Kabanata 2

45 2 0
                                    

Gusto kong malungkot at maiyak dahil sa katotohanang umiyak si Nayanna. It was my first time to see her cry like that because of me.

The man crouched down, he's trying to level his gaze with mine pero malaki at matangkad siya kaya medyo nakatingala pa rin ako.  

"Put this shirt on, your sister brought it for you." Ani ng lalake sa namamaos na boses at matigas na Ingles.

Kinuha ko naman iyon at agad na sinuot. Ngayon, may hawak siyang bulak at isang likidong alam kong ipinapahid sa mga pasa.

Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan, at umigting ang kanyang panga na tila bang nagpipigil lang ito. Naaawa rin ba siya sa akin? Malamang.

"Lift your shirt up, I'm putting this ointment on the places you have bruises."

Alam kong kilala ito ni Yanna, dahil kanina ay tinugon pa ako sa kanya. Kung tanggihan ko kaya? Hindi naman niya malalaman, 'diba? Pero mas makakatulong kung magpapagamot na lang ako. Bahagya kong itinaas ang aking damit sa likod nang sumagi sa aking isipan na baka mas mabigo ko si Yanna kung hindi ako magpapagamot.

Tumalikod ako sa kanya habang nakaupo, at niyakap ang dalawa kong tuhod para mas makita niya ang aking likod at mapunasan ang dapat mapunasan. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking damit, at marahang itinaas pa ito lalo, inilalantad ang aking buong likod.

"Sino ka?" Walang pag-aalinlangan kong tanong. Hinahawakan ko ang dulo ng damit sa may ibaba ng aking dibdib, dahil nadadala ito sa pagkakaangat ng damit sa likod.

"Marcus," Bitin niyang sagot at naramdaman ko ang marahang pagdapo ng bulak sa aking likod. Hindi ko aakalain na marahan siyang gumalaw, dahil ang itsura niya ay parang kaonting galaw lang ay makakasakit siya.

Ngumuso naman ako.

"Magkaibigan ba kayo ng kapatid ko?"

"I saw her going here. She's a good kid," Aniya sa namamaos na boses, and I find it sexy. Kinagat ko ang aking ibabang labi, nag-iisip pa kung anong puwedeng itanong.

"Bakit ka nandito?"

Naramdaman kong napahinto siya sa aking tanong kaya nilingon ko siya. Nakatitig na siya sa akin at madilim kung tumitig. Kung natatakot lang ako, siguro ay kanina pa ako kumaripas ng takbo. Pero paano ako tatakbo?

When he looks dangerous but an angel, at the same time.

Why does he give me thoughts he could hurt me, without using his hands?

"Why did you let those girls hurt you, then?" Rinig ko ang tinatagong galit sa kanyang boses at umiigting ang kanyang panga, "If only you did not let it happen, then I wouldn't be here," 

Ibinalik ko na ang aking ulo sa tamang puwesto nito dahil namamaoy na rin ito sa pagkakalingon. Tiningnan ko na lamang ang tanawin.

"Akala ko kasi mapapagod lang naman sila, kaya pinapabayaan ko," mahinahon kong sabi dahil iyon ang totoo.

Kapag napapagod at nauumay ang isang tao, kusa siyang tumitigil. Iiwan nila iyong isang bagay o gawain, at maghahanap ng iba o magpapahinga. When we grew tired of something, we tend to stop or leave it. That's the nature of human being.

"If they don't get tired, what will you do, then?" Ngayon, halos manlambing ang kanyang boses. Nakakahilo, kanina ay parang galit, ngayon naman ay para akong bata na inaamo.

He's making me want to feel.

"Hmm?" Napabuntong-hininga na lamang ako sa panlalambing ng kanyang boses, "Come here, let me see the other bruises,"

The Girl Who Can't Feel (1 of Del Cielo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon