10: BURDEN FROST

0 0 0
                                    

Zania's POV
"Verzania, ayos ka lang ba? " huh? Ano daw? "Ah ah, hah? "Naglalakad nga pala kami palabas. Uwian na kasi. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Tumingin ako kay Zac. Mukang may iniisip din. "Siguro, iniisip niyo ang isa't isa? " baliw na ba si Levia. -" HUH? hindi ah. " nagkatinginan kami ni Zac. Sabay kasi kaming nagsalita. Nasaunahan siya ni Levia at katabi ko naman si Levia. Nice explanation Zania!! Naging serious ulit ako ng maalala si Frost.

"Nice catch. " sabi ni Zac with sarcastic voice. "Nagulat ko ba kayo? Anyway, i am Burden Frost. Call me anything if you want. " "anything? So, it can be ugly? " sabi ni Zac. Nag eye to eye lang silang dalawa. Ako? Eto, OP. Hanggang nagsalita na ako. "Frost? Pwedeng magtanong? "I ask. "Nice name. What's it? " "how can you do that? " "di ba halata? Kala ko ba, magagaling kayo? Bakit hindi niyo ko nakilala? " anong ibigsabihin niya? Bigla namang nagsalita si Zac. ". Night Howlers. " "nice. "Tapos dumating naman yung sir namin. Ano ba yan! Gusto kong magtanong kay Frost kung anong ibigsabihin ni Zac, dumating naman ang paepal naming teacher.

"Kua, pwedeng magtanong? " kasalukuyan na kong nasa bahay. Nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. "Ano yun? "Si kua naman nakaupo sa sahig. "Ano yung Night Howlers, I mean delikado ba sila? "Mula sa kusina ramdam ko ang pagtingin ni mama sa kin. Alam niya kaya yun? "Pano mo nalaman yan?! H-hwag nga kayong magpapaniwala sa balita!  "Anong nangyari kay mama? Nagmadali niyang pinatay ang tv at bunalik sa kusina ng hindi manlang tumitingin samin. Walang alam si mama tungkol sa kin o kay kua. Di ko sinasabi na pumapatay ako. Di ko nga alam kung alam niyang bampira ako eh. Basta, wala akong sinasabi sa kanya.

Pero,bakit tv? Commercial pa nga eh. Pumunta si mama sa harap ko at umupo sa lamesa para mapantayan ako. "Anak, matulog na kayo ng kua mo. At ipangako mo sakin, na kahit kailan hindi ka sasali sa mga gang na yan. Naiintindihan mo? "Sabi ni mama sa mahinahong boses. Niyakap niya ko. Alam nga ni mama ang totoo. Siyempre, inalagaan niya ko nung baby eh! Pero, yung gang, bat alam niya yun? "Ma, gang? "Tanong ko. Agad namang tumayo si mama. "A-ah. Wala. Drake, umakyat na kayo ng kapatid mo. Matulog na kayo. "Tapos bumalik agad siya sa kusina. "Tayo na. "Tinawag na ko ni kua. Tumango na lang ako. Anong meron kay mama?

************************

"Zac. Sinong hinihintay mo? "Papasok na ko sa gate ng school ng makita ko si Zac na nakatayo sa gilid. "Ikaw. "Napa smile na lang ako. Sabay na kaming pumasok sa loob ng room.
Uy, sabay sila oh.!
Ang sweet!
"Hindi! Akin lang si Izaac! "
Bulungbulungan sa room pero yung isa sumigaw na. Edi kanya na si Izaac!! H-hindi ko, hindi, ko sya gusto!! "Excuse me, Izaac right? "Pakipot pa tong babaeng toh eh halos isigaw na nga niya yung pangalan ni Zac kanina. "I'm Riza Rivera. " "nice to meet you. "Urggh!!! Bwesit! Tinakpan ko na lang ang tenga ko pero wa epek!! Napapikit ako habang nakahawak parin sa tenga sa sobrang gigil ng maramdaman kong may umupo sa katabi kong chair. "What are you doing? "Binuksan ko yung isa kong mata at ng masiguradong si Frost nga yun, umayos na ko ng upo. "Wala. Nga pala, yung kahapon, " "ah, about that. Forget about it. "Tapos tumingin siya sa malayo. Forget about it!!? Baliw ba siya? "Night Howlers. Ano yun? "Kala mo patitinag ako, hmm. No way! "Not here. "Tumayo siya at hinawakan ang pulso ko. Hinila niya ko palabas ng room. Nabaling ang tingin namin ni Zac sa isat isa ng napakabilis. Wala ba siyang balak pigilan ang lalaking toh? Hindi ko mahila ang kamay ko sa lalaking toh. Malakas eh. Ewan pero talagang merong kakaiba sa Frost na ito.

Nakarating na kami sa"Garden? "Nakatalikod lang siya. Umupo siya sa isang bench dun at nagsalita. "Night Howlers. The third group. My home. "Pangisi ngisi pa siya habang sinasabi yun. "A-ano? Home? "
"Oo. Iba ang dugo ko kaya hindi niyo agad ako naamoy. Siguro si Zac. "

"panong naging kakaiba ang dugo mo? " naka cross arms na siya ngayon. Ayan alam ko na ang tawag! "Half human, half vampire. " "impossible. Kakaiba. Hybrid ka! Sa SLED ang grupo ng mga katulad mo! Niloloko mo ba ko? "Half human? Edi dapat malakas siya.
As in nararamdaman ng kahit na anong lahi ang kapangyarihan niya. Imposible talaga. Tumawa siya ng malakas. Ano, baliw lang? "What's happening to you?"Kumalma na siya. "I'm sorry. Mali ako. Ang tatay ko pala ang half human. Ako siguro 1/4 na lang. "Medyo natatawa pa siya. "Eh bakit hindi sa SLED sumali ang papa mo? O kaya sa EvFra. Dapat sa malalakas na grupo siya. "

"hindi. Ayaw niya. Galit siya sa mga grupong yun. Minsan na nilang natalo ang TNH, kaya gusto niyang maghiganti. At ayun na nga, hindi na ko nakaalis sa grupo. Bayani ang turing nila kay papa, kaya siyempre bilang pag galang, i stayed. "Kaya. Pero bakit niya sinasabi sakin? "Bakit mo toh sinasabi sa kin? "
"nagtanong ka diba? "Umalis na siya at naiwan ako dito. Hindi ng magisa. Napayuko ako at ngumisi. "Zac. "Humarap ako sa likod at, yun nga. Siya. Uupo pa sana ko sa chair ng bigla siyang nagsalita. "What are you doing? Nasa school tayo at late na! " Waaahhhh!! "Hinablot ko ang kamay ni Zac at kumaripas ng takbo. Kamay talaga. Nasa pinto na kami ng room.
Anong ginawa nila?
San sila galing?
Bakit na ka holding hands sila?
Bulungan pa mo-. Natigilan ako sa sinabi nung isa, holding hands? Titingin na sana ako sa kamay namin pero Nabaling ang tingin ko kay ma'am ng sumigaw siya. "San kayo galing? "Tumingin si maam sa seats namin. "One of my rule is stay in your room! Kapag nakapasok na kayo wala ng lalabas pa! Now seat! "Napayuko na lang ako. Nakita ko yung kamay namin. Hinila ko agad ang kamay ko. A.. Ano bang ginagawa ko? Bat hawak ko siya sa kamay?

Anyway, nakaupo na ko at nakatingin kay maam naalala ko yung sinabi niya. May ganun bang rule? Tumingin naman ako kay Frost at sinamaan siya ng tingin. Ngumingisi ang bwesit! Pero, tungkol sa kanya, mukang mabait siya. Sa mga kinuwento niya sakin kanina, totoo lahat yun. Pinagkatiwala niya sa kin ang kwento niya. At dapat maging ang akin din.

Bloody CrossWhere stories live. Discover now