Kabanata 2- Si Hara Montara
Hello! Ako nga pala si Hara Montara Grade 9-Gas. 15 years old. Medyo matangkad ako pero maikli lang ang buhok hindi aabot ng bewang, matangos ang ilong, saka dun sa nakaraang school na pinapasukan ko di naman sa nagyayabang maraming nagkakagusto sakin.
Lagi rin akong may honor simula Day Care hanggang ngayon sa High School. May mga kaibigan ako dalawa lang sila si Astral Vinope na laging gutom at si Manny (hindi Pacquioa) Lao, mga bestfriend ko yang mga yan lagi silang nangungulit sakin.
May isa pa akong naging kaibigan kaso di ko siya masyadong kilala, nakilala ko lang siya nung nakaraang linggo nung pinasukob niya ko sa payong sa sobrang init ng araw, kapitbahay ko pala siya, siya si Darniel Villeges, di pa kami nakakapagusap sa facebook pero nkakapagusap kami minsan kapag may oras.
"There's a rainbow always after the rain, lalalalalalalalala"pagkanta ko, papunta sa bahay.
Sa bahay namin, marami kaming mga halaman dahil gusto ng mama ko na magtanim lagi favorite song nga nya habang nagtatanim "magtanim ay di biro maghapong nakayuko...."
Si Mama Joy, mabait at minsan nagiging strict sakin at si Papa Fin, lagi akong sinosupport kahit anong gawin ko pero wag lang masasamang gawain. Wala akong kapatid, pero mga pinsan madami kaso di ko na sila nakikita eh. Tuwing linggo nasa bahay lang kami at kapag sabado naman ay minsan umaalis kami minsan hindi.
Grade 9 palang ako, malapit na matapos ang school year, sa pasukan Grade 10 na ako, grabe ka istress pero nakaya namin, GAS na strand ang kinukuha ko dahil nandun ang course na gusto ko yun ang EDUCATION o maging isang GURO, gusto ko magturo sa mga bata sa elementarya ang sarap kaya magturo, naiisip ko na ung sarili ko na nagtuturo ako sa mga bata. Minsan gusto ko namang mag Journalism kaso nahihirapan ako maggawa ng News saka naiimagine ko na parang mauubos lahat ng papel ko, tas kung saan may event dapat nandun ka at pinakamalupet laging puyat dahil naggagawa ng news.
"HARAAAAAA!!!",sigaw ng nanay ko sa akin.
"Bakit po?"sagot ko.
"LUMAPIT KA DINE!!",muling sigaw ng nanay ko.
Kumaripas ako ng takbo papunta kay nanay. Ano kayang nagawa kong mali?
"Dalhin mo tong ulam sa bago nating kapitbahay"sabi ni nanay.
Huuuu yun lang pala.
"Ah kala niel po, sige po"sagot ko.
Papunta ako sa bahay nila niel ng biglang nakabunggo ko si Niel.
"Ahmm sorry"sabi ni niel.
"A-ah okay lang, eto nga pla ulam pinabibigay ni mama"sabi ko.
"Hintayin mo nalang tong lagayan"sabi niya.
Tumango nalang ako. Ilang minuto na kong naghihintay sa labas wala pa rin siya. Uuwi sana ako ng narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Haraaaaa!"tawag sakin ni Niel.
Lumingon ako at nakita ko si Niel.
"Baket?",tanong ko.
"Pasok ka daw sa loob sabi ni mama"sagot niya.
Sabay kaming pumasok sa loob. Naabutan kong naglalagay ng pagkain ang mama ni Darniel sa isang lalagayan.
"Ineng, lumapit ka dito, kunin mo itong pagkain at iabot mo sa iyong nanay"sabi ng mama ni Darniel.
Lumapit ako, kinuha ung pagkain at nagpasalamat. Nagpaalam na ko na aalis na.
Nang nakarating na ko sa bahay, nilagay ko sa lamesa ang pagkaing galing sa kanila.
"Nay! May binigay din pong pagkain ang kapitbahay."
"Nagpasalamat ka manlang ba?"
"Opo nay."
"Sige, kumain muna tayo at pagkatapos kumain ligpitin mo ang mga pinagkainan at saka ka magpahinga", sabi ni mama.
Binuksan ko ung binigay nilang ulam at nakita na ito ay Menudo. Pinagsaluhan namin ito, nabusog kami at nagligpit na ko ng pinagkainan namin.
"Sige, magpahinga ka na.", Mama joy
Tumango nalang ako at umakyat sa kwarto ko. Hays, malapit na magpasukan nakakatamad, panibagong stressed, panibago na namang problema at kung anu-ano pa . Sa sobrang boring ng buhay ko nakatulog nalang ako.
BINABASA MO ANG
God's Perfect Time
Randomkadalasan dito sa storyang ito masasalamin ang ating buhay, ang buhay natin ngayon minsan magulo at minsan kailangan maghanap.... Isang lalaki na pumasok sa isang relasyon ngunit nabigo at naghintay na lamang ng tamang panahon at tamang tao sa kanya...