Kabanata 6

4 0 0
                                    

Dahil sa hindi ko maintindihan na nararamdaman at  sa unang paghuhurumentado ng puso, nahulog ako sa aking puwesto kaya nabuksan pa lalo ang pintuan.

"Fuck," a soft yet hard curse in a low baritone voice.

"W-what the hell?!" sigaw ng babae, "Who are you?!"

Kasalukuyan akong nakadapa mula sa pagkakahulog. Hindi naman ako kalayuan sa kanila pero napapagitnaan naman kami ng napakalaking kama kaya hindi naman masyadong malapit. 

Kung susugurin naman ako ng babae, puwede pa rin tumakas kasi iikot pa siya! 

Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari saakin. Mabilis ang pagtaas baba ng aking dibdib, dahil sa malakas na pagkalabog ng aking puso. Ang hininga ko rin ay mabilis. Parang wala akong enerhiya na puwede gamitin pagtayo.

Suot ko ay isang floral dress. Bahagya naman napakita ang aking mga binti kaya hinila ko iyon pababa para matakpan. Kahit hindi ko naman sila tignan, kita ko pa rin na kinuha ng babae ang kumot at ipinangtakip sa kanyang hubad na katawan. Tumingala ako sa kanila habang sinusubukan pakalmahin ang sarili. Sinusubukan i-proseso kung ano ang nangyari.

Nakatalikod ngayon si Marcus pero nakasuot na itong kulay-abo na shorts. Kinuha niya naman ang puting t-shirt at mabilisang isinuot iyon.

Napalunok ako sa kanyang ginawa.

"I said, who the hell are you?!" mabilis kong naibaling ang aking atensyon sa babae na ngayo'y nakatayo sa tabi ng kama, "This is invading privacy!"

Napakurap ako nang mapagtanto kung anong sinasabi niya.

"Huh? Invading privacy? Ako? Mukha mo! Kung sinasara niyo kasi ng mabuti ang pinto, edi wala sanang makakasilip!" s'yempre sa isip ko lang. 

"H-ha? H-hindi... t-tumitingin lang k-kasi akong p-painting sa l-labas—"

Napatingin ako kay Marcus na ngayon ay papalapit saakin habang pinupuyod ang kanyang buhok. Mas lalong nagdepina ang kanyang katawan sa ginawa niyang iyon. His t-shirt is even complimenting his chiseled and hard body. His jaw is actively clenching, and his dark, dangerous hawk eyes are pinned at me!

Sa bawat paghakbang niya, mas bumibilis ang pagkalabog ng aking puso. Mas lalo siyang lumalaki sa paningin ko, lalo na at nakaluhod ako ngayon sa sahig. Para akong kuting na nakaharap sa tigre! Hindi alam kung anong gagawin!

Yumuko ako at pumikit. Pilit na sinasabayan ang sarili sa paghinga. 

Kalma. Kalma.

Before he could even crouch down in front of me, I immediately stood up and bowed.

"I-i'm sorry. Never w-was it my intention to d-disturb... tinitignan k-ko lang ang painting sa l-labas. Nagandahan ako k-kaya t-tinungo ko ang l-lugar na ito." pikit kong sabi at tumakbo na palabas.

Ano iyon?! What just happened?!

Tumakbo lang ako ng walang destinasyon sa isipan.

Nang makarating ako sa labas, agad ako nagtago sa tabi ng building. Hinawakan ko ang aking dibdib at pinapakiramdaman ang hindi pagtigil ng pagkabalog nito. Gulong-gulo ako.

Ano ba ito? Hindi ito nangyari sa akin kahit ni isang beses.

Agad naman tumunog ang aking selpon.

"Aisha, nasaan ka? Kanina ka pa namin hinahanap. Magdi-dinner na at wala ka pa rin dito sa hall." sabi ni Ma'am Rea na may pag-aalala sa boses.

"O-opo... p-papunta na riyan..." hingal kong sabi.

"Okay ka lang ba?"

"Opo," pinal kong sabi para hindi na siya magtanong pa.

Pagkababa ng tawag, bumuntong hininga na lamang ako at tumingala sa mga bituin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Who Can't Feel (1 of Del Cielo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon