14: GOODBYE

0 0 0
                                    

Zania's POV
Hayzzzz.... Tapos ng bukingan time, tuwang tuwa si mama. Ang kaso, napaltan ng pagkadismaya ng sinabi ni Frost na wala na ang papa niya. Lalo pang nalungkot si mama ng sabihin din ni Frost na hindi siya makakasama dito sa bahay. Pero inalok ni Frost si mama na dun tumira sa bahay niya. Pero di agad siya sumagot. Pagiisipan pa daw. Ako naman nandito sa kwarto na kahiga, nakatingin sa kisame. Nagiisip. Namomroblema!!!
"Zania! Erzania! Verzania! "Ang problema, nandiyan na! Mula sa baba, umalingawngaw ang boses ni Kua Dare. "Kua manahimik ka nga! Ang ingay ingay mo gabi na! "Pero mukang hindi naman siya lasing.

"Kua? Baliw lang? "
"Verzania! Si Zac! Pumunta ka doon! Dali! Pati ang kua mo!"Ano daw? Anong nangyari kay Zac? "Kailangan ko bang mag disguise? "Tanong ko.

Pero kinakabahan ako ah. "Kua,kailangan ko pa bang mag disguise? "
"oo!hindi!wag na! Bahala ka! "Tarantang taranta lang?! Kumuha nalang ako ng panyo para ipang mask. Zac, wait for me! Kua, bahala ka na! Malaki ka na! Zac first!

Marinette's POV
Naalimpungatan ako ng marinig ang sigaw ni Dare kanina. Batang toh talaga. Di na ko nagabalang bumaba pa. Alam kong may gagawin nanaman sila. Hay nako, magingat lang kayo. Pipikit na sana ulit ako ng may narinig akong mga naguusap sa labas.

Sumilip ako sa bintana. "S-si!" Tinakpan ko ang bibig ko ng tumingin siya dito. "Tapos na. Job well done. "Sabi nung babae. Yung boses niya, pamilyar. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Tuloy tuloy at ang lakas.

Bumaba na ako. "Oo na! Teka lang! "Nasa tapat na ako ng pinto. Kinakabahan. Nagdadalwang isip . Masama ang kutob ko. Nagulat ako ng kumatok uli siya. Sige na nga. Yung damit niya. Yung!
"Oh oh, b-bakit k-ka nandito? "Kinakabahan ako. Bakit siya nandito? Nakita niya ba ako?"Papapasukin mo muna ba ako. "Sabi niya. "A, hah? "Nagbingibingihan na lang ako. "Sige. Kung gusto mo dito na lang ako magtatanong. Anong nakita mo?hmm? " yung boses niya. Pamilyar talaga. "Wa-wala! Hehe! S-sige, tu-tulog na ako. "Nangangatog na talaga ako. "Teka lang. "Humarap ako sa kanya at naglabas siya ng kutsilyo. Madali kong isinara ang pinto. Tumakbo ako papuntang kwarto. Alam kong hindi ako tatagal dito.
BOOSH
"Nasaan ka?! Nagtatago? Pinapahirapan mo lang ako eh. Mamamatay ka rin! "Yung boses niya. Naaalala ko na! Naghanap ako ng papel at bolpen. "Ito! "Alam kong katapusan ko na. Ang babaeng toh, walang patawad. Malaki rin ang galit niya sakin. Napaharap ako bigla sa likod ko."Sabi na. Nandito ka nga. Alam mo, ang dami kong naalala dito. Isa na rin don ang pang aagaw mo sa mahal ko. ".
"Hindi ko siya inagaw sayo! Ako ang minahal niya at hindi ikaw! "Sinampal niya ako. Tinanggal niya ang mask niya. At tama nga ako. "Pati ikaw. Minahal kitang parang kapatid. Hindi ko ginustong-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Sabi na. Katapusan ko na. Napahiga na lang ako sa sahig. "Hindi. P-pasensya na! "Tumakbo siya at umalis na. "A-ayos lang. P-pinatawad na kit-. "

Zania's POV
Ang pakiramdam na toh. "Alam mo ikaw., ang ganda ganda mo talaga! "
Baliw talaga siya. "Baliw! Kapatid mo ako! Mana ako kay mama! "Akay akay ko lang naman si kuya Drake ngayon papunta sa kotse ni Kua Dare. "Aray! Dahan dahan naman! "Nagreklamo pa si kupal! "Bitawan mo nga ako! "Sabi mo eh. Binitawan ko siya at siyempre, na paluhod siya. "Bakit mo ko binagsak! Di mo na ba love ang kua mo! "Tapos tumingin siya kay Zac. Tumayo siya at dinuro duro si Zac. "Ito? Ito ba ang pinagpalit mo sakin? "Akay akay naman ni Kua Dare si Zac. Nag boksingan lang naman sila. Parehong lasing. Uuwi na daw sana si Zac pero nasanggi niya si kua Drake. At ayun, ang mayabang kong kuya nanuntok na. Lahat yan ayon kay Kua Dare. Dumating na lang kasi ako nakahiga na sa lupa si kua. Siyempre, Zac wins!
Nagulat ako sa kua ko ng bigla niyang hawakan ang balikat ko. "Sabihin mo! Sinong mas mahal mo! Ang kua mo o ito? "Tapos tinuro niya ulit si Zac. Nabubwisit na ko!

"SHUT UP! UUWI NA TAYO! " sigaw ko. Lentek man siya. "Ok. " sumakay na ko. Si Zac sa front seat at kami ni kua Drake sa likod. At si kua Dare, "kua dare, kaya mo bang magdrive? " panigurado lang. "Oo naman! Di naman ako lasing eh! " patawa tawa pa. "Uminom din yan. "Sabay na sabi ni Zac at Kua Drake. Nagumpisa na kaming umandar. Kinakabahan ako ah. Tahimik na lang yung dalawa. Pag si Kua Dare ang driver hindi na kami nag sasalita. Ayaw na naming masemplang uli! Ay disgrasya pala!

Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay. Lalo akong kinakabahan.

Nasa tapat na kami ng bahay. At ang pinto, sira! "Patay. "Sabi ni Zac na lalong nag pakaba sa kin. Mama....
"Uy! Erzania! "Di na ako nag abalang tumingin pa kay kua Drake. Nagmadali na akong pumasok sa bahay para hanapin si mama.

"Ma! Ma! "Kinabahan ako ng sobra sobra. Hindi dahil sa magulong bahay kundi sa bangkay na nararamdaman ko. Umakyat ako papunta sa kwarto ni mama. Bawat hakbang ko sa hagdanan pabigat ng pabigat. Parang may humihila sa akin pababa.

Nasa tapat na ako ng kwarto at, Napatakip ako sa bibig ng makita ko ang isang bangkay na nakahiga sa sahig. "MAMA!! " nagmadali ako at niyakap si mama. humagulgol ako sa pagiyak. "Pasensya na. Hmph.. Hindi kita Hmph.. Nailigtas. "Pahinto hinto ako dahil sa sobrang pagiyak. "Erzania! Ma-mama? "Napaluhod si kua. Kahit papaano napamahal na rin siya kay mama. "Sinong gumawa nito sa iyo!?MAMA?!"si kua. Halong galit at lungkot ang boses ni kua. Nasa pinto lang ang isa ko pang kua kasama si Zac. "I'm sorry. "Pabulong na sabi ni Zac. "You don't have to say sorry. Zac."sabi ko kay Zac. "I will find you. "Madiin at galit na sabi ko. "Mama, I'm sorry. S-sorry...." I hug her. "I love you. And thank you.... Goodbye. Ma..... "

Bloody CrossWhere stories live. Discover now