Chapter 10: He is my WHAT?!!

36 1 0
                                    

We're here at the office of my dad. Its been a long day for me. Kanina lang ay nag-so-shopping kami ni Mommy at ngayun naman ay makipagkita si papa.

I checked my wrist watch and its 6pm in the evening at nagugutom na ako. Huhu T______T

Ano kaya ang pakulo ni Daddy? Baka papagalitan nanaman niya ako. Huhu.

Umupo kami ni mommy sa sofa at naghihintay.

Bumukas ang OFFICE ROOM ni Daddy at lumabas ang secretary niya. Nagbow siya samin.

'Pinapapasok po kayo ni Sir.'

***

Office Room

-__________-  0__________0 Kami ni Mommy

'H-hon?' 'Pa?'

Para kaming TANGA ni mommy dahil hindi namin ini-expect na meron siyang hinanda ng pagkain. Mismo sa office niya, Nagpa catering siya at kami lang ang bisita ni Mommy.

'A-anong meron?' Si mommy

Seryoso parin ang mukha ni dad. Walang ka emosyon pero huminga siya ng malalim.

'P-pinahanda ko 'to hon para satin tatlo.' Daddy

'A-ah! Ganun ba? So lets eat na.' Utal ang pagkasabi ni Mommy. Bakit kaya nauutal si Mommy kay daddy?

Nakatayo lang ako sa likod ni Mommy. Nakakatakot kasi si Daddy eh.

'Ray? Ali. Lets eat.' Si daddy

Mukhang mabait siya ngayun ah?! Bakit kaya.

'Opo!' Yumuko ako.

'Pina-suggest ko 'to sa chef natin ang favorite foods mu, Ray.' Hmmm. Bakit hindi siya maka gawang tumawag sakin ng ANAK? Haay. Atleast, tinawag niya ko by NAME!

Habang kumakain kami ay napakatahimik at walang nagsasalita sa amin. Parang wala lang. Ahy! Ewan ko ba. Nakapanibago lang.

Huminto si Daddy at same parin ang mukha niya na walang ka emosyon.

'Meron akong personal BG, Ray.' 0_______0

Hu-WHAT?!!! BG? nanaman?

'Para sayo po? Dba. Madami na po kayong BG's?' ^________^

'Oo nga. Madami na akong BG's pero itong BG's na sinasabi ko ay para sayo. You're  BodyGuard.'

0______0

'P-po? B-bakit naman po? Eh. Okey naman po sakin na walang Bodyguard. Secure naman ako.'

'Hindi ka secure, Ray. Hindi mo alam kong ano pinagagawa mu nun at ayokong mangyari na naman'

Anong ibig niya'ng sabihin?

Tiningnan ko si Mama at ngumiti siya ng malungkot.

'Hindi ko po alam kong anong ibig niyong sabihin. Sge po. Kung yan ang ikakabuti ko ay tatanggapin ko po.'

'Very well.'

Tumayo siya at pumunta sa kanyang desk.

Tumawag siya sa kanyang secretary at pinatawag niya na pwede ng papasokin ang BG ko.

Pagkababa ng Telepono ay umupo si Papa at bumukas din ang pinto ng na ma shock ako sa nakikita ko.

Nag bow siya sa amin at ngumiti.

Nahagip ang mga paningin namin at katulad ko ay SHOCK din siya.

'Ray, He is REX ZALMAN TAN. You're Boudyguard.'

He is myWHAT?!! 0_______o

'And one more thing. He's your PERSONAL Body Guard.'

The Tounge Twister FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon