Chapter Two

6 1 0
                                    

"Calling all passengers of Panpacific Airflight Number 4418 bound for Pandacan Maynila. Please proceed to"

"Oh, mag iingat ka sa Maynila ha? Wag kang basta bastang nag titiwala kahit kanino! Maraming manloloko, Rapis, Gangster, at kung ano ano pa doon. Umasto kang parang isang babae, nang makahanap kana nang boyfriend mo. At nang magka apo nadin ako!" mahabang litanya ni tatay sa akin bago ako sumakay nang airplane tungo sa Maynila.

"Tay naman, anak? bata pa po ako, ni hindi pa nga po ako nakakatuntong nang Collage eh. Hay naku, tatay. Mauuna napo ako!" paalam ko at yinakap sa huling pag kakataon ang itay ko. Nilingon ko naman ang magkapatid na kambal na sina Kia at Sia na ngayon ay umiiyak na.

"Sia at Kia, kapag wala na si Ate, dapat tutulungan at aalagan ninyo si tatay ha? Magpapakabait kayo, dapat makapag tapos kayo nang pag aaral. At pangako ni ate, na kapag nagkaroon na ako nang magandang trabaho, bibilhan kayo ni ate nang laruan at mga damit na gugustuhin ninyo. Tatawagan kayo ni ate kapag nasa maynila na ako ha?"  hinawakan ko ang pisngi nang dalawa at hinalikan sila. Hindi ko napigilan ang pag landas nang luha ko. Mamimiss ko sila.

"A-Ate, mamimiss k-kita!"-Sia

"Ate ko, sabi mo hindi mo kami iiwan? bakit ka aalis? ayaw mona ba sakin? mag papakabait napo ako, hindi napo ako magiging masunget. Wag niyo lang po kaming iiwan nila tatay. Ayoko ate, ayoko!" napahagulgol na ako nang dahil sa inasta ni Kia. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, pero, wala na akong magagawa. Kailangan ko din, para makapag aral ako at makapag trabaho, para nadin sa kanila.

"Pasensya na, Kia at Sia. Pero, kailangan talaga ni Ate. Sorry ha? bibilhan ko nalang kayo nang mga gugustuhin niyo. Promise, tatawag si ate" ngumiti ako sa kanila at hinalikan sila sa noo.

"Tay!" yinakap ko ulit si tatay at hindi nanaman napigilan ang paglandas nang luha sa mga mata ko.

"Mamimiss kita, Anak. Pakabait ka ha?" tumango tango ako ay tatay at hindi pa bumibitaw. Hindi ko kaya.

"Again, Calling all passengers of panpacific airflight number 4418 bound for Pandacan Maynila. Please proceed to"

"Kailangan ko nang pumunta, Tay, Sia, at Kia. Paalam na!" kinuha ko ang maleta kong malaki na punong puno nang mga damit ko.

"Ateeeeee!" niyakap ni tatay sina Sia at Kia na nagpupumiglas pa para habulin ako. Pasensya na, Sia at Kia.

'After 14 hours'

Lumapag nadin sa wakas ang sinasakyan kong eroplano. Nasa 14 hours din ang naging oras nang biyahe. Madaling araw na nang makalapag ang eroplano. Pagkababa ko ay napangiti nalang ako sa mga bumungad sakin. Hindi ko din maiwasang malungkot dahil ang iba ay merong sumusundo. Kaso ako, wala. Hays, masanay kana Jasmine, syempre mag isa mo. Ang tanong, san ako tutuloy ngayon nito?

Nagkibit balikat nalang ako at inilabas ang Nokia Phone ko. Tinawagan ko sila tatay at sa wakas ay sinagot naman nila.

"Oh, anak, kamusta ka diyan? Okay kalang ba? Nakalapag kaba nang maayos?" napangiti nalang ako nang dahil sa sunod sunod na tanong ni tatay.

"Okay lang po ako tay. Kayo po ba? Nasan po sina Sia at Kia? puwede ko po ba silang makausap?" tanong ko kay tatay. Tumikhim ito bago nag salita.

"Heto, tulog na sila, ayaw nga nilang kumain kanina eh, lalo na itong si Kia. Humahagulgol nalang sa pag iyak. Samantalang itong si Sia naman, hindi nag sasalita. Natatakot na nga ako sa mga inaasta nila eh!" napabuntong hininga nalang ako sa kuwento ni tatay.

"Hayaan niyo tay, mamayang mga alas siyete, kakausapin ko sila. Sigurado akong pansamantala lang po yan. Oh, sige tay, ituloy niyo na po iyang tulog niyo. Kailangan ko nadin po kasing maghanap nang malilipatan!"

The Game of Love|Isla Asullan Series #1Where stories live. Discover now