaya kinausap niya ang kasama nito sa dorm "Pwede ko po ba kayo tanungin?" sabi ni Chester sa lalaki, "Pwede pero pakibilisan dahil ako'y aalis pa" sabi ng lalaki sa kaniya, "Nasaan si Reynell? Kamusta na siya?" sabi ni Chester, "Si Reynell? Minsan na lamang iyon umuwi dito at hindi na rin siya nakakapasok sa unibersidad niya.Madami na nga ang naghahanap sa kaniya dito eh, 'di ko alam kung nasaan siya." sabi ng lalaki sa kaniya, "Sige salamat.". Wala na iba pang lugar na maisip si Chester na maaaring puntahan ni Reynell kundi sa tambayan nila.

Nakita ni Chester si Reynell na nakahiga sa damuhan at may katabi na bote ng mga alak. Tumakbo si Chester sa sobrang pag-aalala dahil akala niya kung ano na ang nangyari, Nang magising si Reynell ay niyakap niya ng mahigpit si Chester "Ang tagal na kitang hinihintay. Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Reynell na maiiyak-iyak na, "Paumanhin aking mahal, Marami kasi akong ginagawa" sabi ni Chester, "Ang dami kong suliranin sa ngayon, yung mga tao hinuhusgahan nila ako kahit di nila alam ang tunay na nangyayari, paano na ang magulang ko? Naghiwalay na sila may iba na si mama at nasangkot ako sa isang krimen" wika ni Reynell, "Huh? Naghiwalay na sila tito at tita? Anong krimen?" sabi naman ni Chester "Di ko alam, Ayoko na, Hindi ko na kaya" wika ni Chester na parang nababaliw "Kumalma ka nandito ako para sayo, hindi kita iiwan, sabay nating malalagpasan ang suliranin natin sa ating buhay" pagkatapos nila mag-usap ay umuwi sila sa bahay ni Chester upang doon magpalipas ng gabi.

Umuwi muna sa probinsya si Reynell upang makausap ang kanyang nanay. Habang naglalakad ay naririnig na naman niya na pinag-uusapan siya "Grabe nangyari sa kanya kumare parang dati matino na bata iyan"   "Oo nga eh, sayang ang kanyang mga potensyal dapat ay ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang pag-aaral"      "Nabalitaan mo na ba nangyari sa pamilya nila? Naghiwalay ang magulang niya at naghirap na sila" at "Oy nagbabalik na si bakla hahaha" iilan lamang yan sa mga narinig ni Reynell habang siya ay pauwi. Pumunta siya sa bahay na tinitirahan ng kanyang nanay, sinalubong siya nang yakap ng kanyang nanay at sabi ng "Halos hindi na kita makilala sa laki nang pinagbago mo. Ang tagal na natin 'di nagkita anak" wika ng nanay niya na nakangiti"Ma, bakit kayo naghiwalay ni papa?" wika ni Reynell na parang nalulungkot. "Anak, nung mga panahon na naghihirap ako ay ang lalaki na iyon ang nandiyan para sa akin at ako ay nahulog sa kaniya at siya rin sa akin, patawad anak dahil hindi na buo ang ating pamilya" naluluha na wika ng nanay niya, "Ma, nasaan ka nung kailangan kita? nasaan kayo?" lumuluha na wika ni Nell. "Anak narito na ako para sa'yo kaya sabihin mo na sa akin ang mga problema mo" wika ng nanay ni Nell na nakangiti pero kita ang lungkot sa mga mata. "Ma, tumigil ako sa pag-aaral dahil hindi ko na kinaya ang kasamaan ng mga kamag-aral ko. Lagi na lang ako ang kanilang sinisisi at kahit wala akong ginagawa ay sinasaktan nila ako. Nagkakalat sila ng mga gawa-gawa na kwento tungkol sa akin"  may hinanakit na wika ni Reynell"Anak gawin mo kung ano ang gusto mo 'wag ka magpapaapekto sa kanila dahil ikaw mismo ang nakakaalam kung ano ang totoo at hindi sila, hindi mo kailangan na mapaniwala sila" sabay niyakap muli siya ng kanyang nanay.

Bughaw na KalangitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon