8: NEW HOME

0 0 0
                                    

ZANIA'S POV
Nandito na ko sa kwarto ko. Nakahiga sa kama at nakatingin sa dingding. Napapangisi na lang ako sa tuwing maaalala ko si kua. May kua na ko! Tunay na kua! Si Drake Alexander. Di pa alam ni mama ang tungkol sa kanya. Wala pa kasi siya, ayun nagtatahi sa shop niya. "pwedeng pumasok? " sabay katok sa pinto. Alam kong si kua yon. "Pasok. "Umayos ako ng upo.
"May inaalala ka? " umupo siya sa tabi ko. "Wala. Kua.. May tanong ako.  "
"ano yun? "
"yung kahapon-" kumunot ang noo niya. ""Wag mo nang ituloy. " hmmm... Napatawa ako ng mahina. Yung kahapon kasi....
Flashback
----------------
"BAKLA! " Sabi ko. Kasi naman, yung pusang Drake eh babae pala. Nung una hindi naintindihan ng iba. Si Zac lang pala at ako. Alam kong naintindihan ako ni Zac kasi tumawa siya ng mahina. Hanggang maintindihan narin nung ni ate ayake. Tiningnan naman ako ng dalawa kong kua. Nagtataka. "Huh? Bakla? "Sabi ni kua Drake. Nakakunot na nga sila. "Si drake pala ay babae. Kaya bakla. " natawa naman si kua dare ng pagkalakas lakas. Oa lang. "B-baliw kang bata ka. Ikaw din, DARE! " nagalit si kua at ayun nagwalk out. Lalo tuloy kaming natawa.

End of FB
---------------
"Sorry. "Mahina kong sabi habang nakayuko. "Yaan mo na yun. Tapos na. Ayoko ng balikan pa. " halatang naiinis parin siya. Sabay naman kaming napatingin sa pinto ng may naramdaman kaming nagbukas ng gate sa baba. "Si mama! Halika kua, ipapakilala kita! "Hinawakan ko ang pulso niya at hinila pababa. "Ma! "Sigaw ko habang nasa hagdan palang. Niyakap ko siya agad. Pero napako ang tingin niya kay kua pabalik balik ang tingin ni mama samin. Mukang gets ko na toh ah. "Ma, mali ang iniisip mo. "
"hi po. "Pagbati ni kua. "A-anong?! Pwede mo naman sabihin sa kin toh anak. Di mo muna siya dapat sinama sa kwarto mo. Anak! "Nag aalalang sabi ni mama. "Ah, hindi po. Kapatid niya ko. " sabi ni kua. "Hah? "Tumango ako. "At hindi siya ang type kong uri ng lalaki. Dapat katulad ni-"muntik na! Nakatingin lang silang dalawa sakin. Aaahh!!! Inaya ko nalang si mama sa sofa at pinaupo siya. Kinuwento ko ang lahat kay mama. Di naman as in lahat, yung dahilan lang kung bakit siya nandito. "Kung ganon, kapatid ka niya? " tanong ni mama. "Opo. Kua ko siya. "Sabi ko. Niyakap kaming dalawa ni mama. "Mga anak ko. "Sabi niya. Hmm. Ang bait talaga ni mama. "Welcome to your new home... Anak. "
**********

Bloody CrossWhere stories live. Discover now