Chapter 3: The Magic Ride

6 1 0
                                    

At nang dahil sa mabalitaan ko yung kaputanginahang taglay ng ex kong si Ivan, nanlumo akong bigla, feeling ko ginawa nya lang akong panakip-butas nya... Feeling ko ginamit nya lang ako ng parang CONDOM. Hinayupak sya, Buti nalang hindi nya ko naisahan. Kung hindi bonggang-bongga pagsisisi ko ngayon.

At dahil nga dun sa Balitangina, kelangang mapagaan tong dinaramdam kong masakit.  Ehtong si Reji, Ililibre ako sa Padi's... Nandito kami ngayon sa Montero ng boyfriend nya. Sa backseat ako umupo at silang dalawa sa harapan. Tinted masyado tong mga bintana kaya sa sobrang irita ko nun, Bumaba muna ako para bumili ng yosi sa tindahan...
Ang kaso, Ang layo ng tindahan. Kelangan ko pang maglakad ng mga 16 meters.
Nilakad ko padin, tanga ako eh.

Nang makarating ako sa tindahan, Bumili ako ng yosi. Pati na rin softdrink para swabeeeeeeeh.

Syempre inubos ko muna yung softdrink pati yung yosi, nakakahiya at baka kumapit pa yung amoy ng usok sa Montero ng boyfriend ni Reji, Mukhang bago pa naman....

Nang pabalik ako, napansin ko yung Montero, Tinitigan ko muna...

Ang ganda ng Acyrilic nyang Black, bagay na bagay pang-pormang richkid. Yung tangkad ng Sasakyan na to, mapapa-wow ka.

Tinignan ko yung plate number, Fck L74.

Pero nagtataka ako,

Patay naman yung makina nung Montero,

Wala namang tumutunog,

PERO TANGINA BAKIT GUMAGALAW TO NA PARANG TUMATALBOG?

Hindi kaya't........



Jusko,


Reji, Rip na sa dalawa mong hita na magdi-divorce.

Pinanonood ko lang yung pagyanig ng Montero, taas-baba, taas-baba, taas baba.

Gusto ko man na katukin silang dalawa dun, Nahihiya ako kay Reji.. Moment nila yun eh. Sa katunayan, Fiancè nya na yung boyfriend nya. So, wala naman sigurong masama kung gagawin na nila yang bagay na yan, Tutal sila din naman yung ikakasal, hmm?

34 minutes lang naman ang hinintay ko hanggang sa matapos sila.

Kaya napagdesisyunan ko nang kumatok.


*knocks*

" Reji? Okay ka lang dyan?"

"A- oo! Bakit ang tagal mo? Hinihintay ka namin ah?"

"Ha? Eh may ginagawa kayo dito sa loob eh! Parang nakakaoffend naman kung kakatok ako nang di pa kayo natatapos.."

"Ha? Natapos saan?"

"Sa ginagawa nyo."

"Ha? Anong ginagawa namin?"

"Nag-aano ata kayo eh"

*splaaaaaaaaak!*

Sinapok nya ako sa mukha.

Tinawanan lang nila akong dalawa..

Naghahampasan sila habang tinatawanan nila ako.

Tawang-tawa sila sa sinabi ko, eh hindi naman yun joke.

"Ay Tang*na ka Alexis! Hahahaha!"
Sabi ni Reji habang pa-punas punas pa sya ng pawis nya sa noo.

"Bakit? Ano bang nakakatawa?"

"Di kami nagse-sex! Virgin pa ako okay?!"

"Eh anong nangyayari dito sa loob at
Tumatalbog yung sasakyan? Kitang-kita yung pagyanig dun sa labas oh!"



"Hahahahahahaha! Babe, wag ka nga magi-install ng 4d dito sa SUV mo pag isasama natin si Alexis... Kala nya kase nag-aano tayo eh!"

Sinabi yun ni Reji sa Boyfriend nya.

"Anong 4D?"
Naaasar kong tinanong.

"Yung nilalagay kapag manonood ka ng movie, tas gagalaw yung upuan mo GANERN! Boba ka talaga! Kaya ka--"

"Oo Boba na ako." Malumanay kong isinagot nang putulin ko yung salita nya.

"Sumakay kana. Pupunta tayo sa lugar kung saan mo iiwanan yang kabobohan mo."

Ngumiti sya.

OTW na Sa Padi's ng Kaquaguhan City!

He's Into Her, Not Into You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon