"Bili, bili, bili na po kayo diyan!" sigaw ko sa gitna nang sobrang init na panahon. Kailangan kasi talaga, lalo na't mahirap lang kami, kakailanganin talagang kumayod. Sa mura kong edad, ay natuto nadin ako sa kalakalan dito sa amin, Isla Asullan ang tawag dito sa amin. Dahil nadin sa mga malilinis at kulay asul na mga dagat. Pinong buhangin, at sariwang hangin. Dito madalas dumarayo ang mga turista, buti nalang at maalaga at makakalikasan ang mga nakatira dito, kaya ayun, kahit papaano nababantayan at nalilinisan ang lugar namin, lalo na ang mga dagat.
Sa halagang 300 pesos ay makakapag swimming kana sa dagat na binabantayan namin. Makakakuha ka nadin nang isang bahay kubo o di kaya'y apartment. Ang mga maliliit na bahay kubo ay nag kakahalaga nang 150 pesos, samantalang ang apartment naman ay nagkakahalaga nang 250 pesos. Sulit na sulit naman ang iba dahil nga, may mapagkukuhanan din sila nang kanilang makakain. Sariwang mga prutas na kayo mismo ang manunungkit kagaya nang Mangga, Santol, Buko, at iba pa. Puwede kading mamingwit nang mga isda sa may Fish Pond, sa halagang 25 pesos. Depende sa kung ilang ang bibilhin mo. Meron ding mga bulaklak na ibat iba ang uri na puwede mong pagmasdan, amuyin, at hawakan ngunit bawal tapakan at bunutin. Libre lang ito basta ba't wala kang nasisira.
"Tirik na tirik ang araw, nag bebenta ka, Jasmine. Di kaya, magkasakit kana niyan?" natawa nalang ako sa sinabi ni Aling Betriz.
"Kailangan po, Aling Betriz eh. Para sa pangangailangan ko at para sa makakain naming mag papamilya!" paliwanag ko dito, nginitian ako nito bago tumingin sa binebenta ko.
"Ano bang binebenta mo?" tanong nito at hinawakan ang hawak hawak kong timba na nag lalaman nang mga bangus na daing.
"Ano pa po ba? Edi, Bangus na daing, ano aling Betriz. Bibili po ba kayo?" tanong ko dito at tinanggal ang nakatakip na supot sa timba para makita niya ang ginawang daing ni tatay. Patay na ang ina ko ngunit, nandyan naman si tatay at ang dalawa kong kambal na kapatid para buuin at pasayahin ang bawat araw ko.
"Oo ba, dating presyo ba, o tumaas na?" ngumiti ako kay Aling Betriz at sumagot.
"Syempre dati pong presyo,Kuwarenta pesos kada 10 piraso" kumuha ako nang isang supot at lumuhod saka inilagay ang supot sa kamay ko. Kumuha ulit ako nang isa saka tumingin kay Aling Betriz.
"Ilan po ba ang kukunin niyo?" tanong ko sa kanya, naglabas muna ito nang pitaka at pera.
"Oh kunin muna ang bayad ko, heto otsenta pesos, bente piraso ang kukunin ko. Baka, hindi ko nanaman matikman yan dahil ang mga anak ko nanaman ang mangunguna" kuwento nito sabay halakhak, napatawa nalang din ako nang dahil dun. Meron siyang dalawang anak na parehas na matakaw, kaya minsan, napapasapo nalang ako sa noo ko kapag nakikita ko ang dalawang magkapatid na iyon na sabay kakain. Walang wala sa kanila ang isang bilao. Baka kulang pa ngayon eh. Sa murang edad nilang dalawa ay hindi ko alam kung mag kakasakit kaya sila sa katakawan nila.
Kumuha ako nang bente pirasong Daing at isinilid sa supot. Ibinigay ko iyon kay Aling Betriz at tinanggap ang bayad niya.
"Naku, maraming salamat po Aling Betriz, buwena mano po kayo. Sigurado po akong mauubos ang lahat nang 'to" ngumiti ako sa kanya ngunit siya ay tumawa lang at pabiro akong hinampas.
"Nambola pa ang batang ito, oh, siya kailangan ko nang umuwi. Mag ingat ka nalang sa mga dadaanan mo" napangiti ako nang dahil sa sinabi ni Aling Betriz, napakabuti niya talaga.
"Maraming Salamat po, Aling Betriz. Sa uulitin!" tumango nalang ito sakin at ako naman ay inayos na ang mga ibebenta ko. Kailangan ko pang makadami, para masarap naman ang mabibili kong pagkain na uulamin namin mamayang gabi nila tatay.
-
"Magkakano po 'yang Lechon Manok ninyo?" tanong ko sa nagbebenta nang Lechon Manok. Tumingin naman ito sakin bago nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/142510395-288-k127768.jpg)
YOU ARE READING
The Game of Love|Isla Asullan Series #1
Novela JuvenilThe Game of Love Written by: LalaCope Genre: Teen Fiction Language: Taglish Book cover made by: Jecy_Lee Please do add this story on your library, and enjoy Reading!