"Ilang buwan ka ng di nagbabayad ng renta! Huy anong akala mo libre ang pagtira mo dito!" Hays. Eto nanaman tayo. Nakakarindi na. Araw-araw nalang. Ngumiti ako bago nagsalita.
"Magandang umaga ho Aling Neri" ngiti-ngiti kong sagot sa matanda na halos mahighblood na.
Ilang buwan na akong di nakakabayad sa renta. Pano ba ba naman kasi natanggal ako sa trabaho nung nakaraan natapunan ko kasi ng juice yung isang babaeng akala mo sobrang ganda. Ilang taon na rin ang lumipas. Lumayas ako sa bahay simula nung insidenteng yun. Natuto din akong kumayod at kumita ng pera ng hindi humigingi sa kanila. I want to be independent. Nung una ay ayaw pumayag ni Mommy pero hindi din naman nila ako napigilan.
"Wag mokong mangitian bata ka! Wag mokong idaan ka ganyan mo! Ilang buwang palugit na ang ibinigay ko sayo". Sigaw ni Aling Neri.
Lumapit ako rito at pinisil pisil ang kamay sabay ngumiti ng pagkatamis tamis.
"Aling Neri naman sabi ko sayo babayaran kita, dodoblehin ko pa pag natanggap ako sa inapplyan kong bigtime na kompanya. Please" nagpuppy eyes ako rito.
"Naku ikaw talagang bata ka kung hindi kalang malakas sakin. O sige na. Basta dapat sa katapusan may maiaabot ka na sakin ha"
Niyakap ko si Aling Neri.
"Oo naman po dodoblehin ko pa"
"O sige na at mamalengke pa ako. Ang usapan natin ha."
Pagkatapos ng utuan este usapan namin ni Aling Neri ay dumiretso na ako sa apartment ko at isinarado ang pinto. Dumiretso naman ako sa kusina para kumain. Tinignan ko ang pagkain sa lamesa. Isang balot ng pandesal, sinagag at tuyo ang nakalagay dun. Sa halos apat na taong pamumuhay ko dito kala Aling Neri at paglayas ko kala Mommy nasanay na ako sa mga pagkaing ganito. Kung dati ay halos magsawa ako sa masasarap na pagkain ngayon naman ay purgang purga na ako sa sinagag at tuyo.
Pagkatapos kong kumain ng almusal ay dumiretso na ako sa banyo. Tatlong daan nalang natitira kong pera ayoko namang humingi kay Mommy dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanila. Kailangan kong tipirin dahil ito na lang ang last money ko at gagamitin kong pamasahe para sa Interview ko ngayon sa 'Zion'. Isang malaking clothing brand dito sa buong Pilipinas. Nag apply ko bilang isang Accountant doon dahil ito ang natapos kong kurso.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko na ang aking buhok. Naglagay ako ng kaunting make up. Sinuot ko ang isang white long sleeve at itim na pencil skirt. Sinuot ko din ang pasira na sandals ko. Ganun na ba talaga ako kahirap? Hays. Kailangan ko na talagang makapagtrabaho para makabili ako ng gamit dito sa bahay pati na rin ng bagong sandals.
Pagkatapos kong mag ayos ay naglakad na ako palabas. Pumara ako ng jeep. Ilang minuto din ang nakarating na ako sa matayog na buiding ng Zion Incorporation. Huminga ako ng malalim bago patuloy na naglakad papasok dun. Tinanong ko ang guard kung saang floor ang interview at sabi naman nito ay sa 5th floor daw.
Dumiretso ako sa elevator hinabol ko eto dahil pasarado na ito. Naipit pa ang aking kamay. Halos mamula mula ang aking kamay dahil sa pagkaipit. Siksikan naman ang tao dahil oras ng pasukan ng mga empleyado. Tinignan ko ang orasan sa aking relo. 7:45am. Kinse minutos nalang bago magsimula ang interview buti nalang ay nakarating ako ng maaga.

BINABASA MO ANG
You Are Mine
RomanceSi Hezhia Love Portalejo ay isang babaeng lubos na nagmahal kay Rian Clark Sioson. Binigay nya ang lahat dito. Ang kanyang buong pagkatao ay inalay nya dito ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay iniwan sya ng binata. Lubos na gumuho ang mundo ni L...