Chapter 2

2 0 0
                                        

Pagmulat ko ng aking mata ay nakaramdam ako ng kirot sa aking katawan. Nakita ko sila Mommy at Daddy na tumayo nang makita nilang nagising na ako.

"Omyghad princess, Are you okay? May masakit ba sayo? Ano anak sabihin mo? " sunod-sunod na tanong ni mommy. Princess ang tawag sakin ni mommy dahil unica ija nila ako.

Tumulo nanaman ang luha ko kasabay ng pagtulo ng luha ng mga magulang ko.

"My, ang baby ko? Nakasurvive ba ang baby ko?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa kanila. Tahimik bigla ang buong silid. Wala ni isang gustong magsalita. Kahit si Rian na nasa gilid ng pinto ay tahimik at nakayuko.

"M-y ang ba-by ko?! Sumagot kayo! Anong nangyare sa baby ko?!" Patuloy ang pag tulo ng luha ko. Sana mali ang naiinisip ko. No. Hindi pede.

"Anak huminahon ka muna. Makakasama sayo yan. Pagpahing ka muna iha." Sabi sakin ni Dad habang hinihimas ang buhok para huminahon. Umiling ako. Hindi. Hindi pede.

"Dad please sagutin nyoko! Ang baby ko. Anong nang-yare sa ba-by ko!" Pati naman ang baby ko mawawala sakin. Lumapit sakin si Rian para damayan ako. Sa katahimikan nila alam ko na ang sagot pero hindi ko pa rin matanggap. Nawala ang batang na nasa sinapupunan ko. Ang baby ko. No!

"Shhhhh Love. Huminahon ka muna." Itinulak ko si Rian na lumapit para yakapin ako.

"Lumayo ka sakin! Dahil sayo! Dahil sa inyo! Nawala ang baby ko! I hate you! I hate you! Ibalik nyo ang baby ko." Hagulgol ko habang pinipilit kong lumayo kay Rian.

Tinignan ko ng masama ang mga magulang ko. Kung sana tinanggap lang nila si Rian bilang lalaking minahal ko hindi sana aabot sa ganto! Kung hindi dahil sa kasakiman nila sa kapangyarihan hindi mawawala ang baby ko!

Sunod kong tinignan si Rian na nakayuko at hindi alam kung anong sasabihin sakin.

"Wag na wag mokong matawag na Love! Mamamatay kayo! Kung hindi dahil dyan sa kaduwagan mo! Kung pinaglaban mo sana ako sana di nawala ang baby natin. Duwag ka! Lumayas ka sa harap ko! Lumayas kayong lahat!" Sigaw ko sa kanila. Kinamumuhian ko silang lahat!

"Princess huminahon ka muna please." Sabi ni Mommy na ngayon ay umiiyak na din.

"Leave". Matigas kong sabi sa kanila. Nanghihina na ang mga tuhod ko. Pagod na ang mata ko kakaiyak.

"Iha. Nalulungkot din kami sa pagkawala ng apo namin. Kaya please huminahon ka muna. Hindi namin alam na buntis ka. Oo kasalanan namin na pinalayo namin si Rian sayo. Hindi nya kayang tugunan lahat ng pangangailangan mo na naibibigay namin sayo" paliwanag sakin ni Daddy. Apo? Talaga lang ha. Pagkatapos nyang paghiwalayin kami ni Rian.

"I said leave. Gusto ko ng magpahinga" Tinalukbong ko ang kumot ang tumalikod sa kanila. Rinig ko ang pag buntong hininga ni Dad at lumabas na sila ni Mommy.

"Love". Tawag ni Rian sakin. Pero di ko sya pinansin. Pumikit ako ng mariin. Love. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag tinatawag nya ako ng ganun. Pero tangina. Ang sakit. Naninikip na ang dibdib ko sa halo-halong emosyon nararamdaman ko. Sakit, pagod at pagdadalamhati.

"Im sorry. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana ako naging duwag hindi mangyayari to"

"Umalis ka na. Wag kang magpapakita sakin. Dahil sa oras na magkita tayo ulit sisiguraduhin kong ikaw naman ang luluhod at magmamakaawa". Mahinahon kong sabi sa kanya habang nakatalikod pa din. Ramdam ko ang unti unting pag agos ng luha ko.

"Hezhia Love.Mag usapan tayo. Tumingin ka naman sakin please. "

"Sabing umalis ka na! Ayoko ng makita ka! Diba eto naman gusto mo diba?! Ang iwan ako! Ngayon binibigyan kita ng pagkakataong umalis! Iwan mo na akong hayup ka!" Tumayo ako at hinarap sya. Lumapit sakin si Rian at niyakap ako.

"Love please huminahon ka muna. Sshhh. Tahan na. Mahal kita at alam kong alam mo yan. Please. Pag usapan natin to" Ramdam ko ang luhang pumatak sa aking balikat. Luha na nanggaling sa taong lubos kong minahal.

Ayoko na. Magiging mahina nanaman ako pag bumigay ako. Tinulak ko sya para makawala sa yakap nya.

"Ayaw mong umalis?! Pwes ako ang aalis. Simula ng umalis tayo sa inyo. Tapos na tayo. Wala ka ng kailangang ipaliwanag" Tinanggal ko ang nakakabit na dextros sa kamay ko at umalis sa hospital. Ininda ko ang sakit ng aking katawan na aking nararamdaman. Pilitin kong maglakad kahit halos manlumo na ako. Gusto ko ng umalis. Pumunta sa malayong lugar. Malayo sa mga taong nanakit sakin at naging dahilan ng pagkawala ng baby ko.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon